Napatingin ako sa magandang bagay na ginawa ko dala dalang galit at paghihiganti.
Ang Baron ay hindi mo makikilaka ang mukha dahil wala na ang balat sa mukha niya ngunit hindi iyon naging hadlang upang ipagpatuloy ko ang ginagawa ko, pinutol ko din ang mga daliri niya at pilit iyong pinakain sa mga tauhan niya kahit na mangiyak ngiyak na ang mga itong kainin.
Maging ang dugo ng Baron ay kinolekta ko at hinaluan ng alak bago ito ipainom sa mga tauhan nito.
Kita ko sa mga mukha nila na gusto na nilang mamatay ngunit hindi pa ako natapos doon.
Tinawag ko lahat ng mga nais nilang ibenta at hinayaan ang mga ito na gawin ang gusto nila at hindi na ako nagulat ng lahat ng ito ay kumilos, naiintindihan ko sila dahil maaaring gaya ko din sila na nawalan ng pamilya dahil sa mga taong ito.
Hindi ko alam kung ilang oras ang nakalipas pero madilim na at talaga namang malamig na ang simoy ng hangin. Pinagmasdan kong maghingalo ang Baron at ang mga kasamahan nito, swerte sila dahil hindi pa sila patay.
Napatingin naman ako sa ikapitong Prinsipe ng bigla itong tumawa at pumalakpak, hindi lang ako ang napatingin sa kanya kundi lahat maliban sa kakambal nito na nakatingin sa Baron.
" Good job! You entertained me! " Saad ng Prinsipe ang pinunasan pa ang luha sa gilid ng mata nito.
" Your highnesses, your orders. " Saad ng isang lalaki sa dalawang Prinsipe saka nagsalita ang ikawalong Prinsipe.
" Take them all especially the Baron, we're not finished. Bring the victims as well. " Saad ng ikawalong Prinsipe at agad na kumilos ang mga tauhan ng mga ito.
Napatingin naman ako kay Dagit ng humuni ito kayanaman hinaplos ko ang balahibo nito saka napangiti ng kaunti, marahil hindi pa ako tuluyang nag-iisa.
Narito pa si Dagit kaya naman pipilitin kong mamuhay ng tahimik dahil hindi magugustuhan ng mga iyon kung pababayaan ko ang sarili ko.
Napatingin naman ako sa dalawang Prinsipe na alam kong kanina pa nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng kaunti saka yumuko at nagsalita.
" This commoner greet the Princes, this commoner will now receive it's punishment. Thank you for saving us. " Saad ko at hindi nagtaas ng ulo.
Wala na akong babalikan kaya mas maganda kung manatili nalang ako at sabayan ang agos ng magiging kapalaran ko dito sa Sentro.
" It's okay, it's normal to get revengee. " Saad ng ikapitong Prinsipe.
" Come with us." Saad ng ikawalong Prinsipe na ikinatango ko nalang at sumunod sa iba pang mga biktima palabas ng lugar.
Si Dagit nalang ang meron ako kaya naman gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya at maprotektahan ko ang sarili.
Kailangan ko ng kapangyarihan at kayamanan lalo na at iyon ang basehan ng lakas salugar na ito, hindi na din naiiba sa pinanggalingan kong lugar.
Kailangan kong maging matatag at kailangan kong may marating upang wala ng iba pang tatapak sa akin.
Pagkalabas namin ay nadatnan namin ang maraming sasakyan at maging truck, nagtutulakan ang mga tao lalo na at maraming nahuli sa auction na ito.
Sumakay naman kaming mga biktima sa dalawang sasakyan na malaki dahil na din sa dami namin. Si Dagit ay hinayaan kong lumipad dahil alam kong susunod sa akin ang ibon na iyon.
Gaya ko ay nasa kaawa awang sitwasyon ang mga biktima lalo na at halos lahat ay mga batang babae ngunit may iilan ding lalaki ngunit mas matanda ito sa amin, may mga umiiyak sa sasakyan at may ibang hindi mo makikitaan ng kahit anong emosyon, epekto na rin ata ng trauma na naranasan nila.
Napahawak naman ako sa mukha ko at napansin na hanggang ngayon ay may suot suot pa rin pala akong maskara, hindi ko na ito tinanggal pa.
Napatingin naman ako sa bintana at nakasalubong ang mga nagniningning na bituin, ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng isang hiling.
Nawa'y maging maayos ang lahat para sa bagong kabanata ang buhay ko, dito sa Sentro.
Ang hindi ko alam na may iba palang humihiling din ngunit ang hinihiling ng mga ito ay ang puso at atensyon ng babaeng may puting maskara.
BINABASA MO ANG
REBIRTH of the VILLAINESS🌟
FantasyKung may kakayahan ka na baliktarin ang oras at bumalik sa nakaraan, anong babaguhin mo? Anong gagawin mo kung may pagkakataon kang ibahin ang daloy ng itinadhana sayo? Paano kung ang pagbabagong gusto mo ay kabaliktaran ng mga nangyayari? Paano kun...