Given

310 11 0
                                    




"Alpha Alvierd Pov"


Lagpas sa limangpung mga taga labas ang nanatili sa gilid ng hangganan.

Nakakapagtaka man,hindi ako nag papakita ng emosyon,..

Naroon narin ang mga bantay at maging aking beta na nakaalerto

May tensyong nagaganap sa oras na makarating ako sa harap nila.





"Naririto na ang aming Alpha,tulad ng hinihiling niyo."aking Beta



Hindi ako nagsalita,nag hihintay akong sabihin nila ang kanilang pakay.


"Naparito kami upang kunin ang tumakas saming bihag.Alam kong dito siya napunta dahil naiwan pa ang kanyang mga kagamitan malapit sa pack na ito "



sa paraan ng pag uutos niya,mabilis na nag init ang aking ulo.


"At sino ka,para mag salita ng ganyan.Ayosin mo ang iyong tono tandaan mo naririto ka sa kalupaan namin."Matigas na Sabi ng aking Beta

Napangisi na lamang ako ng palihim.
Naunahan niya akong magsalita.

"Mag sisisi kayo kong hindi niyo ibibigay ang bihag"matigas na tugon ng estaranghero na parang walang narinig mula sa aking Beta.

Inilabas ko ang katamtamang antas ng aking enerhiya.
Upang ipaalam na mali siya ng kinakalaban

Pasalamat siya at hindi ako maaaring basta basta gumawa ng hakbang na hindi ikakatuwa ng aking Luna.May isang salita ako kaya hanggang ngayon ay nakatayo pa siya .

"Wala akong alam sa hinahanap niyo.Wala kayong pag aari na naligaw dito sa aming pack,at kong mayron man walang sino mang lapastangan ang basta basta makakapasok dito ng walang pahintulot ko.Kaya hanggang kaya ko pa kayong pag tiisan.Umalis na kayo,hindi magiging maganda ang kalalabasan nito pag hindi pa kayo umalis.Binibigyan ko pa kayo ng tyansa na umalis at maging malaya habang buhay pa kayo"

Nakita ko ang pagkawala ng kulay nila sa kanilang mga mukha.
At natutuwa akong makita ang laki ng epekto ng bawat salita kong binitawan sa kanila.

Muli ay nag lakas loob ang kanilang pinuno na muling salubungin ang aking mga mata ,kahit namumutla at namamawis sa kaba.

"Alpha,hindi gulo ang dala namin,isang pag aari naming bihag ang gumawa saamin kasalanan,at ngayon kaya kami ay naririto upang siya bigayan ng tamang leksyon na nararapat sa kanya.
Mag titiwala ako sa iyong salita,alpha.Ngunit kong itinatago mo siya,maniwala ka ....pag sisisihan mo kong ano mang mangyayari sa inyo."

Matapos niyang sabihin ay tumalikod na siya .
Nagsimula na silang maglakad papayo

Ng sila ay mawala sa aking paningin.
Saka ako muling nagsalita.

"Maiwan dito ang mga bantay,magbantay kayo ng mabuti.Huwag kayong aalis sa inyong pwesto hanggang hindi pa dadating ang magiging kapalit, maliwanag?"

"Maliwanag po , Alpha "
Sagot nila ng sabay sabay

"Sumama ka sakin,may pag uusapan tayo."
Sabi ko sa aking Beta ,tumango siya bilang sagot

Habang nag lalakad,maraming tumatakbo sa aking isipan.

Ang biglaang pag pasok ng hangal sa aming nasasakupan at pag sunod ng mga taga labas .

At ang nakakainis pa na tila ang kinalabasan ay ang prinoprotektahan ko siya.

Napatiim ang aking bagang sa inis.

Kong hindi dahil sa mate ko,pag apak palang niya sa aking pack ay napalamon ko na siya sa mga ligaw na halimaw ng gubat




Taken by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon