Chapter 28

6K 268 9
                                    

Hindi ko alam kung ano ang nangyari ngunit ng magising ako ay may maiinit na kamay na nakayakap sa akin, akmang mag wawala na ako ng maamoy ang pamilyar na amoy mula sa dalawa at nakilala na ang kambal pala ang kasama ko sa kama at nakayakap sa akin.

Gustuhin ko mang malaman kung bakit sila nasa kwarto at katabi sa kama ay hindi ko magawa lalo na at mahimbing na natutulog ang dalawa.

Nakita ko naman mula sa bintana na gabi na pala hanggang sa muli kong maalala ang nangyari kanina na dahilan ng pagkawala ko ng malay.

Wala pang ilang segundo ay mukha nang kamatis ang mukha ko dahil sa pamumula lalo na at hindi ko mapigilang maisip ng paulit ulit ang sinabi ng Reyna kanina.

Hindi ko alam pero ansarap pakinggan ng mga sinabi niya kanina lalo na ang pagiging anak niya ngunit mahina kong tinampal ang sarili upang maalis sa isipan ang iniisip ko. Nababaliw na ata ako.

Napatingin naman ako muli sa dalawa kong katabi, mahimbing na natutulog ang mga ito at nakayakap pa sa bewang at tiyan ko ang mga kamay nila na ikinamumula muli ng mukha ko.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay at hindi ko nakita ang pagtaas ng sulok ng labi ng dalawang Prinsipe.

Kinaumagahan ay humingi ng tawad ang Reyna at nagpaalam na din naman kami sa pamilya ng kambal para umuwi na at natatawa nalang ako kahit namumula tuwing ipinipilit ng Reyna na manatili doon bilang anak nila o di kaya ay ipakasal sa kambal nila.

Kung nagtataka kayao kung bakit sa labas na ng Palasyo nakatira ang kambal ay dahil naiiba sila, bata pa lang ay gusto na nilang bumukod at gumawa na sariling kapangyarihan na walang tulong mula sa kahit na sino lalo na mula sa pamilya nila.

At sa edad nila ngayon ay matagumpay na nilang nilalasap ang sarili nilang kapangyarihan na pinaghirapan nila.

Ang galing hindi ba? At napakaswerte ko naman dahil tinanggap nila ako ng buo at tinrato ng mabuti at higit pa sa pagiging Lady ng mga nobleng pamilya.

Habang pauwi kami ay talaga namang napakatahimik ngunit pakiramdam ko ay may nagbago pero hindi ko mapunto kung ano iyon.

Lumipas ang mga araw mula ng maganap ang pagdiriwang sa palasyon at nitong mga nakaraang araw ay masasabi ko namang maayos ang lahat maliban nalang sa…

Halos araw araw ay makikita ko nalang ang sarili kong nagsusukat sa harap ng salamin suot suot ang ibat ibang damit, sapatos, alahas at maging mga sumbrero at nanggagaling ang mga iyon mula sa palasyo ng kaharian at ayon sa kambal ay galing iyon sa Hari at Reyna.

Hindi ko na nga alam kung saan ko sila mga gagamitin at sa totoo lang ay malaki pa itong abala sa kambal lalo na at hindi na ito mga magkasya sa damitan ko kaya naman noong isang araw ay nakanganga kong pinapanood ang mga katulong habang inililipat nila lahat ng gamit ko sa isang kwarto.

Noong pasukin ko ito ay halos maiyak na ako dahil sa hiya, napakalaki ng kwartong iyon, mas malaki pa sa dati kong kwarto at mas madami at mamahalin ang mga gamit.

Doon ay nagkasya ang mga gamit na bigay mula sa palasyo at madami pang espasyo na maaaring paglagyan.

Hiyang hiya na ako ngunit sabi lang ng kambal ay ayos lang daw iyon, regalo daw iyon at dapat tanggapin kaya tinanggap ko nalang kahit labag sa kalooban ko.

Abala ako sa pagbabasa ng bagong librong dala dala ng kambal ng lumabas sila kanina ng bigla na lamang bumukas ang pintuan ng opisina na ikinatingin naming lahat doon, maging si Dagit ay napatingin doon.

Nakita ko naman ang isang Butler na nakaluhod saka nagsalita.

“ Forgive me Your Highnesses and Lady Csilla but there’s a commotion in the front gate. ” Saad nito na ikinatayo ko kasabay ng kambal, hindi ko alam na may nangyayari na palang kaguluhan.

Marahil ay talagang hindi namin ito maririnig dahil malayo talaga ang kinalalagyan ng front gate.

Pero nakakapagtaka na may nagaganap na kaguluhan sa labas, ito ang unang beses na nasaksihan ko ito at mukhang malaking bagay ito dahil kinakatakutan ng lahat ang dalawang Prinsipe na ito ngunit naririto sila at nagkakagulo.

Mukhang mahalaga ang idinayo ng mga ito. Sakay sa isang karwahe ay naririnig ko na agad ang mga hinaing ng mga tao, kasalukuyan akong nasa isang karwahe para puntahan ang mga nagkakagulo.

May kasama akong sampung gwardya para kaunin ang magiging tagapagsalita nilang lahat. Noong una ay ayaw akong payagan ng kambal ngunit sa huli ay pumayag din sila noong akala ko ay hindi nila ako papayagan.

Lahat ng mga tao ay nagwawala at lalo itong lumakas ng makita nila kami, bumaba naman ang dalawang butler at kinausap ang mga ito at saka kita kong may sumamang dalawang lalaki, isang matanda at isang batang lalaki.

Natigil naman ang pag-iisip ko ng makitang may dumapong ibon sa kabilang parte at si Dagit iyon.

Naalala ko naman ang isa sa kasunduan namin ng kambal bago nila ako palabasin, iyon ay ang sulatan sila sa oras na ipadala nila si Dagit. Napangiwi nalang ako at kinuha ang papel at tinta na inihanda talaga ng mga ito at nagsulat.

‘Pabalik na kami.’

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon