Cyra

412 21 0
                                    

"Dito muna kayo...huwag kayong gagawa ng maling kilos..
Dahil hindi na muling nagdadalwang isip si Alpha,paparusahan  niya kayo sa oras na may makita siyang mali"
May matapang niyang sabi
Nagagalit siya dahil  pinag hihinalaan parin niya kami...

"Dalia,huminahon ka...Hindi pa napapatunayan kong isa nga  ba silang kalaban."sabi ng babaeng may maamong mukha  na una naming nakita sa gubat .

Umangil ito,pero agad din namang tumalikod at iniwan kami

"Pag pasensyahan niyo na si Dalia.
Hindi kasi siya sanay na may ibang tao ,ditong nakakapasok sa aming pack"may ngiti niyang sabi

Umiling ako,
"Nauunawaan ko..."sagot ko

"Ako nga pala si Cyra,ikigagalak ko kayong makilala , Liveen at Ivan ng Luwins Pack.
kong may kailangan kayo.Ako ang bahal sa inyo."may sigla niyang tinig

Natuwa naman ako sa inakto niya

"ikinagagalak ko din na makilala ka,Cyra"
Ngumiti naman siya bilang tugon

Narinig ko ang pag uusap nila ni Ivan kaya pansamantalang napunta ang atensyon ko sa paligid.

Pack house nila ang pinuntahan pero Pakiramdam ko nasa loob parin ako ng kagubatan..

Ang silid ay may mga  kagamitan na gawa sa kahoy at bato.
May higaan at bintana sa tabi.
May mesa at telang may desenyo na sa pang binibini ko lamang nakikita..

Andaming bulaklak ng silid na ito.

Sa makatuwid,pang babae ang lahat ng kagamitan dito.

"Nagustuhan mo ba?"bigla akong nagitla ng bigla siyang pumunta sa harap ko.

Kaya hindi ko na naiwasang napaatras.

"O-oo"nauutal kong sagot sa biglaan niyang pagsulpot.

"Mabuti kong ganon..,bukas na bukas,dadalhan pa kita ng mga bulaklak."

"H-huh??Pero bakit?"tanong ko

"Hindi ba gusto mo ng mga bulaklak,dahil doon ka nakatingin"

Kahit gusto kong tumanggi,pagtango ang ginawa ko at saka nagsalita

"Ah,oo...gusto ko nga sila,pero hindi mo na kailangan pang bigyan ako.tama na ang mga ito,at isa pa...Hindi mo kami isang panauhing imbitado...Isa lamang kaming mga nanghimasok na taga labas."

Biglang nawala ang ngiti niya.. At napalitan ng lungkot ang mga mata

"Aalis kayo??Pero hindi ba,may isang maiiwan sa inyo "

Muli akong napaisip dahil sinabi niya.. bumalik sa alala ko ang muntik nang napagkasunduan

"Hindi ko pa alam...sa lagay namin,hindi ko man ginustong magalit ang inyong Alpha,sa tingin ko wala na siyang tiwala samin."
Nanghihinayang kong tugon

Hindi ko rin alam ang gagawin,ang hirap gumawa ng desisyon..
Pero inaamin ko,

kong hindi  nagkaroon ng kong anong nangyayari sa labas,sa oras na iyon....handa na akong magparaya...

"Patawad kong wala akong magawa para sa inyong tulong ngayon.."na naka yuko

Ramdam ko ang kabutihan niya

Nawala ang ngiti ko sa labi ng  bigla akong nakaramdam ng pananakit muli ng kalamnan..
At sumabay na sumanting ang sakit sa ulo ko.
Parang binibiyak at pinupukpok sa sakit.

Napaupo ako sa sakit nito..

"Ahhhh!!"pamimilipit kong hiyaw

"Anong nangyari ?!"tinig ni Cyra

Taken by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon