Chapter 18

7K 329 20
                                    

Natahimik ang buong paligid ngunit nagpatuloy na fin ang iba na kumain pa gaya ko.

Sa tingin ko ay mas mabuting manatili ako dito kaya naman gagawin ko ang lahat upang maging walang dahilan para mapaalis ako dito.

Natapos ang kainan namin at naunang unalis ang dalawang Prinsipe kaya naman umalis na din ako pagkatapos, bago ako umalis ay nag-anunsyo ang babaeng nag alalay din sa amin kanina at sinabing bukas ay hihingiin ang desisyon namin kung kami ba ay mananatili o aalis nalang.

Pabalik na ako sa pinagdalhan sa amin kanina ng makarinig ako ng magandang musika.

Kailan ba ako huling nakarinig nito? Ah, siguro noong kinantahan ako ni April ng isang beses ay hindi ako makatulog dahil sa masamang panaginip.

Kung iisipin naman, kailan ba ako huling umawit? Siguro noong hindi pa ako bumabalik sa nakaraan? Kung kailan masaya pa ang buhay ko.

Lumihis ako ng daanan hanggang sa marating namin ni Dagit ang isang hardin ngunit halatang hindi ito naaalagaan masyado dahil madaming patay na halaman at kakaunti lang ang nakatanim.

Nakakalungkot ang lugar na ito, nagtungo ako sa isang puno at dumapo naman si Dagit sa sanga nito.

Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng kuhain ng mundo ang mga mahahalagang tao para sa akin ganon din sina Hari at ang iba pa na naging pamilya ko din kahit na sa maikling panahon pa lang.

Ngayon handa na ako, handa na akong palayain sila lalo na at baka hindi sila matahimik, kasalanan ko pa iyon.

Handa ko na silang bitawan ngunit alam ko namang maiiwan sa akin ang magagandang ala-ala at handa ko iyong dalhin hanggang dumating ang araw na uugod ugod na ako.

Kasabay ng aking pag-awit ay ang bawat hampas ng hangin, sumasabay sa malamig na hangin ang boses na puno ng lungkot at paghihinagpis.

Namalayan ko nalang na tumutulo na muli ang mga luha ko na hanggang ngayon ay hindi pa pala ubos, tinanggal ko ang suot suot kong maskara at pinunasan iyon.

Nang matapos ang kanta ay ang mga yapak na nanggagaling sa likuran ko ang narinig sa buong paligid kaya naman napaharap ako at dalawang mukha ang sumalubong sa akin.

Kapwa pareho pareho kaming nagulat sa pagharap, nagulat ako dahil ang dalawang magiting na Prinsipe ang naririto habang sila naman ay pabalik balik ang tigin sa puting maskara at sa mukha ko…. marahil nagulat sila sa mukha ko lalo na at ngayon ko palang ito tinanggal at hindi inaasahang makikita ng dalawang Prinsipe, pero hindi ko na ito kailangan pang isuot lalo na at nakita na naman nila ang mukha ko ngunit isusuot ko pa din ito kung may pagkakataon na kailangan kong lumabas dahil hindi naman sa pagmamayabang ay masasabi kong kakaiba ang gandang meron ako lalo na ang pulang mata na tinataglay ko.

Yuyuko na dapat ako para sa dalawa bilang paggalang ngunit dalawang kamay ang pumatong sa balikat ko kaya naman natigilan ako.

Napatingin ako sa kanila at sa mga kamay nila na agad din naman nilang tinanggal ng makitang nakatingin ako doon.

Umiwas naman silang tingin kasabay ang munting pagpula ng tenga nila at talaga namang kambal sila.

Napatingin naman kami kay Dagit ng umingay ito at matalim ang tingin ng ibon sa dalawang Prinsipe na nasa harap ko, napakurap kurap nalang ako ng makitang nakikipagtitigan din ang dalawang Prinsipe sa nagsusungit na ibon hanggang sa pinagaspas nito ang pakpak nito ngunit hindi ito tumingin at tila naghahamon lang.

Napailing iling nalang ako dahil mukhang tinamaan na naman ng tama sa utak si Dagit.

Napalingon naman ako mula sa pagtingin kay Dagit ng may maramdamang malamig na kung ano sa pisngi ko at nagulat nalang ako ng mapansing kamay iyon ng ikapitong Prinsipe at marahan nitong pinupunasan ang mga natuyo kong luha.

" You're crying. " Bulong nito at sadya namang napakaseryoso niya kaya ng kanyang kambal kaya naman hindi mo sila matutukoy.

Napatingin naman ako sa ikawalong Prinsipe ng kuhain niya ang kamay ko at kinuha ang maskarang hawak hawak ko saka niya ako tinignan na parang sinasabing siya na ang bahala doon, kaibahan ng kakambal niya ay mainit ang kamay niya.

Isang palangisi ngunit malamig at isang laging seryoso ngunit mainit, tamang tama talaga na kambal silang dalawa.

Para silang isang bunga na hinati sa dalawa dahil masyado na daw madami ang kasamaan sa mundo kaya mas pinapadami ang mga mababait na tao sa mundong ibabaw.

Hindi na naman ako umangal at hinayaan sila lalo na at walang gumawa nito sa akin kahit noong unang buhay ko pa lamang dahil ako ang naghahabol at laging lumalapit kahit na ayaw ng mga tao sa akin.

Walang salita sa pagitan naming tatlo at mas rinig namin ang paghampas ng hangin ngunit hindi iyong awkward o kung ano dahil komportable ako.

Hindi ko kailangan ng salita dahil sa tamang pagsama lang sa akin dito ay ayos na ako, magaan sa pakiramdam ang ganito at kahit papaano nababawasan ang lungkot na dala dala ko.

It's warm…

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon