gone

411 18 0
                                    

"Liveen Pov"

Mainit na mga tingin ang nakatutok saaking ginagawa mula sa likod.

At walang iba kundi ang mate kong kanina pa nakaupo at nanahimik habang inaasikaso ko ang aking ginagamot na lalaki na siya don ang may kasalanan.

Nagpapabuga nalang ako ng hangin ..

"Lily,pakiabot ng mga gamot na natitira."
Pagtutukoy ko sa hindi gamot na hindi nakasama sa mga napinsala .

Maraming nasayang na mga pang lunas,lalo na ang mga bagong gawa ko na aking pinag hirapan at pinagtyagaan buoing gamot.
Kaya naman kahit na kalmado na ako ngayon sa mga nangyari,hindi ko parin maiwasan na maya't mayang mainis sa mga kinahinat-nan ng gamot sa tuwing napapatingin ako.

Lumapit naman sakin si Lily dala ang mga pinakuha ko.

Sinuri ko ang lahat ng maaari kong magamit.

Ang lalaking ito,hindi ko maintindihan,bakit ang mga sugat niya ay hindi parin nag hihilom.

Kanina lang maganda ang kalagayan niya bukod sa nanghihina pa siya ,ngayon naman hindi nagsasara ang sugat niya..
Hindi gumana ang aking kakayahan,tila may humaharang para mangyari ang aking kagustuhan.

Natigilan ako bigla ng may maalala,hindi kaya....Dahil ito sa kagat ni Alvierd??

Kong tutuusin,hindi siya pangkaraniwang taong lobo.

Lumingon ako kay Alvierd.

"Sabihin mo,bakit nagkakaganito ang sugat niya?may alam ka ba dito?"
Nanliliit ang mga mata kong nakatingin sa kanya

Napaismid pa ito,at nagsalubong ang  kilay.

"Kong sabihin kong oo,magagalit ka ba?"
Balik nitong tanong

Napailing nalang ako

"Kong ganon,anong gagawin natin para tumigil na ang pag durugo ng sugat niya?"pinili kong maging maayos ang aking tinig

"Tama lang na mangyari yan sa kanya,parusa niya  dahil sinaktan ka niya,sinira ang mga pinag hirapan mo ng mga ilang araw.
Hindi ka ba marunong mag tanim ng galit sa ginawa niya..nililigtas mo ang mga taong hindi karapat-dapat sa kabutihan mo,nag aaksaya ka  ng oras para sa kanya"
Galit ang mata niya na nakatingin sa lalaking walang malay

Napabuntong hininga nalamang ako
"Sa totoo lang ,kong tulad parin ako ng dati, yan din ang mga katanungan ko ...

Pero alam mo,may isang bagay akong natutunan habang nag aaral ako sa gabay ng aking guro.
At iyon ay  mag ligtas ng buhay kahit ano pa man ang  ugali at antas ng buhay kahit anong uri ng nilalang na may buhay,dahil iyon ang aming pinili na klase ng buhay..malaking karangalan para samin ang magawa namin ang aming tungkulin.Kaya sana maunawaan mo ako..
Magiging masaya ako kong makikipagtulungan ka,mate"
Nakatingin ako sa mga mata niya habang sinasabi ang mga bagay na yon

"Tch....

Ngayon ko lamang gagawin ito, gagawin ko ito dahil ikasasaya mo ,pero hindi parin siya makakatakas ng hindi nag babayad sa mga ginawa niya."
May hindi pagkagusto niyang tugon ,at napipilitan

Napangiti nalang ako,para siyang bata  na napipilitan sa gagawin at mang-aaway pagkatapos.

"Ipagluluto kita mamaya ,dahil sa pagtulong mo ."

Nawala ang salubong ng kilay niya..

"Yung paborito ko ha"pahabol pa niya bago pinalabas ang itim na apoy sa kanyang kamay.

Hindi na ako nakatugon sa sinasabi niya ,dahil ang mga mata ko ay nakatingin sa mga gingawa niya.

May itim ding tila usok papalabas sa mga sugat ng lalaking estranghero.
At kasunod noon ang pag tigil ng pagdurugo.

Taken by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon