MJTL: Chapter II

162 2 0
                                    

Nagpatuloy ang panliligaw ni Mico sa akin. Walang sawang panunuyo ang ginagawa niya. Puro saya at kilig lang ang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya.

Kring. Kring.

"Hello Mico". sabi ko.

"Jen, dito na ako sa parking ng office niyo. Wait kita ah. Kumain ka na? Kain muna tayo bago kita ihatid sa bahay mo. Please. Bigla kasi akong ginutom. Ok lang ba?" tanong ni Mico.

"Sige, saglit na lang. I-turn off ko lang PC ko tapos labas na din ako. May sandwich ako dito, kainin mo muna pansamantala para maibsan yang gutom mo. Bakit ka naman kasi nagpakagutom?" pang uusisa ko.

"Nagmeryenda naman ako kanina, ewan ko ba kung bakit ako biglang nagutom. Pero baka pag nakita kita baka mabusog na ulit ako. Haha." biro niya.

"Anong tingin mo saken? Kanin at ulam? O sige na, lalabas na ako. Punta na ako dyan."

Halos araw-araw akong sinusundo ni Mico sa opisina, kahit na minsan nag'oovertime ako e hinihintay niya padin ako.

"O eto na sandwich mo. Kainin mo na yan para di ka magka'ulcer."

"Wow. Thank you. Sabi ko nga kanina, makita lang kita busog na ako. Pero mukang masarap yang sandwich mo kaya kakainin ko nato. Hahaha."

Wala pang ilang minuto ubos na niya yung sandwich na binigay ko.

"Well, nabusog ka pala nung nakita mo ako ah?! E bakit parang dinaanan ng bagyo yung sandwich ko?"

Sabay kaming nagtawanan.

"Mic, gutom na gutom kana ba talaga? gusto mo sa bahay ka na lang kumain. Magluluto na lang ako ng ulam na madaling lutuin. Para tipid."

"Sige. Para na rin makasama kita ng mas matagal. Tutal wala namang pasok bukas dahil sabado. Kahit siguro late na ako umuwi mamaya. Good idea."

"Ok. Ikaw bahala. Promise madaling luto lang gagawin ko para makakain kana. Mukang gutom kapa e. Hahaha."

After ng 30 minutes drive on the way home, nakadating na din kami sa wakas. Nagbihis ako agad para makapagluto na at ng makakain na kami ng hapunan.

"Marunong ka pala talaga sa mga gawaing bahay no. Lalo na yung pagluluto. Swerte naman ng magiging boyfriend mo. Swerte ko naman. Hahahaha." sabi ni Mico.

"Hahahaha. Wag masyado assuming oy. Pero swerte mo nga." biro ko.

"Next weekend dun ka naman sa bahay turuan mo naman ako magluto, please?" request niya.

"No problem. Your wish is my command".

Pagkatapos naming makakain at saglit na kwentuhan, e nagpaalam na din si Mico para umuwi.

"Ingat ka sa pagddrive mo ha. Wag kana muna magtext. Pag nakauwi kana lang sa bahay. Ok?" bilin ko.

"Opo mam! Kayo po ang masusunod. Magpahinga kana din, magtext na lang ako kapag nakarating na ako sa bahay. Tandaan mo, mahal na mahal kita Jen" sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Sige na. Ingat ka ha." sabi ko.

Ganyan kaming dalawa. Kahit na hindi ko pa siya sinasagot ng "mahal na mahal din kita" e patuloy parin siya sa pagsuyo sa akin. Gusto ko kasing maging memorable yung araw na sasagutin ko siya ng matamis kong OO. At syempre gusto kong sigurado ako sa nararamdaman ko para sa kanya.

A day before his birthday. Gusto ko siyang sorpresahin sa araw ng kapanganakan niya. Nagplano kami ni May ng maliit na salu-salo kasama mga barkada niya. Sana maging matagumpay kami. Kinuntsaba ko nadin si Nay Nita, kasambahay ni Mico, siya na ang nag'alaga kay Mico simula pagkabata. Kasi sa sobrang busy daw ng mga magulang niya sa trabaho at pagpapalago ng negosyo e hindi na sila na'aasikaso masyado. Pero kahit wala man ang parents at kapatid niya e sana mapasaya ko siya sa paraang alam ko.

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon