MJTL: Chapter XV

54 2 0
                                    

Nathan's POV

Kasi mahal kita.

Hindi ako makapaniwala, nasabi ko na sa kanya. First time yun ah. Pero hindi ko naman nagawa ang dapat, ang plano ko kasi hahawakan ko ang mga kamay niya at tititigan ko siya sa mga mata niya. Kahit kailan talaga Nathan wrong move ka.

Hindi siya nagreact. Hindi ko alam kung ano ngayon ang tumatakbo sa isip niya. Pasaway ka kasi Nathan. Bakit mo kasi sinabi agad, tapos ngayon tameme ka, ni hindi mo siya makausap. Ano ka ngayon Nathan? Isa ka ng estatwa.

Hindi na siya nagsalita. Inilagay niya na lang ulit ang ulo niya sa aking balikat. Hawak hawak padin niya ang isang pirasong chocnut at bulaklak ng santan na pinitas ko kanina. Alam kong kahit papaano napangiti ko siya at napahalakhak ko pa nga. Sana dumating ang araw na ako na ang magpapasaya sa kanya, sana dumating ang araw na ako naman ang piliin niya. Alam kong ngayon e nahihirapan padin siya pero dinagdagan ko pa. Hindi ko naman siya minamadali e, hindi ko naman kailangan agad ng sagot niya. Ang gusto ko lang e marinig niya mula sa akin na mahal ko siya at nandito ako para sa kanya.

--

Nakatulog din pala ako kakaisip sa ginawa ko kanina. Pagmulat ko tulog nadin sila. Si Jen gising pero sa malayo nakatingin.

"Sorry." sabi ko.

"Saan?" sagot niya.

"Sa nasabi ko kanina?"

"Na mahal mo ako?"

"Oo. Hindi kita gustong mabigla pero hindi ko na kasi kayang pigilan."

"Ok lang. Pero Nathan alam mo namang..." pinutol ko ang pagsasalita niya.

"Alam ko. Alam kong si Mico padin ang mahal mo. Maghihintay ako. Maghihintay ako sayo. Hanggang sa handa ka ng mahalin din ako. Pero sana hayaan mo akong mahalin kita. Hayaan mong iparamdam ko sayo na nandito ako palagi sa tabi mo, na ako ang Superman mo." sabi ko.

Ngiti lang ang sagot niya. Ngiti niya lang e sapat na.

"Sana walang magbago, sana ganito padin tayo. Yung walang ilangan kahit na umamin na ako sa lihim ko." sabi ko.

Tumungo lang siya. Oo ang sagot niya. Sana nga walang magbago. Sana nga ok padin kaming dalawa.

--

Nandito na kami sa resthouse nila Paul sa Ilocos. Tabing dagat ang bahay kaya ang romantic kung dito ako umamin, kaso hindi na ako nakapagpigil kanina. Sayang.

"Guys pasensya na ah. May kalumaan na ang bahay, matagal na kasing hindi ito napupuntahan." sabi ni Paul.

"Ayos lang Paul. Astig nga e." sabi ko.

"Magpahinga na muna tayo, bukas ng umaga na tayo magsimula, anong oras na din kasi. Nga pala may apat na kwarto dito, meaning tig-iisa tayo. One for each couples." sabi ni Paul.

Napanganga na lang ako pero natuwa naman ang puso ko.

Jen's POV

Ang ganda at ang romantic ng resthouse nila Paul. Pangarap kong magkaroon nito dati. Sabi ko balang araw magpapatayo ako ng isang maliit na bahay sa tabi ng dagat para sa magiging pamilya ko.

"Guys pasensya na ah. May kalumaan na ang bahay, matagal na kasing hindi ito napupuntahan." sabi ni Paul.

"Ayos lang Paul. Astig nga e." sabi ni Nathan.

"Magpahinga na muna tayo, bukas ng umaga na tayo magsimula, anong oras na din kasi. Nga pala may apat na kwarto dito, meaning tig-iisa tayo. One for each couples." sabi ni Paul.

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon