Chapter 22

6.4K 306 17
                                    

Tama nga ang hinala ko dahil imbitado nga ako sa magaganap na kasiyahan. Hindi na ako nagtaka kung bakit at paano dahil alam kong may kinalaman ito sa dalawang Prinsipe.

Mabilis na lumipas ang araw at kasalukuyan na akong nasa harap ng full length na salamin habang nakatingin sa kinalabasan ng limang oras na paghihirap ko. Isang kulay puting gown ito at nagniningning dahil sa mga dyamante na nakalagay.

Kita ang balikat ko dahil tube ito ngunit meron namang coat na outi rin at napakabalbon nito, masarap sa katawan. Nakasuot din ako ng munting Tiara na mismong nanggaling sa mga Prinsipe at mga alahas na bumabagay sa suot ko.

At ang pinakahuling bagay ay ang maskarang araw araw kong suot na nakasuot na sa mukha ko.

Nang malaman kong may banquet na gaganapin sa palasyo ay nalaman ko kaagad na hindi ako makakadalo ngunit sinong mag-aakala na magiging masquerade party iyon?

Kaya naman maisusuot ko ang paborito kong maskara at kaya naman hinayaan akong makadalo ng dalawang Prinsipe.

Mas maganda kung babawasan ko ang atensyon na maaari kong makuha. Lay-low kung baga upang iwas problema lalo na at ngayon nalang ulit ako makakalabas at ito ang kauna-unahang pag kakataon na makakatapak ako sa palasyo ng kahariang ito.

Matapos mag-ayos ay bumaba na ako at nadatnan ang dalawang naggagwapuhang kambal na Prinsipe na nakadekwatrong nakaupo sa sofa, gaya ko ay ang pormal din ng suot nila lalo na at iyon ang parang pinaka uniporme na isa silang Prinsipe na talaga namang bumabagay sa kanila.

Napaangat sila ng tingin at nagtama ang mga mata namin, nakaramdam naman ako ng hiya at nag init ang aking mga pisngi sa klase ng tingin na ibinibigay nila sa akin.

Hindi na naman ito bago sa akin ngunit pakiramdam ko ngayon ay handa akong lapain ng dalawang mabangis na tigre.

Nang tuluyan akong makababa ay ilang saglit pa kaming nagkatitigan hanggang sa maputol iyon dahil sa huni ni Dagit na malayang nakadapo sa stand ng lampara.

Walang nagsalita sa amin ngunit makikita mong pinupuri namin ang isa't isa gamit ang mga titigan namin.

Lumabas na kami ng Mansion at tumambad ang isang malaki at mahabang sasakyan.

Pinauna muna nila akong punasok at nang makapasok sila pinaggitnaan nila ako kaya naman medyo naiilang ako.

Tahimik naman ang naging byahe namin hanggang sa pinutol iyon ni Galien, ang ikawalong Prinsipe.

" Better not associate yourself to those dirty scum bastards. " Saad niya na napakaseryoso kaya itinango ko nalang ang sarili ko.

Sa totoo lang ay naiintindihan ko siya lalo na at ito ang unang beses kong makadalo sa ganitong salo-salo.

Sa pagsasalong ito ay maaaring may mga mangyaring hindi namin inaakala, malaki ang posibilidad na may mangyayaring hindi kanais-nais sa pagdiriwang na iyon lalo na at nasisiguro kong pag-iinitan ako ng mga noble doon lalo na nina Lady Carlos.

Hindi ko kasama si Dagit ngayon at kinailangan ko pang ikulong sa tinutuluyan niya upang makasiguradong hindi siya susunod.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang unti unting pagbagal ng sinasakyan namin at ibig sabihin lang noon ay nakarating na kami.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumingin sa labas ng bintana at sumalubong sa akin ang makukulay na ilaw sa paligid at ang malaking palasyo na napakalaki.

Ang lugar na ito ay ibang iba sa kahariang pinanggalingan ko at talaga namang hindi ako maghihinala na ang kahariang Neospal ang pinaka asensadong kaharian sa lahat ng kaharian.

Nang tumigil na ang sasakyan ay naunang bumaba ang dalawang Prinsipe hanggang sa parehas nila akong inalalayan na bumaba ng sasakyan.

Mas lalo kong nakita ang kagandahan ng paligid at hindi mapigilang magningning ng mga mata ko.

Nakarinig naman ako ng pagtikhim kaya naman napabalik ako sa reyalidad at nahihiyang kinagat ang ibabang labi ko hanggang sa inaya na nila akong pumasok.

“ Mauna na kayong dalawa. ” Saad ko sa kanila lalo na at iaanunsyo ang pagdating nila bilang dalawang Prinsipe ng kahariang ito.

Sa sinabi kong iyon ay napataas naman ang kilay ng kambal at hanga ako dahil sabay pa nilang ginawa iyon kaya hindi ko din mapigilang mapahagikhik at hindi ko nakita ang paglambot ng ekspresyon ng magkapatid hanggang sa bumalik iyon sa seryoso nilang mukha.

“ You’ll be coming with us and no buts! ” Saad ng ikapitong Prinsipe at sabay nila akong hinila patungo sa malaking pintuan.

Hindi naman napigilan ng puso kong magwala, sari-saring emosyon ang nararamdaman ko gaya nalang ng kaba, takot at ang hindi makapaghintay na emosyon lalo na at ngayon lang ako makakasalo sa pagdiriwang ng kahariang ito.

Narinig ko naman ang pagkausap ng ikawalong Prinsipe sa taga anunsyo at kita ko pa ang pamumutla nito maging ang pawis na namumuo sa may noo niya hanggang sa umayos na siya ng tindig at handa ng magsalita.

“ Entering the Great Hall, Greetings to the Kingdom's Seventh Prince Maceo Whitter, Eight Prince Everard Whitter and Lady Csilla. ” Saad niya at saka ko lang naalala wala nga pala akong last name.

Napailing nalang ako at pinagmasdan ang dahang dahang pagbukas ng malaking pintuan at nasilaw sa liwanag na nagmumula sa loob.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon