Smile

403 25 0
                                    


"Liveen Pov"

"Layuan mo ako,hindi kita kailangan"malamig kong utos sa aking mate

matapos na mangyari ang sinabi niya .
Tinandaan ko lahat ng sinabi niya.

"Hindi ko naman sinasadya eh,isa pa nadala  lamang
ako aking damdamin., patawarin mo na ako.Pangako ,hindi na mauulit"
Paliwanag niya

Ngunit kahit katiting na salita niya ay hindi gumana saakin.

Nadala ng damdamin?ano siya walang isip..
Pwede namang gamitin ang utak eh,.. ulyanin ba siya ?

"Magpaliwanag ka sa kauri mo"sabay lumipas ng kamay na pinapaalis siya.

"Pero  hindi ba dapat pinag uusapan natin ang ganitong kaliit na bagay?"
Siya na nakasimangot narin

"Maliit bang bagay ang sinabi mong hindi katiwa-tiwala ang mga tulad namin.?"balik kong tanong

"Kasalanan ko na...ako na ang mali,pero pwede bang paglagpasin na natin ito.Isa pa kanina ka pa hindi kumakain"

Masama ko siyang tiningnan.

"Aalis ka o ako ang aalis?"

"Saglit lang naman kasi, parang hindi ito patas---"
Lalong sumama ang tingin ko sa kanya

"Oo na,ako na ang aalis pero aalis lang ako,kong kakainin mo itong dinala ko."
Tiningnan ko saglit ang dala niya bago nag salita

"Iwan mo dyan,at umalis ka na"matigas ko sabi

Matalim ko siyang tiningnan hanggang sa iwan na niya ako.

Doon lamang ako nakabuga ng hangin sa sobrang inis.

"Hmm!kala mo naman  susundin kita,mag-"
Napatigil ako sa pag sasalita ng biglang bumukas muli ang pinto at nakasilip na ulo ni Alvierd ang dumungaw doon.

"May usapan tayo"saka dahan dahan muling sinarado ang pinto

Tumayo ako at malakas na sinipa ang pinto.
Nilagyan ng harang para di na niya ako muling isturbuhin.

Pinakiramdaman ko ang paligid ng wala na akong maramdaman na taong malapit sakin,bumalik na ako sa aking kinauupuan kanina .

Pinag patuloy ang aking binubuong sangkap para sa aking bagong lunas na ginawa.

Kanina pa sana ito tapos,ngunit dahil sa bisitang nag hahanap at pangungulit ni Alvierd,napatigil ito.

Hindi ko na alam kong ilang oras na ang lumipas,naging abala ako , hanggang sa matapos ko ang aking ginagawa.
Hanggang sa nakaramdam na ako ng matinding gutom.

Napatingin ako saglit sa pag kaing dinala ni Alvierd.Wala naman siguro masama kong sundin ko siya kahit masama ang loob ko tungo sa kanya.

Nilabas ko ang lahat ng laman ng lalagyan.
Kahit kainan na kagamitan talagang  hindi nag papaiwan sa ganda ng uri na gawa.

Ng nailapat ko na ang lahat,sa aking lamesa .
May napansin akong kakaiba..ito ang mga pagkain na aking paboritong putahi.
Tapos nandito din ang inumin na gawa sa sariwang prutas.
Kakaiba din ang pagkakagawa nito  ang desisyon at pagkakaayos.

Sa taas naman ngpaghimagas,may nakalagay na,tila nabubuong salita.
Sinuri ko ito,at ng mapag tanto na totoo nga ang iniisip ko.

Nakasulat doon ang salitang'Mahal Kita,Aking Luna'

Huh?!!!

Ano daw?!

Muli pinasadahan ko ulit ng tingin ang lahat,baka naman nagkakamali lamang ako.

Taken by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon