Hindi pa man natatapos ang kasiyahan ay maaga din agad akong pinagpahinga ng dalawang Prinsipe ngunit hindi kami pinauwi ng Reyna at pinatuloy sa palasyo na talaga namang ikinahiya ko, unang una ay dahil hindi ako sanay na makituloy sa palasyo at nasanay lang ako sa Mansion ng kambal.
Pangalawa ay hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ang mga nakatira dito, kanina nga ay nais akong tulungan ng mga katulong na maligo pero mamatay matay na ako sa pagtanggi lalo na noong sinubukan ng isa sa kanila na tanggalin ang maskara na suot ko pero buti nalang dumating ang kambal.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa katulong na iyon dahil pinakaladkad ito sa butler na kasama nila ngunit ng itanong ko sa kambal ay sinabihan ako ng dalawa na wag ko na lamang itong pansinin.
Matapos ng maikling kwentuhan naming tatlo ay iniwan na din ako ng dalawa upang makapagpahinga na, at ayon sa kanila ay ayos lamang na isuot ko pa din ang maskara ko na ikinakaba ko naman ngunit ayos lang daw iyon kaya umoo nalang ako.
Habang nakahiga ay hindi ko mapigilang mapaisip ng malalim, ano kaya ang mangyayari bukas? Kailan kami uuwi?
Isa pa, nakita na ako ng mga tao kaya naman imposibleng maiwasan ko ng tuluyan ang mga bagay na lalong maglalantad sa katauhan ko.
Hindi ko na alam kung anong iisipin at gagawin ko pero sa ngayon ay hahayaan ko muna ang lahat ng mga pangyayari at saka kikilos pag dehado na ako.
Lumipas ang gabi at kahit hindi ako ganoon kakomportable sa higaan ko at kulang ang tulog ay maaga pa din akong nagising at nag ayos.
Kung aalis man kami ngayon o hindi pa ay siguradong iimbitahan kami upang dito na kumain ng umagahan kaya naman kailangan kong maging presentable lalo na at pakiramdam ko ay haharapin ko ang magulang ng kasintahan ko.
Napailing nalang ako at pinagmasdan ang sarili sa salamin, simple lang naman ang suot ko maliban sa maskarang tumatakip sa kalahating mukha ko.
Nagulat nalang ako ng makarinig ng pagkatok at nang buksan ko iyon ay nakita ko ang kambal.
“ We’ll have breakfast. ” Sabi ni Galien na ikinatango ko ngunit ramdam ko namang nadagdagan ang kaba ko.
Isinarado ko ang pinto saka paulit ulit na bumubuga ng hangin hanggang sa napatingin ako sa gilid ko ng makita si Valor na nakangiti sa akin habang hawak ang kamay ko.
Tatanungin ko na dapat siya ng maramdamang may humawak din sa kabila kong kamay at si Galien iyon, parehas silang nakatingin sa akin at hindi ko pa din malaman kung anong dahilan nang magsalita si Valor.
“ Calm down, don't be nervous. ” Saad niya na ikinabuntong hininga ko at gustuhin ko mang tumango ay di ko magawa dahil hindi ko din mapakalma ang sarili ko.
Natahimik ang buong paligid at naglakad kaming tatlo papunta siguro sa Dining Area, kung hindi ay hindi ko alam kung saan dahil nagpapahila lang din ako sa dalawa.
Habang naglalakad kami ay hindi mapigilang umikot ng mga mata ko at humanga sa mga magagandang halaman at mga bulaklak sa labas dahil tanaw iyon dito.
Maya maya pa ay natanaw ko na ang isang malaking pintuan at may apat na kawal na nakahilera doon, mukhang nandito na ata kami.
Nang makita nila kami o sabihin na natin na noong makita nila ang dalawa kong kasama ay nagbigay agad sila ng paggalang na tinanguan naman ng dalawa kong kasama.
Akmang magsasalita ang isa upang ihayag ang pagdating namin ng pigilan ito ni Galien sa pamamagitan ng tingin at naawa naman ako dahil kita ko kung paano siya nanginig.
Binuksan naman ng dalawang kawal ang pintuan at pumasok na kami, ay mali, hinila pala nila ako papasok.
Napatingin naman agad ako sa harapan ay napalunok, hindi dahil sa mga pagkain kundi dahil lahat ng nasa loob ay sa amin nakatingin.
Nasabi ko na bang walo silang magkakapatid? Oo walo sila at silang dalawa ang bunso at lahat sila ay lalaki.
Magkakamukha sila pero nangingibabaw dalawa ang kambal na ito dahil nakuha na ata nila pinakamamagandang gene ng mga magulang nila ngunit hindi din naman papatalo ang anim pang mga Prinsipe.
May edad na 28 ang pinaka panganay sa kanilang lahat at 16 naman ang bunsong edad, lahat sila ay mag agwat na tig dadalawang taon.
Napabalik naman ako ng makaramdam ng mainit na kamay na nasa kamay ko, pagtingin ko ay gusto ko nalang magpalamon sa lupa ng makitang ang Reyna iyon at kami nalang ang nakatayo dahil ang kambal na kaninang kasama ko ay mga nakaupo na at iniiwasan akong titigan sa mata.
Napatingin naman ako sa Reyna dahil sa ngiting ngiti ito at dahil sa malapitan ko na siyang napapagmasdan ay masasabi kong kahit madami na siyang anak at may edad na ay tila nasa 30 years old pa lang siya.
Talagang nagmana sa kanila ng Hari ang kambal na iyon.
Napaisip muli ako at nanlalaki ang mata ng makalimutang magbigay galang. Akamang yuyuko ako ng pigilan ako ng Reyna at ngitian ng matamis sabay sabing…
“ Let’s have a seat shall we? ”
BINABASA MO ANG
REBIRTH of the VILLAINESS🌟
FantasyKung may kakayahan ka na baliktarin ang oras at bumalik sa nakaraan, anong babaguhin mo? Anong gagawin mo kung may pagkakataon kang ibahin ang daloy ng itinadhana sayo? Paano kung ang pagbabagong gusto mo ay kabaliktaran ng mga nangyayari? Paano kun...