End

362 13 0
                                    

"Liveen Pov"



"Lahat ba ito, kailangan kong buksan isa-isa?"
Pagod na nakatingin sa mga kahon kahong sisidlang gawa sa kahoy.

"Kailangan po,Luna.
Upang maipaalam sa mahal hari kong  tama po lahat  ng naipadala niyang regalo "

"Bukas ko nalang bubuksan,at ako narin ang bahala mag padala ng liham ."
Tugon ko

Gabundok naman kasi ang  regalo niya para  muling kaarawan ni Alvreen.

Ilang taon narin ang nakakalipas,at  ang anak naming si Alvreen ay anim na taong gulang narin .

Manang mana sa ama,maging ang kilos at pananalita ay nagaya niya.




nakakabigla rin ang kakayahan niyang ipinakikita kahit napaka bata pa niya.

Kong ang ama niya ay may apoy na itim,sa kanya ay apoy na asul na taglay ng yelo.

Noong unang lumabas ang kakayahan niya,labis akong nag alala.
Dahil hindi ko magawang makalapit,ng sinubukan ko muntik na akong makulong  sa  yelo na  kanyang nagawa.
Buti nalang dumating si Alvierd at natunaw niya ito.

At simula ng araw na iyon,nag simula ang pag sasanay ni Alvreen.

Naging pursigi siya sa pag kontrol ng kanyang kakayahan.

Dahil kong hindi niya magagawa,wala narin siyang pag kakataon na lapitan ako ayon sa ama niya.
Ng marinig ko iyon,tinutulan ko ang sinabi ni Alvierd, ngunit ayon kay Alvreen gagawin niya para makalapit siya sakin.

Sobra kong ipinagmalaki ko ang anak ko, mabilis niyang nauunawaan ang  lahat,....
matalino siya at inisip niya ang kapakanan ng lahat .




"Nasaan na ba sila?Anong oras  na eh."sambit ko habang nakatingin sa labas ng bintana

"Luna,ayon sa aking nakuhang impormasyon,patungo rito ang alpha King ,kasama ang Luna Queen.
Kaya po , posibleng naroroon ngayon sina alpha sa  border upang salubungin ang mga kamahalan."si Lily



"Pinauna lang pala ang mga  regalo"sabi ko nalang






.........






Sa labas ng pack house ay doon naisipang maglagay ng mga hahabang lamesa kong saan ipag diriwang ang kaarawan ng aking anak na si Alvreen.

Naririto ang lahat ,ang alpha king at maging ang pamilya nito ay naririto.
Ang Luna Queen ay katabi ko,at ayaw na akong hiwalayan.

Naalala ko pa noong una kaming nag kita kong saan nakakulong siya sa babasaging kulungan.

Dito sa aming pack,natapos ang pag aaral tungkol sa kanyang sitwasyon.
Kasama ang mga tagalabas na nais na pasokin ang pack namin noon ,sila ang naging kasamahan namin ni Reion sa pag hanap ng solusyon.

At sa huli ,ang naging  susi sa kanyang sitwasyon ay ang mahikang ilalagay sa kanyang katawan kong saan ,tatanggapin ng katawan niya ang hangin na mag mumula sa labas ng kanyang kulungan .
Muntik na kaming mawalan ng pag asa noon,pero sa pinag sama sama naming kaalaman at mahika  napag tagumpayan namin ito.

Mas naging mas malapit saakin ang Luna Queen,na tila isang bata na walang kamuwang muwang sa labas ng kanyang kulungan.
Takot siya sa mga lumalapit sa kanya at maging sa alpha King ay nag dalawang isip ito na pag katiwalaan.

Ako lang ang nakakalapit sa kanya,kaya kahit ang matulog ay  sinasamahan ko muna.

Pakiramdam ko  noon,may bata akong inaalagaan,at kasunod noon ang unti unti kong napapansin na masamang tingin ng alpha king
Nakangiti ito,pero ang ngiting iyon nag dadala sakin ng babala...parang gusto niya akong biglang parusahan.

Taken by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon