6 - Menace

27 2 0
                                    

"Pinagloloko mo ba ako?"

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kaniya. I don't know. He doesn't look welcoming and kind. But he attracts me. Welcoming death, I hope he lets me taste heaven first.

Hindi siya sumagot.

"Hoy, teka nga. Ang sakit na ng paa ko ha?"

Patuloy siyang naglakad.

Ilang oras ba ang tanginang lakaran na 'to? Palagay ko mapuputol na ang paa ko. This man...

He continued walking. Hindi na ako nagtanong dahil paniguradong malayo nga ito. Kahit hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, nagpatuloy lang din ako sa pagsunod sa kaniya. Dalawang oras yata iyon. Ang gago, pinag hiking ako ng wala sa oras! Ngayon ay nagsisisi na ako na sumama ako sa kaniya.

Pagkalipas pa ng isang oras na pag akyat sa bundok, nandito na yata kami.

Humigop ako ng malalim na hininga at nag-unat. "Putangina!" Sigaw ko.

Kinunotan niya ako ng noo. "Shut up."

Wow!

"Ay, wow. Akala ko tuluyan ka nang naulol!" Pinunasan ko ang pawis ko.

Natuyo na ang buhok pero hindi naman ako gininaw dahil panay ang reklamo ko paakyat ng bundok. Mahangin pero mainit sa pakiramdam.

Naglakad siya papasok sa isang malaking gate. Madilim pero mukhang sanay na siya kaya nanatili ako sa likod niya. Walang kailaw-ilaw maliban sa buwan. Malay ko kung anong gawin nito sa akin?

"Hindi ba pwedeng dito na sa baba?" Iritado kong tanong dahil paakyat na naman siya ng hagdan.

"Walang kuryente dito at higaan. Sa taas, meron."

Inis akong naglakad na lang ulit. Panay ang mura dahil sa desisyon kong pagsama sa kaniya. Wala akong ginawa kundi magreklamo dahil umaakyat kami ng hagdan pero walang ilaw! Horror house ba 'to?

Narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan. Binuksan niya rin ang ilaw at nag adjust ang mata ko dahil nasanay ako sa kadiliman. Ang walanghiya, hindi nagpatalo at madilim pa rin ang tingin niya sa akin! Naglakad siya patungo sa lumang kabinet at may kung anong kinuha sa loob.

I groaned when I saw him holding an indescribable bag with his filthy hands. I am having this damn feeling that a huge insect is living in that thing!

May hinalughog siya doon at iniabot niya sa akin ang gusot gusot na damit kaya minura ko siya.

Ano 'to, basahan?!

Dad will not be here next month. I'm sure it will last for two or more months before he gets me out of here! So I have no choice but to follow him until he leaves! Paniguradong maraming naghahanap sa akin at hindi ako agad makakaalis dito.

Kaso, hindi ko maatim ang kasama ko. Pagtapos ako paglakarin at paakyatin ng bundok, ni hindi man lang ako bibigyan ng maayos na damit? At... nilingon ko ang higaan. Tila may mga surot! Wala ba siyang katulong?

"Seriously, what the fuck is this? And what is that- diyan ako matutulog? You must be joking!"

Inis niya akong tinignan dahil sa mga pagrereklamo ko.

"Arte. Kung ayaw mo, bumalik ka na sa inyo." At sinarado ng malakas ang pinto.

Sa lakas non ay napatalon ako!

He surely has a bad attitude!

Ngayon na lang nagsalita, ganoon pa ang lalabas sa bibig niya?

Napahilamos ako sa mukha ko bago tumayo. Tinignan ko ang lumang kwarto at nandiring lumayo sa nakakatakot na lumang cabinet. Damn, he didn't even offer any drinks!

Sabi ko na nga ba. Unang tingin ko pa lang, masama talaga ang ugali no'n!

Hayaan mo at bukas, aalis agad ako dito!

Pagkatapos kong magtiis sa napakalamig na tubig, lumabas na ako sa banyo. Electric fan lang rin ang meron kaya binuksan ko ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nadismaya. Pagdungaw ko sa bintana ay kita rito sa kwarto ang malawak na dagat. Lumabas ako patungo sa balcony para mas makita iyon. Nasa taas talaga kami ng bundok! Kaya pala napakalayo at kahit ilang pahinga ko, hindi matapos-tapos ang nilalakad!

Baliw na yata 'to. Ano, mag-isa siyang pabalik balik sa ganito kalayong lugar?

How fucking stupid!

Mula rito sa balcony, tanaw kong malaki ang bahay niya. Pa crescent yata iyon dahil kita ko rin ang baba kahit na madilim. Hindi ko alam kung ilang palapag meron pero nasa fourth floor yata ako! Ang gago, dito lang raw merong kuryente?!

Madilim kaya hindi ko makita kanina. Hindi ko rin magawang magreklamo kasi hindi siya nagsasalita at hindi ako iniimik!

Isa na lang ang liwanag at paniguradong kwarto niya iyon.

Maya-maya, natanaw ko siyang lumabas ng balcony. Walang pang itaas kaya mas lalo akong nainis.

If he can sleep naked, then I can't!

That dumb coward!

Sinisindihan niya ang sigarilyo habang nakasandal sa railings ng balcony. Habang hinihipan ng hangin ang malago at itim niyang buhok, pumikit siya at ibinuga ang usok. Bumalik ang tingin ko sa dagat at nagmura ng malutong.

I'm staying here? Are you serious? With that cold hearted guy? With that voiceless asshole? He look as if he can kill me anytime! Pinagkakatiwalaan 'to ng Ama ko kaysa sa akin? Ayoko. Aalis ako bukas at babalik na lang sa mansyon. O kaya'y kukuha ako ng Hotel room. I can bribe him and he looks like it.

Umiling ako kunot noo ulit siyang nilingon.

I was stunned when he's looking at me. Ibinuga niya ang usok ng hindi pinuputol ang titigan namin.

Mas mabuti pang tumalon sa tulay kaysa manatili dito kasama siya!

Look how he stares at me with those devilish eyes! Not amused by what's happening, he even plays with his pendant!

I see nothing but coldness in his eyes. I feel nothing now but pure hatred, disgust, and anger toward him. As if he was looking down at me, I feel connected to him in a way that he's the reason why my happiness will end. That one day until I behave, he'll do everything to make me suffer. Those eyes are fake. I can feel the chill in my veins throughout my entire body.

Hindi ko na kaya.

Umiwas ako ng tingin at nilibot ang tingin sa baba. Panay kadiliman ang nakikita ko kaya naman bumalik ako pabalik sa kwarto.

I don't want to be with him. He's a menace.

Baler | 𝘓𝘶𝘸𝘰𝘰 (VVS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon