"Can I just watch you? I don't really wanna do this." Kunot noo ko kahit na nakabihis na ako.
He was just blatantly showing his body wearing only his blue summer shorts. Hindi ko maiwasang tumitig sa katawan niya kaya hindi ako makapag focus.
Hindi pa gaanong malakas ang alon. I am not athletic so I'm so damn skinny while he's bulking. Baka tangayin na lang ako ng alon kapag nalaglag ako sa surf board ko.
Umiling siya. "Hold this."
Sinunod ko na lang siya dahil hindi naman ako mananalo kapag nakipagtalo ako dito. Pala desisyon rin 'to e.
So yeah, we spent the whole morning on the beach. He was teaching me the basics and luckily, I have enough energy for it. Later when we finished lunch, he said he'd hit the waves and told me to watch him intently. I got excited a bit because he's so hot with his surfboard.
Totoo nga.
The waves seem to like him. As if dancing, he look so light weight while riding his surf board. At nang ako na ang susubok, nakailang hulog ako. Mabuti at mahaba pala ang pasensya niya kapag nagtuturo.
"Sorry!" Sinundan ko siya papasok sa bahay.
I accidentally scratched his back. Mukhang malalim iyon dahil tumulo ang dugo! Napapikit ako dahil sa kabulastugang naiisip. Sa kabila ng pag hingi ko ng tawad, umaalingasaw ang pagnanasa ko na sana nakalmot ko siya sa ibang paraan.
"Ayos lang." Nagtiim bagang siya. Uminom ng tubig at mabilis na pumasok sa kwarto niya.
Goddamn. I bit my lips to shake the wildly thoughts out of my mind. Naligo na lang din ako at nagpahinga sa kwarto. I slept an hour and woke up at five. Hindi naman ako nagulat na tulog pa rin siya. Pagod panigurado. Bukas ang kwarto niya kaya sumilip ako doon.
Nakadapa at balot ng puting kumot. Hindi na ako pumasok dahil baka pahirapan pa ako niyan mamaya kapag nagalit.
Nakahanap ako ng prutas sa ref niya at kumain ako bago lumabas.
It is extremely windy in here. Papalubog na ang araw nang matanaw ko ang mga kalalakihang palapit dito. Lalakad sana ako sa tabi ng beach pero hinintay ko silang makalapit dahil dito nakatingin.
"Hi!" Bungad noong kasingtangkad ni Eusebius. Maputi at namumula ang mukha.
Tatlo silang lahat. Ngumiti agad ako. "Hey." Bati ko sa kanila.
"Nandiyan si Sebyo?"
Tumango ako. "Natutulog pa."
Tumawa sila at may pinagbulungan iyong dalawang kasama niya.
"I'm Sunny, by the way. I saw you yesterday." Tumango ako dahil naalala ko siya.
Sai at Shot. Iyon ang pakilala ng dalawa. Friendly at magaan kausap. Hindi sila iyong kaninang hinintuan namin pero mukhang dito rin nakatira sa bayan iyong mga 'to.
"Pakisabi-"
"Oh! Ayon pala pala!" Kumaway si Sai likod ko at nakita kong palabas si Eusebius.
He's wearing dirty white long sleeves and maong shorts. Hair is disheveled, he walks with a bored and cold expression.
"Pre, sunod ka?" Si Sunny.
Tumango lang ang bagong gising na master at nilingon ako. "Dinner first."
Tumawa si Shot. "Don na magdinner. Tara, sama ka Les!"
Ngumisi ako.
Bumaling sa akin si Eusebius at nagkibit balikat lang ako. Wala na rin siyang nagawa dahil naglakad na ako at sumunod kay Sai. Shot was friendly, madaldal at pabibo. Tumawa ako dahil nakita ko ang mga tao sa garden ng kabilang banda sa dulo ng resort.
Napapalibutan ng puno, may isang malawak na rectangular table doon at may mga nakaupong puro lalaki.
What a damn view!
I noticed the drinks on the table. Not like in the capital, they have local drinks here. At may mga nakalagay pa sa glass jar na parang authentic alcohols made here.
Lumiwanag ang mukha ko dahil may alfonso at coke. The only drink that I can drink in the lonh table. Kumain muna kami ng hapunan kahit na nagiinuman na pala sila.
"Do not drink..." My first reaction seems to shake him "...too much."
Umupo ako sa pagitan ni Emin at Shotaro sa kabilang banda naman siya. Nasa higit sa sampu kami sa lamesa. Ipinakilala ako ni Sai at Shot sa mga kaibigan nila. Walang imik si Eusebius kahit panay ang tanong ng mga kaibigan niya. Kaya ako ang sumasagot.
"Shot!"
"Oh?"
"Gago, tagay!".
Nakitawa rin ako dahil mukhang kanina pa sila nag-iinuman dito. Bangag yata 'tonng dalawa. Kanina pa sila nag-aasaran.
Katabi ko si Eusebius. Dahan-dahan lang siya umiinom. Hindi sila nagpapaikot at sari-sariling salin sa baso nila. Walang may birthday at nag-iinuman sila dahil panahon ng piyesta. Some of them is my age, pero karamihan kaedad ni Eusebius. Mas matanda ng dalawang taon.
"Celestino Puente? Delaño?"
Kakadating lang noong tatlong lalaking may dalang mga pagkain, naupo sila sa kabilang banda. Ngumisi ako dahil mukhang kilala ako noong isa.
Masigla akong tumango. "You know me?"
Ngumisi ang maputing lalaki, namumula rin ang mukha at naglahad ng kamay sa akin. Napansin ko ang mamahaling gintong relo niya. Oh!
"Jackson Wang." Pakilala niya. "You won last year in CIA. Damn, I'm a fan!" Humalakhak siya.
Samutsari ang reaksyon nila. Tumango-tango ako at napalingon kay Eusebius na seryosong nakikinig. The man was silent but I feel like he's silently judging me from all these praises from his friends. Alam niya naman siguro? I do car racing, the only thing that the General doesn't complain. Iyon ang huli kong race, 'yung sinasabi ni Kol. Nanalo ako ng trip to Abu dabhi.
"Can I get your number?" Aniya pagtapos tanungin kung interesado ako kung meron mang race na magaganap sa susunod.
I continued to talk to him about racing. His surname wasn't familiar to me, we don't have common friends at all. His family owns a business engine company, that's why he also hit the track. I told him that we could play sometime.
Mabilis na lumipas ang tatlong oras at nagyayaya na umuwi si Eusebius. I refused but I don't think he'd let me stay here.
"Maya na!"
Tumawa lang rin ang mga kaibigan niya at umangal pero tumayo na siya at sumenyas sa akin. Sumunod na lang ako dahil baka may plano pa siya bukas ng umaga. Nahilo agad ako dahil naparami ang inom. Damn, my world is going crazy right now.
He did not bother to look back. When we reached the house, he immediately went to his room.
Ngumisi ako at dumiretso na din sa kwarto. Hinanap ko ang bag ko at pinatay ang ilaw. I let the lamp on and lit the dunhill. Cursing, i rolled in the bed and remove my clothes.
_______________________________________
ooooffff reference for sebyo/lucas' hair & outfit
BINABASA MO ANG
Baler | 𝘓𝘶𝘸𝘰𝘰 (VVS #1)
FanficVanguardia Valley Series #1 "This is the place where it all started in a sad ending..." √ Finished - May 31, 2022 √ Written in English and Tagalog • • • NOTE: The book is purely created in the author's mind. Some places in the book were real but mo...