Nakakapagod ang maya't mayang pag tungo at pag tanggap ng kanilang pagbati..
Hindi ako makapaniwala na ganito sila ka galang palakaibigan..
Iniisip kong baka naman nag papanggap lamang sila at nagpapakitang tao upang manlinlang ako tulad ng kanilang pinuno .
Ngayong umaga kami unang tumungo sa labas ng pack..doon ko lang din napag tutuonan ng pansin ang paligid.
Akala ko nasa loob lamang ng pack house nila ang sinasabi niyang pag aalmusal.Ngunit makalagpas na kami ng ilang pinto tumungo kami ng palabas ng pinto ng pack house.
Nakita ko ang mga pack member niya marami silang dala-dalang mga basket na may lamang pagkain.
May prutas at marami pang iba...Masaya silang nag uusap at nagkakatuwaan tulad ng normal na pack .
Bumungad saking mga mata ang isang malaking Kubo.
At pagtungo namin sa loob malaking Kubo ,agad na nakita ng mata ko kong saan napakalawak ng looban.
May mga maraming upuan na gawa sa kawayan,at mahabang lamesa sa gitna nito na gawa din sa kawayan.
Ang dingding ay gawa sa pawid at kahoy.
Napakalinis at napaka maaliwalas sa pakiramdam ang kumain sa ganitong lugar."Luna ko,halika na ..." Alvierd at naka handa ang kanyang kamay para ihatid ako sa aming pupuntahan
Tumango ako at pinanatili kong maging mahinahon.
Pinilit kong maging normal tila ba hindi ko iniisip ang gusto kong mangyari.
Kong gusto kong makatakas dito,magsisimula muna ako sa pakikipag kaibigan at makipag butihan sa mga nilalang dito..
At sa oras na makuha ko ang kanilang tiwala, aalis ako .
Dala ang aking pack."Umupo ka na"siya habang hinila ang upuan kong saan nasa isang tabi ng isa pang malaking upuan .
"Salamat"sagot ko at umupo na
May pag iingat ang bawat galaw niya at simula ng umaga na kami ay muling nag tagpo,sinundo niya ako upang mag agahan.
At sa aking pag harap sa unahan ng aking kinauupuan, sandaling natigilan ako.
Dahil nakatingin pala sila saakin..
Lahat ng pack member niya ay nakatutok ang mata saakin kinikilala at pinapanood .
May mga mata na inaabangan ang sunod kong gagawin."M-magandang umaga sa inyong lahat."pag bati ko na medyo na utal pa,dahil sa init ng mga mata nila,nanliliit ako ..nakakailang.
"Magandang umaga,Luna"
"Sa inyo din , Luna"
"Magpagpalang umaga"
Lahat sila ay may pagbating pabalik at may ngiti sa mga labi.
Tumango tango ako bilang pagtanggap
"Lahat tayo ay naririto,upang makilala ang ating Luna..siya si Luna Liveen Kizana.Nag mula sa Luwins Pack..
Gusto kong ipakita natin ang mainit na pagtanggap sa kaniya...Kong gaano kasaya at kaibig ibig ang ating pack.
Mag mula sa araw na siya ay maging ating Luna,ay siya ding simula ng pagbabago ng ating pack..Ang liwanag ng buong buhay natin..Kaya sana ituring niyong isa siyang liwanag na kong wala siya,katapusan na nating lahat,umaasa akong magiging mabuti kayo sa kanya tulad ko ay respetohin niyong tulad ko bilang inyong Alpha....""Masusunod,Alpha"
"Makakaasa kayo Alpha"
"Gagawin namin Alpha"
Ibat iba ang kanilang naging tugon .
"Magsimula na ang lahat"dagdag pa niya
Pero bago pa magsimula kumain ang bawat isa,lahat sila ay hindi nakalimot magpasalamat sa diyosa ng buwan...
Habang kumakain sila,nandon ng saya at sigla ng bawat isa.
May masasayang kwentohan at ilang magigiliw na musika.
Pero hindi nawawala ang tamang ugali sa pag kain.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa nakikita..Natigilan ako sa aking panonood sa kanila ng tumunog ang kagamitan na nasa harap ko lamang.
Si Alvierd pala,nilagyan niya ng laman ang aking plato.
Alam kong masarap ang lahat ng naririto.Pero sa dami niyang nilagay paano ko ito mauubos...nakakahiya naman kong iiwan ko nalang ito mamaya ng hindi na uunubos ,hindi ba???
Ano nalang sasabihin ng mga pack niya."Te-teka,huwag mong damihan.."pigil ko sa kanya
Pero ngumisi lamang siya na para bang walang narinig sa sinabi ko
"Ang aking Luna,ay pangarap kong maging malusog at malakas.
Kaya kailangan mong tulungan ako para maging malakas ang iyong pangangatawan."Pumikit ako para alisin ang inis kong naramdaman para sa kanya,hindi ito oras para mag padala sa damdamin lalo pa at naririto ang lahat.
"Paki-usap,tama na..Hindi ko rin naman mauubos ang lahat ng mga ito..Kahit pa gustuhin kong lumakas tulad ng pangarap mo,hindi ko nagagawa.Lalo pat hindi ako ang-----"
Agad na pinutol ang sinasabi ko,m mukhang alam na niya ang sunod kong sasabihin at iniiwasan niyang sabihin ko iyon.
"Tutulungan kitang maubos ang lahat ng ito""Sige... ilapit mo ang iyong plato.Isasalin ko"
Ng inilapit niya ,agad na sinandok ko ito patungo sa kanyang plato.
Habang ginawa ko iyon,may pag iingat kong ginawa ang galaw ko.May mga pagbungisngis akong narinig,kaya agad na natigilan ako.
At tiningnan ang nasa harapan kong saan nagmumula ang pag tawa ng mga kababainhan ,ilan sa kanila namumula ang pisngi at ilan nagpipigil sa pag ngiti..Bigla akong nahiya ng makitang lahat sila ay nakatutok ang mga mata saamin."Mahal na Luna,nakikita kong mahal na mahal mo ang Alpha..nakikita ko sa galaw mo ang pag aalaga"sabay tawa ng mahina ng isang omega na may kaedaran na babae.
Maamo ang mukha niya,at kagalang-galang ang itsura.
Sa kilos at pag sasalita malumanay na tinig.Gusto kong mapangiwi pero isang ngiti ang nagawa ko para gawing pag tugon...
"S-salamat po"sagot ko nalang
Nasundan pa ito ng ilang pagkatuwa na tingin ko,napagtutulungan na ako dito.
Gusto kong maging totoo sa kanila,at sabihin na hindi na nakakatuwa ang mga sinasabi nila..
Tingin nila,ganon na kami kalapit ni Alvierd,pero ang totoo,gustong kanina pa umalis dito at iwan silang lahat ."Tama na yan,hayaan na natin ang ating Lunang makakain..."pag aagaw nila ng atensyon ng lahat...may tuwa sa pag sasalita
"Kumain ka na"siya na naiintindihan ang aking sitwasyon ngayon.
Dapat lang,dahil kong hindi sa kanya wala sana ako sa ganitong sitwasyon.
Nakakahiya,iniisip nilang mate nga kami ni Alvierd.Matapos ang almusal,pumunta kami sa labas,kong saan nag papatrolya siya...
At isasama niya ako,upang makita at malibot ko ang buong pack.
Pero sa totoo lang,malaking tyansa iyon para makagawa pa ako ng hakbang para makalabas dito sa pack ng mga Rouge ...
BINABASA MO ANG
Taken by Him
Hombres LoboTulad ng araw-araw kong buhay ,nandito sa loob ng klinika ang buhay ko . Isa ako pack doctor na isa ng kalhating taong lobo at mangkukulam. Nagagamit ko ang pagiging mangkukulam ko sa paggagamot ng kapwa taong lobo ko. "doc,may nangyari! Kailangan...