"Beta Female,sigurado bang ayos lamang na iwan ko na kayo dito??"
Tanong ko sa kanya,..nakahiga ang Beta sa kanyang hita...
Nagkakakulay narin ang kanyang mukha.."Oo,salamat sa tulong,doc Liveen.. Maraming na ngangailangan ng tulong mo ngayon higit pa sa amin..malaking tulong na ang binigay mo sa amin..utang namin ang buhay namin sayo"
"Sige,kong ganon...Aalis na ako."paalam ko
"Mag ingat ka"bilin pa niya
Tumango ako at tumakbo na...
Bawat ma daanan ko,pikit mata kong dinaanan ang lahat...
Walang buhay ang madaanan ko nanginginig ang kalamnan ko sa galit,....
mga hayop sila!
Hindi ko inakalang gagawin nila ang mabilis na pag lusob sa aming packHindi na nakapag handa ang aming mga pack member.
Ang sakit sa dibdib na makita ang mga pack member na wala ng pag hinga.
Pag tapat ko ng pinto ng pack house,nanghina ako...
Ang... Alpha...
si Alpha Aaron..
Nakaluhod habang puno ng ibat ibang klase ng sandatang naka baong pilak sa katawan.
Nanginig ang buong katawan ko..
Ang Alpha namin wala ng buhay...
Kaya ba nanghina ang pack namin..??
Nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako pagkabigla...
Hindi !!!Hindi ito pwedeng mangyari!!
At sa oras nang pagdadalamhati,may naamoy akong kakaiba..
Isang mabangong halamuyak ng isang bulaklak
Nakuha man niyo ang atensyon ko pero ang puso ko,nasasaktan parin para sa aming Alpha.
Ayaw maalis ang mata ko ,kahit pa gustuhin ko.
Wala na akong marinig na kahit kaunting pagtibok ng puso niya..Para akong nalantang halaman sa kalagayan ko ngayon..
Utusan ko man sarili kong tumayo at gumalaw..Hindi ko ma kaya..Ang pagkawala ng leader ng isang pack.. Malakas ang impact sa aming lahat.
"Isa siyang walang silbing Alpha,bakit mo sinasayang ang iyong luha para sa kanya?"isang malamig na boses sa tabi ko lamang
Lumingon ako sa kanya,ng walang kabuhay buhay ang mata..
Hindi pamilyar ang mukha niya pati narin ang scent niya..
At sa kanya din nagmumula ang mabangong amoy."Isa ka rin ba sa mga lumusob dito?"
Tanong ko"Oo,isa nga ako."umupo siya sa tabi ko
Na parang nakikipag kaibigan pa"Pwede bang,patayin mo nalang rin ako.?"
Hiling ko sa kanyaNakita kong natigilan siya sa mga binitawan kong salita pero,agad din itong nawala at napalitan ng pag ngisi
"Bakit pinadadali mo ang buhay mo?"tanong niya
Tumingin ako sa harap ko ,ang tanawin na nakakapanghina sa buo kong sistema
"Wala nang saysay ang buhay ko..Kaya patayin mo nalang rin ang walang silbing tulad ko"
Doon bumuhos ang pinipigilan kong damdaminHindi ko inakalang,ganito ako kanina at walang silbi.
Pack doctor ako,pero hindi ko siya nagawang iligtas...
Kong umabot lang ako sana buhay pa siya hanggang ngayon..
Kasalanan ko ito.!! kasalanan ko itong lahat..
"Hindi siya mahalaga para ibigay mo ang buhay mo para sa kanya.."
Siya na biglang lumapit pa saakin at bigla na lamang mabilis akong binuhat tulad ng sisidlan sa balikat niya..Hindi na ko lumaban pa..nawalan ako ng gana para ipaglaban pa ang buhay ko..
Mamamatay narin naman ako , bakit pa...Pero ang malaking katanungan saakin ngayon..
Ano itong nararamdaman ko sa kanya??bakit nagkakaroon kakaibang kiliti sa pag lapat ng balat namin.........
"Hindi mo ba ako kakausapin?"tanong niya
Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana mula sa aming sinasakyan
Lumingon ako sa kanya
"Gusto ko ng mamatay."sagot ko ng walang buhay
Ngumisi siya bigla
"Hindi ka maaaring mamatay,hanggat nabubuhay ako.'
Sabi niya sabay salin ng isang inumin mula sa isang lalagyan na pilak.Taong lobo siya.. Pero nagagawa niyang hawakan ang pilak gamit ang palad niya na walang ano mang proteksyon.
"Bakit?"tanong ko
Tumingin muli siya saakin matapos magsalin
"Hanggang ngayon hindi mo pa rin ba alam..o nag mama-ang ma-angan ka lamang.?"
Bago uminom"Hindi kita maintindihan"sagot ko
"Mate bond,hindi mo maramdaman?"
Napatitig ako sa kanya..
Sinabi ba niyang mate bond?!!
"Ano?"
Lalong lumawak ang ngisi sa kanyang labi.
Lumapit sa akin,at mabilis na hinawakan ang kamay kong nanlalamig na
Mula ng mag lapat ang aming balat
Nagkaron ng ilang maliliit na kuryente na nakakapagbigay ng kiliti sa buo kong katawanTila nagising ako sa isang malalim na kahibangan..
Binawi ko ang kamay ko ..at masama siyang tiningnan."Nagkakamali ka.."sagot ko
"At paano nagkamali ang nararamdaman natin?"
Umiwas ang mata ko sa mga mainit na titig niya..
"Ikaw lang ang may nararamdaman na tulad ng sinasabi mo"mahina kong tugon
"Isa pa,kalhating lobo ako..Kaya malabo yang sinasabi mo.Kakayahan lamang ng wolf ko ang mayron ako."
Paliwanag koBakit ba ,kinakausap ko pa siya
Narinig ko ang paghalakhak niya..
Gusto ko man sagutin siya dahil sa pagbibigay sakin ng pakiramdam na naiinis tungo sa kanya,hindi ko na ginawa pa dahil wala ng saysay ang kausapin siya...tumingin ako sa labas ulit at hindi siya binigyan pa ng pansin
Siguradong pinaglalaruan lamang niya ako bago paslangin.
Kaya hahayaan ko na siya sa ano man niyang gustuhin...wala naring dahilan para mabuhay pa.
Ilang sandali pa ay bigla siyang lumapit sa akin..At mahigpit niyang hinawakan ang mukha ko paharap sa kanya...
Galit ang mata niya pero naroroon parin ang mapaglarong ngisi sa kanya labi..
Sa oras na ito,alam ko na hindi na siya nag bibiro pa..
Mapanganib na siya.."Gusto ko ang stilo mo sa pagkuha ng atensyon ko mate...,pero sisiguradohin kong ako ang mananalo sa larong ito."mapanganib niyang binitawan na salita
Nakatitigan ko pa siya ng ilang sandali bago binitawan ang mukha ko sa palad niya...
Ang sakit sa pisngi..
Masama ko siyang tiningnan...
Buo na ang desisyon ko...maghihiganti ako bago pa mamatay ako.
Pag babayarin ko siya !!
Isang malakas na halakhak ang ginawa niya kaya lalo akong nainis sa lalaking gago sa harap ko..
Kong gusto niya ng laro,pag bibigyan ko siya..
BINABASA MO ANG
Taken by Him
WerwolfTulad ng araw-araw kong buhay ,nandito sa loob ng klinika ang buhay ko . Isa ako pack doctor na isa ng kalhating taong lobo at mangkukulam. Nagagamit ko ang pagiging mangkukulam ko sa paggagamot ng kapwa taong lobo ko. "doc,may nangyari! Kailangan...