“ Hmmm… Ang cute cute mo talaga! ”
“ Napakaganda mo Young Lady! ”
Rinig ko ang mga kagikhikan na nanggagaling sa likod ko at nagtataka. Nasa langit na ba ako?
Pero bakit ‘My Lady’ ang tawag nila sa akin kung ganoon?
Dala ng pagtataka ay iminulat ko ang aking mga mata pero isang kulay pulang mata ang sumalubong sa akin at hindi ko mapigilang mapaigtad sa kinalalagyan.
Ang mga matang iyon ay kulay pula at punong puno ng kasiyahan at liwanag na para bang hindi nababahidan ng dumi ng mundo.
Inosente at walang kaalam alam pero nagulat nalang ako ng ang mga matang kanina ay puno ng liwanag at saya ay bigla na lamang nabalutan ng lungkot at pighati.
Nagulat din ako dahil kasabay ng pagtulo ng mga luha galing sa mga matang iyon ay ang siyang pagdaloy ng isang mainit na likido sa pisngi ko at hindi ko napigilang hawakan ang mukha.
Kasabay ng paghawak sa mukha ay ang tuluyang paglabas ng mga hagulgol at hikbi na punong puno ng sakit at lungkot.
Mga lungkot na pilit ibinabaon sa kailaliman ng puso. Mga lungkot mula sa nakaraan at sa mga susunod pang mga araw.
Hikbing punong puno ng pagsisisi at takot maging pagkaduwag.
Ramdam ko ang pagkaratanta ng mga tagapag alaga na nasa likuran ko ngunit pilit akong nilalamon ng pighati at hindi mapigilan ang pagbuhos ng mga luha na wari mo ay isang tubig sa punong punong baso.
Patuloy pa rin ang pag-iyak ko hanggang sa naramdaman ko na lamang ang isang yakap. Isang yakap na pinagkait sa akin kahit na lumuhod pa ako, ang yakap na minsang nagpapainit sa malalamig na gabi ngunit ito din ang yakap na nakapagpapaalala sa akin ng nakaraan na kahit anong gawin ko ay hinding hindi ipapadama sa akin.
Lalong bumuhos ang mga luha ko.
Mas masakit, masakit na kung ang bagay na araw araw mong inaasam ay hindi ibinigay pero mas masakit kung ang yakap na labis mong ipinagmakaawa ay ibinigay na sayo ngunit wala na itong ibang dala kundi sakit, lungkot, takot at mga ala-alang labis nang nakabaon sa isipan mo.
“ Shhhh… Don’t cry, don’t cry baby… ” Malambing na pagpapatahan nito sa akin ngunit hindi ko maramdaman ang saya kundi lungkot lamang at sakit.
“ Shhh don’t cry, I’m here baby… I’ll protect you so stop crying na. ” Dagdag nito.
Nandito? Pero nasaan ka ng kailanganin kita? Poprotektahan? Nasaan ka noong galit ang mundo sa akin?
Hindi ba ay nakatayo ka lamang sa isnag tabi habang nakatingin kung paano ako patawan ng bitay habang may mga galit na nangniningning sa mga mata mo?
Nasaan ka nung kailangan ko ng init mula sa malamig na bangungot? Nasaan ka nung umiiyak ako dahil sa ipagtabuyan ako ng lahat?
Nasaan ka nung pilit akong lumalaban pero pauli ulit ding talunan? Nasaan ka noong kailangan ko ang pagkalinga ng isang ‘Ina’?
Wala ka… wala ka…
Sumuko na ako eh, tanggap ko na. Alam ko na pagkakamali ko ang lahat kaya nga bumitaw na ako eh. Hindi na ko lumaban pa pero bakit?
Bakit ako bumalik sa nakaraan? Bakit binigyan pa ako ng pagkakataon na mabuhay ulit kung sumuko na naman ako? Bakit pa ako nagbalik kung pagod na pagod na ako?
Ganon na lang ba kalaki ang kasalanan ko? Para iparanas sa akin ang masalimuot na nakaraan?
-----🌟
Here's the first chapter that you're waiting for!
Enjoy!🌟
BINABASA MO ANG
REBIRTH of the VILLAINESS🌟
FantasiaKung may kakayahan ka na baliktarin ang oras at bumalik sa nakaraan, anong babaguhin mo? Anong gagawin mo kung may pagkakataon kang ibahin ang daloy ng itinadhana sayo? Paano kung ang pagbabagong gusto mo ay kabaliktaran ng mga nangyayari? Paano kun...