Masaya kong iniikot ang buong tingin ko sa paligid saka napapangiting humahakbang papalapit ng Sentro.
Napakadaming tao, lahat ay abala, ang iba naman ay namimili at ang iba ay gaya ko na nag iikot.
May mga bata ding nagsisitakbuhan habang tumatawa na siya ding ikinakangiti ko.
Ansarap sa pakiramdam.
Akmang hahakbang na ako papunta sa isang tindahan ng bigla ko nalang maramdaman ang dalawang kamay na humila sa magkabilang braso ko na agad ko namang ikinatingin sa may mga sala.
Doon ay bumungad sa akin ang dalawang lalaking may suot suot na coat habang nakatingin sa akin ng seryoso na ikinasimangot ko ngunit agad ding napangiti ng maalala ang nangyari kanina.
" Explain to us. Why would you want to leave us? " Tanong ni Valor na ikinasimangot ko ngunit agad ko ding inayos ang sarili.
" J-just because... uhm... " Sasabihin ko ba?
" Because of what? " Tanong naman ni Galien na siya namang ikinapikit ko.
Gusto ko lang naman lumabas pero bakit kung umakto sila ay para bang iiwan ko na sila at hindi na muling magpapakita pa?
" Gusto ko lang naman pumunta sa Sentro! " Pikit mata kong sigaw sa kanila at kasunod noon ay ang mahabang katahimikan sa paligid.
Dahil sa tahimik ay dahan dahan akong mumulat at napakuraprap pa bago ko masilayan ang dalawang mukha ng kambal na tila ba mag hindi kapani-paniwala silang narinig hanggang sa kumurba doon ang mga ngiti.
At doon nga ay hinila na nila ako dito at sinamahan kahit na ilang beses pa akong tumanggi sa kanila pero may magagawa ba ako? Napailing iling nalang ako saka muli ay iniikot ang paningin.
Excited na ako!
Sa bawat pagpikit ng mga mata ko, sa bawat hininga na pinapakawalan ko ay kasabay ng oras sa pagtakbo.
Tatlong taon na ang nakakalipas mula ng mangyari ang lahat lahat, tatlong taon na ang nakakaraan mula ng tuluyan akong makalaya sa nakaraang pilit kong tinatakbuhan.
Hello, I'm Csilla again and I'm already 17 Years old right now.
And this is my story, thank you and goodbye.
(Choss)
Lumipas ang tatlong taon sa loob ng isang iglap at madami ding nagbago, tulad ng mga taong nakapaligid sa akin at maging sa akin ay may mga nagbago na din.
" Lady Adrastea. " Tawag ng kung sino na agad kong ikinalingon at agad kong nakita ang isang babaeng kasing edad ko na kumakaway sa akin.
Agad ay lumabas ang isang ngiti sa aking labi saka inalala ang tawag niya sa akin.
Lady Adrastea...
Paano ko nga ba nakuha ang pangalan na yon?
Abala ang madaming tao habang ako ay pangiwi-ngiwi lamang dito lalo na at paulit ulit kong naaalala kung ano ang meron sa araw na ito.
Ngayon ang araw ng kapanganakan ko, kaarawan ko.
16 na ako at alam kong malaki din ang papel ng pagiging 16 ko sa buhay ko ngunit hindi ko namang hinihiling na magkaroon ng napakaganda at napakagastos na pagdiriwang.
Kung alam ko lang na sana ay ganito ang mangyayari ay baka kahapon pa ako tumakbo paalis pero pagdilat nalang ng mata ko ay nasa harap na ako ng salamin at lahat ay kagulo.
Obviously, kagagawan iyon ng dalawang lalaki na lagi nalamang akong pinagkakagastusan at siguradong nasa likod na naman nila ang mga maharlika.
Muli ay napabalik ang tingin ko sa sarili, suot ang isang pulang gown na talaga namang humuhulma sa buong katawan ko at ang mga alahas na kumikinang kinang.
Maging ang mukha ko ay may kolorete ngunit inaamin kong napakaganda ko sa gabing ito lalo na at ang mga mata ko ay nagnining ning din dahil kahit hindi ko gusto ang malaking handaan ay hindi naman ibig sabihin noon ay hindi ko pinangarap na magkaroon ng ganito.
Hindi ko ito naranasan noong unang buhay ko pero ngayon mararanasan ko na, magastos man ngunit nagdala ito sa akin ng kakaibang say lalo na at may mga bago ng taong nakapalibot sa akin.
Matapos gayakan ay lumabas na kami ng kwarto at nagtungo sa hagdanan kung saan ako baba ngunit nakita ko doon ang kambal na nakasuot din ng pulang suit na talaga namang nakakapagpalabas lalo ng kagwapuhang meron sila.
Nang makita nila ako ay hindi ko mapigilang kabahan lalo na at iyon na naman ang mga tingin na binibigay nila.
Dapat ay masanay na ako dahil lagi ko iyong nakikita noon pagkabalik namin mula sa sentro ngunit nagbibigay pa din talaga ito ng kaba sa akin.
Parehas nilang inabot ang kamay nila sa akin at silang dalawa ang naging kapartner ko sa buong kasiyahan.
Akala ko ay tapos na ang lahat ng biglang hawakan ng Reyna ang mic sa unahan na siya namang ikinatingin ng lahat.
" I, the queen of Neospal hereby declared that the name Adrastea will be yours, Csilla Adrastea. " Saad ng Reyna na talaga namang ikinagulat ko.
Hindi ko akalain na iyon ang ibibigay nilang regalo sa akin, at para sa akin ay iyon ang pinakamagandang regalo na natanggap ko.
Kaakibat ng pangalan na Adrastea ay may mga ari-arian at responsibilidad din na napa sa akin at natanyagan akong Lady Adrastea ng Neospal na naging maagang opisyal na namuno.
Naging isang tagapamahala ako ng mga bagay bagay gaya na lamang ng pang-aapi ng mayayaman sa mahihirap o kaya ang mga iba pang problema.
Ako ang naging mukha ng mga commoner na siya din namang ikinatutuwa ko, at alam kong lahat sila ay masaya para sa akin.
Napakasaya ko.
BINABASA MO ANG
REBIRTH of the VILLAINESS🌟
FantasyKung may kakayahan ka na baliktarin ang oras at bumalik sa nakaraan, anong babaguhin mo? Anong gagawin mo kung may pagkakataon kang ibahin ang daloy ng itinadhana sayo? Paano kung ang pagbabagong gusto mo ay kabaliktaran ng mga nangyayari? Paano kun...