poison ll

530 27 2
                                    

Habang naka upo ,hindi ko maiwasang hindi mapakali..

Ilang  minuto nalang..itatagal ko.

May ilang pagkalat na hanggang dibdib... kaunti nalang puso na ang puntirya nito.

At sa oras na napunta na ito sa puso,kamatayan na ang kasunod..

Napatawa ako ng maypait...

"Luna,huwag kang mag aalala ...parating na  ang Alpha..huwag kang mawalan ng pag asa."siya ang babaeng nag ayos saakin kanina..

Ang pangalan niya ay Lily.

Imbis na mag alala ako,...natawa akong muli.

"Lily,pack doctor ako..Kaya alam ko kong ilang minuto nalang itatagal ko."

"Pack doctor ka?"natigilan niya sabi

"Oo,at wala akong planong lumaban pa"

"Ano?!Pero bakit??ano ang iyong dahilan. Luna..."
Ramdam ko ang pag papanic niya

"Mas pinili kong , parusahan ang sarili ko.."
Sagot ko

"Pinaparusahan?Luna ,huwag nyo po itong gawin...ngayong natagpuan na ng Alpha ang kabiyak niya ..hindi maaaring mawala ka pa..Hindi niya kakayanin,mawawala siya sa katinuan."

Natawa ako ng mahina pero agad din natigilan.ng may isang pag guhit ng sakit na naramdaman sa dibdib..

Sa bawat pag hinga,ramdam na ramdam ko na
"Hindi ako ang mate ng Alpha nyo..."

Napahawak ako sa dibdib ko..
Ilang minuto nalang itatagal ko

Umiling siya...

"Ngayon lamang tayong nag tagpo,ngunit nakikiusap ako..lumaban ka..Kahit para nalang sa sarili mo,nakikiusap ako,Luna"
Nakaluhod siya sa tabi ko na

"Pasensya na,kahit na gustohin ko...wala ng dahilan ..Lahat ng pack namin bumagsak.. namatay ang aming Alpha...
Nawala ang aming pack member..Hindi ko alam kong may ilan pang nabubuhay sa kanila.."mahina kong sabi habang nakatingin sa taas

"Buhay sila,nasa silda sila ...Hindi ba pwedeng sila ang maging dahilan mo??"

"Nandito sila?"nabigla ako sa aking nalaman

Ang Beta at  Dalia lang ang aking nakita ,at sunod nakita ng mata ko ang mga walang buhay ng pack member namin at si Alpha..

Pero hindi ko inakala na maraming nabuhay sa pagsugod na iyon.

"Gusto ...gusto ko silang makita.."
Sabi ko Kay Lily

"Hindi maaari,sa kalagayan nyo hindi ka pwedeng lumabas..Ang lason.. Mabilis nang kumakalat."

Napatingin ako sa salamin na nasa gilid ko

Ang mukha ko may ilang linya na lumalabas.
"Tama ka,...at minuto nalang itatagal ko...
Bigyan mo ako ng Papel at isang panulat.."

Huminga siya ng malalim at tumayo..
Sa di kalayuan,may kinuha Siyang bagay..
At pag lapit niya saka binigay saakin ang hinihingi ko.

"Salamat"
Sabi ko at nagsimula ng mag sulat..
Gusto kong malaman kong ilan silang nandoon ...
At kinakamusta ko ang kalagayan nila..

Matapos kong isulat ,agad na binigay ko sa kanya..

"Huling hiling ko ito sayo LiLy..dalhin mo.sa kanila ito..."
Nakikiusap ang mga mata ko nakatingin sa kanya...

Agad na mabilis siyang tumakbo paalis..

Kong marami sila....may oras pa akong lumaban. 

Naalala ko ang mukha ng Alpha.... pinigilan kong hindi naging emosyonal ..para mapanatili ang pagbagal ng tibok ng puso ko..

Napanahawak ako sa aking upuan ng mahigpit,dahil sa muling pag guhit ng sakit sa leeg ko.

Parang pinapaso ako ng paunti-unti...

Kong deriktang pumasok sa aking katawan ang lason.. malamang wala na akong  buhay  ng lumipas na minuto sa noong mismong ako ay naaapektuhan nito.pero dahil,nahawakan ko ang katas ,mabagal ang pag kalat nito,kaya umabot parin ako hanggang sa mga oras na ito..

Ilang minutong lumipas,malakas na bumukas ang pinto ...
Scent ni Lily ang aking naamoy..

Mukhang nagawa niya..

Pagtakbo siyang lumapit saakin.

Inabot ang sulat..

Nanghihina na ang mga kamay ko..
Ng binasa ko ito..agad akong na supresa...

Madami sila..kong ganon kailangan ko pang lumaban...para mailabas sila dito

Tumingin ako kay Lily ....

"Bigyan mo ako ng pilak na kutsilyo.."
Utos ko sa kanya..

"Ba--bakit po?"nagtataka niyang tanong

"Mabubuhay ako "
Sagot ko

"Kong ganon?!--"nakita ko ang pag liwanag ng mukha niya

Tumango ako ..

May hinugot siyang pilak na kutsilyo sa kanyang, tagilirang sisidlan...

Ito lang talaga ang kaibahan ko sa pagiging kalahating lobo at mangkukulam.
Nahahawakan ko ang pilak ng hindi nasasaktan.

Walang pag aalinlangan kong hiniwa ang aking palad na pinag mulan ng lason.

Narinig ko ang nakakagulantang singhap ni Lily,
Pero hindi ko na siya binigyan pa ng pansin.

Lumabas ang maitim na dugo..

Agad na dinampot ko ang telang una kong nadampot at binato kay Lily.

"Takpan mo ang ilong mo...malalason ka sa oras na masinghap mo ang usok na nagmula sa dugo ko..lumabas ka na..tatawagin kita sa oras na matapos ko na itong  matanggal."nanghihinang
Utos ko.

Tumango siya at iniwan na ako.
Gamit ang tubig na aking  pinag inoman kanina, kinuha ko  ito at  inilapit ko ito sa aking  may sugat ba palad..

Lumabas na nga ang itim na usok sa aking Dugo..
Dinasalan ko ang tubig at gamit ang akong isang kamay na walang sugat.
Itinuyok ko ito sa tubig...

Lahat ng lason sa dugo ko ng lumalabas,inilagay ko sa tubig..naikukulong nito sa tubig,kaya ang walang kulay na tubig ay nagiging itim na..

Naramdaman ko ulit ang kaninang pag sakit ng aking katawan na naapektuhan na ng lason..
Bawat ugat na nagtakbuhan ng lason,hinihila ko ito palabas gamit ang  pag sugat ng pilak nang kutsilyo.
Hindi ako naapektuhan ng pilak tulad ng iba,pero ang pag hila nito sa dugong palabas,malakas itong   kagamitan.

Lumabas ang pangil ko,sa sakit kong nararanasan ngayon..
Ramdam ko ang bawat pagpatak ng malamig kong pawis mula sa aking noo...

Pero hindi ko pwedeng itigil ang pagsalin kaya pinapanatili ko ang aking pwesto..Sa oras na mabitawan ko ang pagsalin..
Lahat ng nga naririto sa buong lugar,maaaring mapahamak at malason sa usok na kakawala.

Maraming dugo narin ang nawawala sa akin,...
Kaya hindi ko maiwasang manlabo ang aking mata..

Nawala na ang pag guhit ng sakit sa aking mukha at leeg.
Kaunti pa ,matatapos na ang pag hihirap kong ito..

Napatingin sa dugong nakakalat sa sahig..
Napatawa nalang ako ng nakakainis ..

Naiinis ako sa sarili ko,sa lalaking iyon at sa lahat ng nangyari sa aming buong pack..

Pero...
Para sa kanila,lalaban ako ..may dahilan pa ako..Wala man si Alpha na mamumuno sa amin..Hindi ko naman kakalimutan ang tungkulin ko bilang hinirang niya..

























Taken by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon