Chapter 21

6.5K 332 23
                                    

Nakatingin ako sa mga halamang sumasayaw sa pag hampas ng hangin.

Ang dating malungkot at puno ng mga lantang bulaklak ay ngayon ay isang ng hardin na may maipagmamalaking ganda.

Napakadaming halaman, iba’t ibang uri at napakadami nito, hindi ko akalain na ipapaayos ito ng dalawang Prinsipe at inilagay sa pangangalaga ko kaya naman lagi akong naririto maging si Dagit ay dito din laging nakadapo.

Apat na buwan na ang nakakalipas mula ng kupkupin ako ng dalawang Prinsipe at masasabi kong sa loob ng apat na araw na iyon ay nabuhay ako ng mapayapa at masaya maliban nalang kung bigla biglang susugod dito ang babaeng iyon na nagngangalang Lady Hillary Carlos na isang anak ng isang Ministro at may mataas na katayuan sa palasyo kaya naman pala hindi siya takot na mamatay at mukhang patay na patay siya sa dalawang Prinsipe.

Sa loob ng apat na buwan ay medyo naiilang pa ako sa dalawang Prinsipe ngunit binibigyan nila ako ng oras para maging komportable sa kanila gaya nalang ng pakikipagkwentuhan sa akin o di kaya ang sabay sabay naming pagkain ng umagahan, tanghalian at hapunan hanggang sa unti unti na akong nasanay sa presensya nila.

Siguro kung hindi ako laging nasa opisina ng dalawang Prinsipe ay nagmumukha na akong isang anak ng maharlika lalo na at lalong gumanda ang kalagayan ko sa ilalim nila, maaari ko ng gawin lahat ng aking nanaisin at makuha lahat ng gusto ko ng walang kahirap hirap ngunit hindi ko iyon gawain at hinayaan nalang ang lahat lahat sa tadhana.

Matapos ng paglilibing namin sa pamilya ko ay hindi na muli akong lumabas ng Mansion kaya naman tahimik ako dito ngunit alam kong nagkakagulo sa labas at ang usapan nila ay tungkol sa akin.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang mga chismis na kumakalat sa buong kaharian lalo na kung isang anak ng Ministro ang nagpapakalat noon, si Lady Carlos.

Ayon sa chismis, isa daw akong pangit na magkukulam na inakit ang dalawang Prinsipe para tanggapin ako sa tinitirahan nila.

Ayon din sa kaniya ay ginayuma ko ang dalawa at napakapangit pa ng ugali ko, kasing pangit daw ng itsura kong mukhang inuuod na bangkay.

Sa totoo lang ay noong marinig ko ito ay hindi ko mapigilang mapatawa habang napahilot naman ang dalawang Prinsipe sa noo nila.

Talaga namang sakit sa ulo ang babaeng iyon ngunit hangga’t wala siyang ginagawang ikakapahamak ako ay hahayaan ko siyang maglaro.

“ Lady Csilla… ” Napatingin ako sa likod ko nang marinig ang pagtawag ng kung sino sa pangalan ko, sa loob ng apat na buwan ay buong respeto ang nakukuha ko mula sa mga tao dito sa Mansion at hindi lang iyon, nagbaba ng utos ang dalawang Prinsipe na huwag titingin sa mukha ko at para makasigurado ay nagsabi din silang magsuot ako ng maskara, malaking kalokohan o walang silbi man para sa lahat pero naiintindihan ko kung bakit nila sinabi iyon.

Matapos kasi naming makabalik mula sa gubat na pinanggalingan ko ay sa bawat araw ay may nagbabago sa akin, sa itsura ko.

Lalong gumaganda ang balat ko at maging itsura kaya naman lalo lang akong natatawa dahil sa mukhang pinapakita ni Lady Carlos tuwing nakikita ang mukha ko at may mga butlers at kawal din ang halos mawalan ng dugo ng makita ako.

Hindi ko alam kung dapat ko ba itong katuwa o ano pero dahil sa nangyayari magandang magsuot na ngalang ng maskara. Ang maskarang suot suot ko ay kulay puti at ang paligid nito ay may mga dyamante.

Gusto ko nga sanang ipatanggal iyon ngunit halata namang wala akong laban sa dalawang Prinsipe kaya hinayaan ko nalang at binawasan nalang ang pakikipag ugnayan sa ibang tao.

Kasalukuyan na akong naglalakad papasok ng Mansion dahil ayon sa katulong na tumawag sa akin kanina ay pinapatawag ako ng magkapatid na Prinsipe at mukhang may kinalaman ito sa isang banquet na gaganapin sa palasyo sa susunod na linggo.

Nang makarating ako sa tapat ng opisina ay hindi na ako kumatok lalo na at sinabihan ako ng dalawa na hindi ko na iyon kinakailangang gawin dahil ito ay opisina ko na rin.

Nadatnan ko ang dalawang Prinsipe na nakaupo sa mahabang sofa at mukhang hinihintay nga nila ako.

Agad kong tinanggal ang maskarang suot suot ko at umupo sa harap nila, agad namang itinuon ng dalawang Prinsipe ang atensyon sa akin.

" You need something? Valor? Galien?  " Tanong ko, siguro sa nakalipas din na apat na buwan natutunan ko na silang tawagin sa ikalawa nilang pangalan, hindi na din masama dahil kahit hindi karespe-respeto ay nais ko sanang maging pantay kaming tatlo kahit bilang magkakaibigan lang gaya ngayon.

" I know you've heard the banquet that will happen on the Palace next week… " Panimula si Valor, ang ikapitong Prinsipe na ikanatango ko naman at bigla niyang nilapag sa harap ko ang isang envelop.

I'm invited, I guess.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon