Maraming taon ang nakakaraan, sa isang gabi na na nababalot ng sobrang dilim na kalangitan.
Bilog ang buwan sa kalangitan kasama ang mga nagkikislapang mga bituin at malakas ang ihip ng hangin.
Kasabay ng pag alulong ng mga hayop sa kagubatan ay ang siyang pag iyak ng isang bagong panganak na sanggol sa isang Mansion.
Masayang hawak hawak ng isang babae ang isang sanggol na may pulang mata at bagong anak pa lamang ito ng amo niya ngunit agad ding nangunot ang noo ng makitang may lalabas pa sa sinapupunan ng babaeng wala ng malay.
Malaki ang pagtataka niya dahil isa lamang ang anak ng amo niya, iyon ang alam ng lahat kaya naman ay maingat niyang ibinaba ang unang sanggol at muli ay pinaanak ang amo niyang wala ng malay.
Maya maya pa ay lumabas na ang sanggol ngunit hindi ito nagawa ng kahit anong ingay kaya naman labis labis ang takot niya at una agad naisip ang pamilya.
Malaki ang posibilidad na pag nalaman ng mga Delavenax na namatay ang isa nitong anak ay isama siya nito sa hukay kaya naman dali dali ay tinapos niya ang lahat.
Matapos malinis ang lahat ay pasimple siyang lumabas ng Mansion ng Delavenax habang dala-dala ang sanggol na patay.
Nang makalayo layo siya ay ibinaba na niya ang sanggol at naghukay ngunit ng ilalagay pa lamang niya ito sa hukay ay umiyak ito ng malakas na ikinagulat niya.
Gulat na gulat man ay pinatahan niya ito at unang nasilayan ang asul nitong mga mata.
Sa takot na baka maipit siya ay hindi na niya ibinalik pa ang sanggol at iniwan sa ilalim ng puno at walang pusong umalis.
Nang makaalis ang babae ay siya namang pagdaan ng isang babaeng may bitbit na gamit pantanim at narinig nito ang iyak ng sanggol.
Walang pagdadalawang isip niya itong nilapitan ang nakita ang isang sanggol.
Dahil wala siyang anak ay kinupkop niya ito at pinangalanan na Rishel.
Habang sa kabilang banda naman ay hindi na pinagtuunan ng mga Delavenax ang babaeng nagpaanak sa Ducquess at masaya na lamang inalagaan ang sanggol na may pulang mata at pinangalanan nila itong Csilla.
Magkambal na pinaglayo ng tadhana, isang lumaki sa hirap at isang lumaki sa luho at yaman.
Isang namatay sa lungkot at poot, isang bumalik sa tunay nitong buhay at namuhay ng masaya.
Walang pagkakasala ngunit pinaglaruan ng tadhana.
At kahit kailan, hinding hindi nila malalaman na si Rishel at Csilla ay kambal.
Walang makakaalam kahit na sino man.
BINABASA MO ANG
REBIRTH of the VILLAINESS🌟
FantasyKung may kakayahan ka na baliktarin ang oras at bumalik sa nakaraan, anong babaguhin mo? Anong gagawin mo kung may pagkakataon kang ibahin ang daloy ng itinadhana sayo? Paano kung ang pagbabagong gusto mo ay kabaliktaran ng mga nangyayari? Paano kun...