18 - Out

28 1 0
                                    

At the seaside, we're dramatically eating. Sobrang tahimik. Hindi ko alam ba't pinili niyang dito puwesto?

"Okay, is this the part where you'll propose to me?"

Mabilis siyang natigilan sa pagsubo ng pagkain.

"The fuck?"

I laugh loudly.

"Kidding! Bakit ba dito pa?" Natatawa kong sabi.

"Ayaw mo ba?" Kunot noo niya.

Ngumisi lang ako habang sarap na sarap sa pagkaing gawa niya. Well, I like it. The cold wind and the food.

"Badtrip ka pa rin sa akin?" Tanong ko at hindi ko na siya sinulyapan at kumain na lang

Ewan ko kung saan na nanggagaling ang boses ko. That was the softest of me. The fuck? I'm not even drugged?

He sighs after a few seconds.

"Hindi." Doon lang ako napatingin.

Nagsasabi ka ba ng totoo? Kasi parang iwas na iwas ka talaga sa akin kahit na hindi naman dapat ganito. Dapat nga, inaamo mo ako. Trabaho mo 'yon, baka nakalimutan mo na.

The night was quiet and deep. As much as I don't want to admit it, I am falling with this pristine province. I tried having a vacation to other provinces but my interest didn't take it. Now, maybe I got a reason.

"Ako na." Sumingit ako sa kinatatayuan niya.

"Do you even know-"

"What am I? Disabled?" Inirapan ko siya.

Ilang segundo pa siya tumitig bago tumango at naglakad na palabas ng kitchen. Sabi ko, ako na ang maghuhugas dahil siya ang nagluto. Kung laging ganito ang hinahain niya, baka tumaba ako dito. Parang ginagawa niya nga yatang snacks ang kanin!

Halos kalahating oras ako naghugas ng pinagkainan namin. Naabutan ko siyang nanunuod ng movie sa malaking T.V. sa Sala.

Humilig ako sa pintuan saglit.

Damn. Why do I have to feel this way?

I hate everything. I hate the rules and orders. I hate even hate him. Now, why am I enjoying this? It's fucking weekend. I'm supposed to be going to a club but here I am, watching a man who's obsessed with the white color. Even his sofa, it's leather white underneath.

Umupo ako sa tabi niya.

"What?" Tanong ko dahil nabigla yata siya.

Kitang-kita ko ang pagtitiim ng bagang niya. Ibinalik niya ang tingin sa screen at nanuod na lang. Nasa kabilang dulo siya ng sofa at nakacross ang paa sa harap ng square sofa. Ginaya ko ang puwesto niya sa kabilang dulo ng sofa. Patay ang ilaw doon at tanging screen lang sa malaking T.V ang liwanag.

I'm not really into movies but I wanted to stay for a while. The movie was quite cruel and dramatic. For almost twenty minutes, I realized that It tackles gendered expectations, toxic masculinity, and drug addiction. I wasn't really into this. I decided not to continue to watch it so I stand up.

"You're gonna sleep?" Tanong niya.

Umiling ako at nilingon siya.

"It's extremely difficult to watch."

Pumilig ang ulo niya at walanghiyang timitig sa akin. "Hm, how do you feel about it?"

Nakatayo na ako kaya hindi nag-abalang umupo. Nakatingala siya sa akin ngayon habang nakasandal sa sofa, yakap ang puting unan niya.

Medyo tumabang ang timpla ko.

"Can you stop asking how I feel? You won't really get me."

Medyo dumilim ang titig niya. Umayos siya ng upo mukhang may gana makipagtalo. Para kasing may pinaparating ang tanong niya.

Baler | 𝘓𝘶𝘸𝘰𝘰 (VVS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon