Chapter 15

7.1K 316 4
                                    

“ You killed them. ” Bulong ko sa hangin habang nakatitig sa mga taong iyon na hawak hawak ng mga lalaki ngunit nakaharap ang mga ito sa dalawang Prinsipe na hindi pa din nagsasalita.

Tumingin ako kay Dagit at hinaplos ang balahibo nito bago siya senyasan na lumipad patungo sa direksyon ng mga lalaking iyon at hindi nga ako nagkamali dahil doon nga nagtungo si Dagit at kasabay ang tunog na nililikha niya na nababalot ng lungkot at galit ay ang mahahabang kuko niya na kumakalmot at bumabaon sa katawan ng mga lalaking iyon.

Naalerto ang mga lalaking nakapalibot sa dalawang Prinsipe ngunit nakatingin lang ang dalawa sa nangyayari sa harap nila.

Maririnig mo sa buong paligid ang mga ungol ng sakit, mga tilian at iyak kasabay ng pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko na akala ko ay ubos na ngunit may ilalabas pa pala.

Ang mga luha ng pagluluksa sa pagkawala ng pamilya ko, ang mga luha na wala namang magagawa para ibalik ang mga mahahalagang bahagi ng buhay ko ay pilit pa ding tumutulo mula sa mga pula kong mata.

Napapikit nalang ako ng lumakas ang hangin kahit na walang ibang dadaanan ang hangin mula sa labas at imbis na lamig, ay init ang naramdaman ko na tila sinasabi nitong ‘magiging ayos din ang lahat.’

Pero posible pa ba iyon? Wala na sila, wala na silang tatlo na para bang naging anak ko dahil sa mga tigas ng ulo at kulit nila.

Para akong isang ina na nawalan ng mga anak at habang buhay kong dadalahin ang sakit na iyon.

Hanggang kabilang buhay ay hindi ko makakalimutan ang pighati at galit para sa mga taong gumawa noon sa kanila at hindi ako papayag na makakawala sila sa kasalanang iyon.

Isusunod ko sila kila April ang kaibahan nga lang ay sa Impyerno ang punta nila at aasa nalang ako na masayang nananatili sa langit sina July, August at April.

Patuloy lang sa pagsugod si Dagit at walang nagbabalak na pumigil sa nagngangalit na ibon hanggang sa napahiga nalang sa sahig ang Baron at ang tauhan nito.

Tumigil sa pagsugod si Dagit at lumipad pabalik sa akin kaya naman hinaplos ko siya pampakalma sa ibon.

Napatingin naman ako sa mga tao pang naririto, sila ang mga taong nakisali sa ganitong programa at tila itinuturing naisang laruan ang buhay ng isang tao lalo na ang nga inosenteng batang babae.

Ang mga taong halang ang kaluluwa at mga taong inaabuso ang kayamanan na meron sila upang tapak-tapakan ang mga mahihirap na tao.

Napatingin naman ako muli sa Baron at kita kong maayos na ang paghinga ng mga ito ngunit sino ba ang nagsabing tapos na ako?

Buhay kapalit ng buhay at dahil sa kasamaan nila pitong buhay ang kinuha nila sa akin para lamang pera at kasiyahan nila.

Ang mga taong katulad nila ay hindi nababagay sa ganitong lugar kung saan mas nakakaangat sila kaysa sa mga karapt dapat na may mataad na posisyon.

Talagang kwago ang nakatira sa bahay na bato kaysa sa kubo na ang nakatira ay tao.

Muli kong pinalipad si Dagit at muling naglabas ito ng ingay ng paghihinagpis at galit, sa ikalawang pagkakataon pinarusahan muli ni Dagit ang Baron at ang mga kasamahan nito.

Nagsimula na akong maglakad pababa kaya naman nalipat sa akin ang paningin ng dalawang Prinisipe na kanina lamang ay nanonood sa palabas na nangyayari sa harapan nila.

Suot ang puting maskara, ang puting damit na nabahiran na ng dugo ng mga minamahal ko sa buhay.

Damang dama ko ang lamig ng sahig na tinatapakan ko ngunit nakakapagtaka dahil may nararamdaman pa ako matapos ng mga nangyari. Naglakad ako papalapit sa kinaroroonan ng ng Baron at ng dalawang Prinsipe.

Hindi naman naaalis ang tingin ng dalawang binata sa akin gayon din ang mga taong nakapalibot sa dalawa, ramdam ko ang pagiging alerto nila ngunit hindi naman sila ang binabalak kong lapitan.

Hindi pa tapos ang lahat dahil nag-uumpisa palang ako, pinangako kong isusunod ko ang buhay ng Baron at ng mga kasamahan nito. Wala akong pakialam kung makulong man ako at maparusahan tutal ay wala na rin namang saysay ang buhay ko kaya mas mabuting maiganti ko sila bago ko tapusin ang buhay ng mga ito at ng maging akin.

Bago pa man ako makalapit ay napadaan ako sa isang lamesa at walang pagdadalawang isip na kinuha ang bote ng alak, tinidor, baso at kutsilyo.

Lumapit ako sa Baron saka siya tinitigan sa mata at kita ko ang takot doon ngunit wala na iyong magagawa pa.

Binuksan ko ang alak at nagsalin sa baso bago iyon ibuhos sa katawan ng Baron na ikinasigaw nito lalo na at nabuhusan nito ang mga sariwa niyang sugat.

Napatingin ako sa damit ng Baron at nakita ang sigarilyo nito, agad ko iyong kinuha ang sinindihan bago mabilisang itinusok ito sa katabi nitong lalaki na isa sa sumugod sa gubat, sa mata nito ito lumapat dahil sa pagiging malikot.

Ganon din ang ginawa ko sa iba at mas idinidiin ko ito sa mga sugat ng mga lalaki kaya naman maririnig mo ang mga sigawan ngunit hindi pa ako tapos.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon