Chapter 4

8.5K 389 32
                                    

“ Sweetheart? ” Tawag ng Ama ko na si Master Carter habang nakatingin sa akin na ikinaiwas ko na lamang at napunta naman iyon sa dalawa kong kinagisnan na kapatid.

Sariwa pa din sa mga alaala ko ang masasakit nilang tingin at salita sa akin noong nagkakamali ako.

Nagtataka ako, bakit sa halip itama nila yung pagkakamaling yon, bakit parang lalo lang nilang pinapasama?

Na sa halip yakap ang sumalubong sa akin ay isang tulak na nagpagising sa akin mula sa ilusyon na maibabalik ko ang pagmamahal nila sa akin.

“ Mom? What’s happening to Csilla? ” Tanong ni Kuya Casus ngunit hindi siya sinagot ni Mommy dahil maging siya ay walang alam sa tunay na dahilan ng pagbabago ko.

“ Sweetheart? Come to Daddy.  ” Saad ni Daddy ngunit hindi ako kumilos, nanatili pa din akong nakatayo sa hagdanan at nang akmang lalapit na siya ay agad akong tumalikod at mabilis na umakyat pabalik sa kwarto.

Hindi ko talaga kaya lalo na at tatlong buwan nalang darating na ang tunay nilang kapamilya at iyon ay si Rishel. Baka lalong hindi ko kayanin ang mga mangyayari.

Isang linggo nalang ay kaarawan ko na at isa na akong ganap na pitong taon na bata kaya naman mas maganda kung makaalis ako agad.

Madilim na at nakatanaw na mula sa kalangitan ang buwan na ilang araw ng walang sigla. Hanggang ngayon ay wala pa ding mga bituin sa kalangitan.

Hinahanap ko sila dahil nagbabakasakali ako, na sa paglitaw ng mga bituin sa kalangitan ay ang siyang paggising ko mula sa panaginip na ito kung sakali man.

Agad akong napatingin sa pintuan ng marinig ang pagkatok dito ngunit hindi ako gumawa ng kahit anong tugon hanggang sa unti-unti na itong bumukas hanggang sa magtama ang mga paningin namin ni Daddy at kasa-kasama niya si Mommy.

Agad ko ding inalis ang tingin sa kanila at muling tinanaw ang buwan na parang lalong nagdilim at nawalan ng kulay.

“ Csilla? ” Tawag ni Daddy ngunit hindi ko sila nilingon at nagpatuloy sa pagtitig sa buwan.

“ Csilla sweetheart? Can you look at me? ” Tanong niya kaya naman tumingin ako sa kanya ngunit hindi sa mga mata.

“ What’s the problem sweetheart? Is there anything wrong? ” Tanong niya at lumuhod sa harap ko.

“ I want to leave. ” Deretsong sagot ko at tinitigan siya sa mata kahit na mahirap para sa akin.

Kita ko ang gulat sa mga mata nila, sino bang hindi magugulat lalo na kung isang anim na taon na dapat ay masaya ngayon ay walang emosyon sa mukha? Pero eto ang desisyon ko at kung hindi nila iyon pagbibigyan, gagawin ko ang lahat ng para makaalis dito.

Para sa akin, isa itong kulungan at magiging impyerno kaya mas mabuting iligtas ko ang sarili ko bago muli akong malunod at hindi na makaahon pa.

“ Csilla? What are you talking about? ” Tanong ni Mommy ngunit hindi ko na sila pinansin pa at nilingon ang buwan saka tumayo bago umakyat sa kama at nahiga patalikod sa kanila.

Kung ayaw nila, ako na ang aalis at sisiguraduhin kong hindi na magtatagpo pa ang mga landas namin dahil parehong magugulo ang mga buhay buhay namin.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago sila lumabas ng kwarto ko at narinig ko naman na may kinausap sila sa labas at mukhang ang mga kapatid ko iyon.

Buti nalang ang piniigilan nila itong pumasok dahil baka hindi ko kayanin.

“ I want to run away… ” Bulong ko sa hangin at saka tuluyang ipinikit ang mga matang punong puno ng kalungkutan.

Pero sino bang mag-aakala na mapapadali ang kahilingang iyon?

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon