Chapter 7

8.1K 368 7
                                    

Hindi ko alam kung nasaan na ako dahil ang alam ko lang, nakatulog ako kanina habang umaandar ang sasakyang kinalalagyan ko pero isa lang ang alam ko at iyon ay nakaalis na ako sa Mansion at sisiguraduhin kong hinding hindi na ako babalik pa dahil ayaw kong maulit ang nangyari noon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang kaiisip. Napakislot ako sa pagkakatulog nang marinig ang matinis na sigaw.

Napabangon ako at sumilip sa labas, nagulat nalang ako ng may makasalubong ng tingin kasabay noon ay ang pagbukas ng sasakyan at tumambad sa akin ang isang binatang lalaki na nagtatakang nakatingin sa akin.

Akmang hahawakan niya ako ng agad akong tumalon at nagtatakbo, narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi na ako lumingon pa at nagpatuloy sa pagtakbo.

Napatigil ako sa isang poste dahil sa pagod saka naalalang nasa katawan ako ng isang magpipitong taon na bata kaya naman siguradong mahina ang katawan ko.

Nang tuluyang nakapahinga saka ako nagkaroon ng pagkakataon na ilibot ang buong tingin sa paligid at ganon nalang ang gulat ko nang makita ang buong paligid.

Mga nagtataasang gusali, masaya at makulay na paligid.

Malayong malayo sa kinagisnan kong lugar dahil nakakasiguro akong mas maunlad ang lugar na kinalalagyan ko ngayon at kung iisiping mabuti isang kaharian lang ang may maunlad na pamumuhay sa iba pang mga kaharian.

Ang kaharian ng Neospal kung saan moderno ang lugar na ito na siya namang kinaiinggitan ng iba pang Kaharian.

Marami akong nabasang libro tungkol sa kahariang ito kung saan angg kaharian na ito ay mayaman sa agrikultura maging sa teknolohiya.

Ngayon na nandito ako ay masasabi kong totoo nga ang mga nasa libro at mas higit pa ito sa inaakala ko.

Muli kong inilibot ang paningin hanggang na nakaramdam na ako ng gutom kaya naman humanap ako ng mabibilhan ng pagkain.

Napadpad ang tingin ko sa isang maliit na tindahan at may mga larawang nakadikit sa bintana nito ngunit halatang walang pumupunta dito. Agad akong pumasok at sumalubong sa akin ang amoy ng tinapay.

Napatingin ako sa isang gilid at nakita ang isang matandang babae na natutulog, mukhang siya ang may-ari ng lugar na ito.

Mukhang naramdaman nito na may ibang tao at nagmulat ng mata. Kita ko kung paano siya nagulat nang makita ako at nagtaka nalang ako ng tumayo ito at pumasok sa isang pintuan.

Akmang susundan ko na ito ng lumabas ito at may hawak hawak na isang supot. Lumapit ito sa akin at binigay iyon, tinanggap ko naman iyon saka tinignan.

Nagulat nalang ako ng makitang may laman itong mga tinapay at isang bote ng tubig. Nagtataka akong tumingin sa kanya at bigla nalang siyang ngumiti sa akin.

“ Alam kong gutom ka, sa iyo na yan. ” Saad niya at muling bumalik sa kinauupuan niya.

Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng init. Init na matagal kong hindi naramdaman, isang tunay na init mula nang bumalik ako sa nakaraan.

Ramdam ko din na wala siyang kahit anong galit sa akin kundi isa lamang siyang mabait na matandang binigyan ako ng tinapay at tubig ng walang hinihinging kapalit.

Lumapit ako sa kanya at inilagay sa kamay niya ang isang alahas na ikinagulat niya at nagtatakang tumingin sa akin. Nginitian ko rin siya bago magsalita.

“ Sa inyo na po ito, isangla niyo po at ipaayos ang lugar na ito. Maraming salamat po. ” Saad ko at hindi na siya hinintay na magsalita pa saka dali daling lumabas.

Siguradong pag isinagla niya iyon ay malaki ang magiging kapalit at malaki ang maitutulong noon sa kanya. Muli akong naglakad at humanap ng isang tagong lugar upang kumain.

Tahimik akong kumakain nang makaramdam na may nakatingin sa akin at nakita ko ang tatlong bata, isang babae at dalawang lalaki na nakatingin sa akin, o sabihin na nating nakatingin sa kinakain ko.

Madumi sila, sira sira na ang mga damit at siguradong matagl na silang hindi nakakakain depende sa tingin na meron sila sa pagkain.

Naglabas ako ng tatlong tinapay at kumaway sa kanila papalapit.

Nagdadalawang isip man ay lumapit sila sa akin at agad na kinain ang inalok kong tinapay.

Magagaya kaya ako sa kanila?

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon