Stranger

400 20 1
                                    

Panibagong araw na naman..at maaga akong nagising.
Mas maaga pa sa mate ko na mahimbing na natutulog.

Hindi ako mapakali ngayong umaga,hindi ko alam pakiramdam ko may dapat akong gawin pero kahit anong alala ko sa mga aking gawain araw , tingin ko wala naman akong nakalimutan.

Hindi ko maunawaan.

Kaya naman kahit madilim pa,tumayo na  ako,at nag ayos..
Kahit naman gustuhin kong matulog muli siguradong hindi ko ito magagawa .

Matapos kong mag ayos,agad na sinalubong ako ng nakaupong mate ko.

Nakatingin ito sakin

"Maaga pa,saan ka pupunta?"
Tanong niya

"Sa aking klinika."

"Sa ganitong oras?"siya na hindi makapaniwala

"Oo,hindi ako makatulog..punta nalang ako doon para mag ayos."

"Matulog pa tayo"siya na inaantok pa

"Hindi na ako inaantok..Kaya ikaw nalang.. matulog ka pa."

Humiga siya pero nakatingin parin sakin.

"Aalis na ako..kita nalang tayo mamaya."
Saka ako umalis

Di ko naman siya narinig na sumagot,mukhang talagang inaantok pa siya.

Sinalubong ako ng ilang mga omega.
Sa ganitong oras,talagang may maagang gumigising sa kanila,dahil  maaga palang kailangan nang maghanda para sa mga pag kain.
Maraming nakatira dito sa pack house pero ang pinaka mataas na lugar ng aming silid ay walang nakatira doon bukod samin dalawa ng mate ko.
Iyon din ang pinaka malaking silid.

Agad na nabigla ang mukha ng isang omega ng makita ako.

"Magandang umaga,mahal na Luna."
Nataranta pa ito.

"Magandang umaga din sayo."
Balik kong bati sa kaniya

"Ano pong gusto ninyong almusal?"magalang at may pag iingat nitong tanong muli

"Mainit na inumin."

"Sige po ikukuha ko kayo."

Nauna na itong umalis dahil ihahanda niya ang inumin.
Ilang beses ko palang siyang nakaharap sa mga  nag daang mga araw.
Pero ngayon ay nauunawaan ko na,dahil ito at ganitong oras gumigising at nag papahinga sa oras na nandito ako.

Mabilis siyang nakabalik saakin at may hatid itong isang tsaa.

"Salamat"saka ko itong tinanggap.

Tumango ito at umalis na

Ako naman ay umalis na rin dala ang iniinom ko .

Doon nalang ako iinom sa aking pagamotan.

May mga bantay akong nakasalubong at agad akong binati.

"Magandang umaga,luna"bati ng isang bantay

Binati ko din ito pabalik na may ngiti.

Ganon ang  paulit ulit na nangyari  habang patungo ako sa aking klinika.

Napahinga nalang ako ng malalim pagkaupo ko saaking silya .

Uminom na muna ako  habang nakatingin sa mga halamagang gamot sa harap ko.

Marami narin akong nabuong mga inuming gamot.
Gamit ang kakayahan ko bilang isang puting mangkukulam,nagawa kong gawin itong isang maliit na bagay at kayang Ibahin ang lasa ng sinuman ang uminom nito.
Kaya naman hindi ako nahihirapan ipainom ito sa mga batang taong lobo.

Tumatanggap narin ako ng mga ginagamot na pack member.
Mas natuwa ako ,kasi pakiramdam ko bumalik ako sa dati kong buhay..
Kaya naman ang buong araw ko ay nasa klinika ,at araw araw din pinupuntahan ako ng mate ko sa oras na hindi na siya abala.

Taken by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon