Hidden

306 17 6
                                    





"Liveen Pov"





"Hindi ka pa ba matutulog?oras na ng pahinga"
Agad na napalingon ako sa nag salita.

Doon ko lamang napansin ang mate ko na nakatayo habang nakasandal sa pinto ng aming silid.
Hindi ko man lang narinig ang kanyang pag pasok,sa lalim ng aking iniisip

Inayos ko ang mga gamit ko at sinara ang aklat na aking sinusulat.
Dito nakapaloob ang mga natutulaklasan kong mga sakit at lunas .

Dahan dahang tumayo ako at humarap sa kanya

"Kanina ka pa ba dyan?"tanong ko

Umalis siya sa pagkakasandal at lumapit saakin

"Oo,at napakalalim yata ng iniisip mo na hindi mo napansin ang aking pagdating."

Nakatingin siya sakin na pinag aaralan ang aking mukha.

"Abala lang ako sa mga lunas.Kaya hindi kita napansin.Kamusta ang araw mo?"tanong ko

"Naging maayos naman,at nahuli ko na ang nakatakas na estranghero."

"Ta-talaga?, kamusta naman siya?"nabigla kong tanong

Naging iba ang tingin niya.

Kaya napakunot ang noo ko.

"Anong kamusta siya?nag aalala ka ba sa kanya?"
Siya na mukhang hindi natutuwa.

"Ano bang sinasabi mo? tinatanong ko lang naman kong kamusta na ang kalagayan niya,hindi ko sinabi na nag alala ako."depensa ko

"Kong ganon,pwede bang huwag kang nagpakita ng awa kanya.Bakit pa kasi ikaw ay isang pack Doctor.Kong pwede pang sana huwag ka ng maging pack Doctor."siya na pabulong bulong

Napangisi nalang ako

"Bawasan mo kaka selos sa kanya,alam mo namang hindi kita ipagpapalit don."
Direkta kong sabi habang naka pangalumbaba

Nakita ko na natigilan siya at maya maya pa ay napapangiting lumapit pa ito.

Umupo siya sa mesa ko,na hindi man lang iniwasan ang mga sinusulat ko.
Gamit ang hintuturo inangat niya ang mukha ko paharap sa kanya.

"Siguradohin mo lamang nag iisa ako para sayo,para wala tayong problemahin, maliwanag?"

"Ibang klase ka din eh noh,paano naman kita mapapalitan kong namarkahan mo na ako.?pwede pa bang mabago?"

Bigla na lamang siyang natawa
Habang ako naman naiinis sa pagtawa niya

Inilapat niya bigla ang noo niya saking noo habang nakapit at may malawak na ngiti sa labi.

"Akin ka lang "bulong niya

Ako naman uminit ang mukha,sa simpleng sinabi niya

........

Hindi ko maiwas ang mga tingin sa kakaibang nakolektang buto na nakuha sa mga estranghero na nakapasok dito sa pack

Pang ilang ulit ko na itong pinag mamasdan at nauuwi lamang sa malalim na isipin

Nanatili itong nakalagay sa isang boteng may mahika.

Tila may sariling buhay ang mga butong ito.Muntik na itong makasira ng boteng unang pinag lagyan.
Kaya inilipat ito sa isang may mahika na sisidlan upang di makawala.

Hindi rin ito maaaring direktang hawakan o mailapit sa balat ,bigla na lamang kasing itong nagkakaroon ng ugat,at mabilis na bumabaon sa balat.

Napag alaman ko din na ang mga estrangherong nakapasok,ay mula ng magising ay tila wala silang maalala.

Taken by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon