EPILOGUE

6.4K 215 19
                                    

Nakatanaw ako mula sa malayo habang hinahaplos ang balahibo ni Dagit na siyang mukha din namang masaya sa ginagawa ko.

Unti unti ay kumurba ang ngiti sa labi ko habang naaalala ang mga nangyari sa akin mula noong umalis ako sa puder ng dati kong pamilya at wala ng sakit o lungkot akong narramdaman.

Mukhang nailabas ko na ata lahat ng sama ng loob na meron ako ngunit nananatili pa ding nakatago sa lahat ang tunay kong pinagdaanan.

Mabuti na lamang at hindi nila ako tinatanong pa pero alam ko ding naman na hindi ko din ito maitatago habang buhay kaya naman mas magandang sabihin ko na din sa kanila lahat sa lalong mas madaling panahon.

Mula sa pag iisip ay napabalik ako sa sarili ng maramdaman ang kung sinong papalapit sa akin. Hindi nga ako nagkamali ng makita ang kambal na papalapit sa akin, kasabay ng pagbabago ng lahat ay siyang pagbabago nila.

Mas lalong lumabas ang pagkabinata nila at inaamin kong mas lalo akong nabihag ng anyo nila maging sa mga pinakita nila sa akin.

Naramdaman ko ang tinatawag na pag-ibig.

" Lady Adrastea. " Malokong tawag ni Valor habang umaktong yumuko pa na ikinatawa ko dahil iyon lagi ang ginagawa niya tuwing nakikita niya ako.

Natatawa din ako pero mas nahahabag ako dahil ang gaya niyang maharlika ay hindi dapat yumuyuko sa isang tulad ko.

" How's your day? " Tanong ni Galien at inagaw sa akin si Dagit na tila hindi nagustuhan ang ginawa niya.

" Maayos naman. Kayo ba? " Tanong ko pabalik at hinayaang ayusin ni Valor ang mga takas kong buhok.

" You know we're busy for your birthday. " Sagot ni Vlor na siya namang ikinasimagot ko.

Sa kabilang buwan na ang kaarawan ko, 18th birthday to be exact.

Hindi nila nilihim sa akin ang plano nila sa kaarawan kong iyon ngunit kahit anong pagpigil ko sa kanila ay hindi umeepekto.

Alam kong importante din ito sa buhay bilang isang babe ngunit hindi naman kailangan na enggrande pero may magagawa pa ba ako?

Syempre, wala.

" Whether you like it or not, it will continue. " Saad ni Galien ng makita ang nakasimangot kong mukha at napabuntong hininga nalang ako.

" Fine. Fine. You said so. " Saad ko na lamang at muli ay ngumiti.

Sa mundong ito, merong Valor at Galien, merong kambal na laging nakasuporta sa akin at sana hindi sila bawiin.

Muli ay lumipas ang mga araw at kasalukuyan ay kaarawan ko na, ganap na labing walo na ako.

Sa harap ng salamin ay naroroon ang isang magandang babae na may ngiti sa labi, hindi ako nagbubuhat ng bangko ngunit talagang napakaganda niya lalo na at bakat na bakat sa mukha niya ang kasiyahan.

Sino bang hindi magiging masaya?

Matapos titigan ang sarili sa salamin ay napatingin naman ako sa pintuan ng bumukas iyon.

Agad ay bumungad sa akin ang Hari at Reyna na may masayang ngiti sa labi, alam kong masaya din sila para sa akin.

Pumasok na sila at pinagmasdan ako ng mabuti habang hindi pa din nabubura sa labi nila ang mga ngiti.

" You're so gorgeous, Hija. " Saad ng Reyna na bahagyang ikinamula ko pa.

" Salamat po. " Saad ko at binigyan sila ng ngiti.

" Are you ready na ba? " Tanong ng Reyna na dahan dahan ko namang ikinatango.

Kahit kinakabahan ako at kung ano ay handa na ako, gusto ko ng makita kung ano ang nasa labas, gusto kong makita ang kambal.

" Let's go? " Saad ng Reyna na ikinatango ko.

Muli ay tumingin ako sa salamin at bahagyang napatitig sa mga mata ko ng mapansin na tila may nagbago doon ngunit hindi ko mapunto kung ano.

" Csilla? " Napabalik ako sa sarili at pinagsawalang bahala na lamang ang nakita saka lumapit na sa Hari at Reyna.

Nagsimula na kaming lumakad at itinapon sa likod ng isip ko ang nakitang pagbabago kanina.

Gabay nila akong dalawa pababa hanggang sa marating namin ang malaking pintuan at nagsimula na naman akong kabahan ng sobra ngunit mas nangingibabaw ang saya.

Napatingin ako sa Reyna ng bitawan niya ako at umatras sila ng Hari, nagtataka ko silang pinagmasdan ngunit nginitian lang nila ako.

Magsasalita palang sana ako ng bumukas ang malaking pintuan, saktong pagtingin ko ay ang pagtutok ng maliwanag na ilaw sa akin na siyang ikinapikit pikit ko pa.

Habang nakapikit ay napakatahimik ng paligid hanggang sa unti unti ko ng naidilat ang mga mata ko at natanggap ang liwanag.

Noong una ay medyo malabo pa hanggang sa unti unti itong luminaw, naglakad ako pauna at doon ay tuluyanng nakita ang madaming bisita na nakatingin sa akin.

Napakaganda din ng paligid at talaga namang napaghandaan ng sobra ang lahat lahat.

Inililibot ko pa ang tingin ko hanggang sa matigil iyon sa dalawang lalaking nasa unahan at nakatitig sa akin ng mabuti.

Parehas silang nakasuot ng puting uniporme na pang Prinsipe na talaga namang ikinagwapo nila lalo na ang ngiti sa labi nila na alam kong para sa akin lang.

Dahan dahan ay bumaba ako ng hagdanan habang nakatitig sa dalawang lalaking malaki ang parte sa buhay ko.

Maaaring naging mapait ang una kong buhay ngunit binigyan ako ng ikalawang pagkakataon na mabuhay muli at hindi lang iyon dahil binigyan pa ako ng mga makaksama sa buhay na ito.

Biniyayaan ako ng mga taong handa akong mahalin at manatili sa tabi ko, malaki ang pasasalamat ko dahil doon.

Habang pababa ay tila bumabagal din ang ikot ng mundo, dama ko din ang kakaibang tibok ng puso ko.

Hindi ko masabi kung masaya ba ito o kung ano ngunit pakiramdam ko ay may mali.

Unti unti habang papalapit ay nagbabago ang imahe ng lahat ng nakikita ko.

Ang magandang palasyo ay naging isang nakakatakot na kagubatan.

Ang mga taong nakasuot ng magagandang damit ay naging mga taong nakikita ko sa bayan habang may poot sa mga mata.

Ang dating malinis na nilalakaran ko ay naging kalsada na madaming basura.

Ang dating maganda kong damit ay napalitan ng madumi at sira sirang damit na hindi na malaman kung ano ang tunay nitong kulay.

Ang dalawang lalaking minamahal ko ay napalitan ng mga gwardiyang pumugot ng ulo ko.

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon