Chapter 14

7.1K 315 8
                                    

“ Going twice?! Going thrice?! ” Saad ng Host ngunit wala ng nagtaas pa para taasan ang presyong nakalatag sa akin.

Tatlong milyong ginto na ang presyo ko at isang matandang lalaki ang nakakuha sa akin habang tatlo tatlo ang mga babaeng nasa kanan at kaliwa niya na inaaliw siya kahit naman halatang napipilitan lang ang mga babaeng iyon.

Alam ko na agad na may hindi siya kanais-nais na gustong gawin sa akin. Lumapit na sa akin ang isang lalaki at akmang hihilahin na paalis ng biglang may mga tumayong lalaki at naglabas ng mga baril.

Nagkagulatan na at ang mga bumalak na humugot ng baril ay agad din na namamatay dahil sa balang tumatama sa noo nila na ikinagulo ng lahat.

Maraming nagtakbuhan at sinubukang magtago maging ang Host ng bentahan at ang mga lalaking nagbalak na hilahin ako paalis.

Lahat ay nagkagulo na at nakakarinig na ako ng mga iyak at nakakaamoy ng sariwang dugo habang pinagmamasdan ang nangayayari sa baba.

Nakatitig lang sa kanila ang walang emosyon kong mga mata ngunit napatingin naman ako sa may bintana sa taas ng bubong kasabay noon ang pamilyar na tunog.

Sumilay ang isang ngiti sa labi ko kasabay ang pag pagaspas ng malalaking pakpak ni Dagit habang gumagawa ng pamilyar na ingay.

Inihanda ko ang mga braso ko at walang pagdadalawang isip na dumapo doon si Dagit kasabay ng pagbukas ng elevator na nakakonekta sa pinakataas na kwarto kung saan mukhang naroroon ang makakapangyarihang tao dito sa Sentro.

Napalingon ako dito dahil tanging ito nalang ang nag-iingay dahil pinapatahimik ng mga lalaking may hawak ng baril ang mga tao.

Nagbukas ang elevator at ang una kong napansin ay ang dalawang pulang buhok at ang mata na tila nagliliyab ang kulay dahil buhay na buhay ang kulay kahel na kulay ng mga ito na mukhang may halong pula.

Hindi ito nakatingin sa akin kundi sa mg ataong ngayon ay nanginginig at ang ilan ay hindi makatingin sa kanila, napatingin naman ako sa likudan nila ng makitang may mga lalaki ding nakatayo gaya ng mg alalaking bigla nalang tumayo kanina.

“ Seize them. ” Sabay na saad ng dalawa, ang isa ay may  matigas na ekspresyon sa mukha habang ang isa naman ay nakangisi pa habang nasa bulsa ang dalawang kamay at sumisipol sipil na tila nakaka enganyo ang nasa harapan nila.

Mukhang naramdaman nila ang tingin ko at sabay silang tumingin sa akin ngunit hindi ko inalis ang tingin sa kanila.

Marahil ay may kaaya-aya silang mukha na makakasira ng isang kaharian o dahil sa kakaibang awra na nakapalibot sa kanila.

Delikado at maitim pero nasa edad mga labing anim lang sila at sa paraan kung paano sila magsalita, maglakad at katakutan ng mga taong nandidito ay paniguradong may mataas silang posisyon.

Napakurap kurap ako at may naalala, nasa Kaharian ako ng Neospal at nasa Sentro.

Sa mga maharlika, ang pinaka kinatatakutan at kilala maging sa ibang kaharian ay ang ikapito at ikawalong anak ng Emperador na kambal.

Taglay ang awrang humigit sa isang Hari, talino at lakas na dinaig ang isang magiting na kabalyero at may mga mukhang kayang magpabagsak ng mga kaharian.

Seventh Prince Maceo Valor Whitter at Eight Prince Everard Galien Whitter.

Ang kambal na Prinsipe na kinakatakuhan ng lahat lalo na at nagmula ang dalawa sa pinakamamahal na Consort ng Emperador, idagdag mo pa kapangyarihan na pinaghahawakan ng pamilya ng Ina nila at ang ang kakayahan nila.

Ang ikapitong prinsipe na laging may ngisi sa labi at ang ikawalo na may ekspresyon na laging seryoso at hindi nagpapakita ang dalawang Prinsipe ng ibang emosyon o reaksyon.

Napabalik ako sa pag iisip at magkakonekta pa din ang mga mata namin bago ko hawakan ang dulo ng aking bistida na suot saka nagbigay galang.

Kita ko ang pagdaan ng kyuryosidad sa mga mata nila habang nakatingin sa akin ngunit mukhang ako lang ang nakapansin noon.

Napatingin naman ako kay Dagit ng lumikha ito ng ingay na tila umiiyak at saka bumalik sa akin ang lahat. Sina April, August at July maging sina Tapang, Likot, Bangis at Hari.

Nawala ang kung anong iniisip ko at hinaplos ang balahibo ni Dagit para ipadamang nagluluksa din ako sa pagkawala nila dito sa mundong ibabaw.

Napalingon naman ako sa gilid ng stage ng magbukas ang isang pintuan at lumabas doon ang dahilan ng pagluluksa at sakit na hinding hindi ko mabubura sa pagkatao ko.

Baron Josme and you people. ” Saad ko habang nakatingin sa Baron at sa mga lalaking sumugod sa gubat.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon