MJTL: Chapter III

127 3 0
                                    

"Si Mico talaga o. Minsan kulang sa logic e. Bakit ko din naman kasi siya pinahirapan? Pwede ko naman isulat dun e OO. Hay talaga naman" sabi ko sa sarili ko.

Dali dali kong kinuha ang celphone ko para tawagan siya. Pero hindi siya sumagot. Sinubukan ko ulit. This time sumagot na siya. Salamat naman.

"Mic, gusto ko lang sabihin na...." pinutol niya ang pagsasalita ko.

"Naiintindihan kita". malungkot na sabi niya.

"Pero Mic, mali yung pagkakaintindi mo sa sulat ko." pagpapaliwanag ko.

Maya-maya nagulat na lang ako na nasa harap na ulit siya ng gate namin. Nakatitig at nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero mukang niloloko ata ako nito ah.

"Anong nginingiti mo dyan Mico Garcia?" tanong ko.

"Wala. Bakit masama bang ngumiti?" sagot niya.

"Hindi. Yung sulat kasi na binigay ko. Ano kasi. " sabi ko.

"Hahaha. Wag ka nang magpaliwanag. Alam kong hindi NO ang nakasulat dun. Kaya bumalik ako. Hahaha."

"E bakit ganun ang text mo sa akin?"

"Gantihan lang. Galing mo umarte sa birthday celebration ko e. Syempre hindi ata ako papatalo. Best actor ata to. Hahaha."

Langya. Naloko ako ng mokong na to ah.

"Grabe ka. Papatayin mo naman ako sa nerbyos e. Akala ko talaga hindi mo nagets yung sulat ko e."

"Nung binigay mo kasi yung sulat, alam kong iyon na ang sagot mo sa tanong ko. Alam kong OO ang sagot mo kaya nung nabasa ko na NO sabi ko sa sarili ko hindi to maari, ipaglalaban kita. Pero binaliktad ko yung sulat tapos ON ang lumabas, kahit hindi ako sigurado e nag'assume na ako na yung sinulat mong ON e katumbas na ng matamis mong OO. Lalo pang lumakas ang loob ko nang tumawag ka para magpaliwanag tungkol sa sulat." sabi niya.

Ngiti lang ang naisagot ko sa mahaba niyang paliwanag. Ngiting hindi ko na maalis dahil nasa harapan ko na yung lalaking mahal na mahal ako at syempre mahal na mahal ko.

"Ngingitian mo lang ba ako dyan?!" tanong niya.

"Bakit masama din ba ang ngumiti?" sagot ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Yakap na sobrang higpit na halos hindi na ako makagalaw sa pagkakatayo ko. Pagkatapos, nilapat niya ang mga labi niya sa noo ko. Mga ilang segundo din ang itinagal nun dun. Kinilig naman ako.

Magkatitig kami nang nakangiti sa isat'isa. Halos ayaw namin magsalita at gusto lang namin namnamin ang nangyayari sa aming dalawa . Hindi kami parehas makapaniwala na magiging kami. We are officially IN A RELATIONSHIP. At syempre ako naman e ehem, sa wakas hindi na ako SINGLE.

"Mahal na mahal kita Jen." binasag ni Mico ang katahimikan naming dalawa.

"Mahal na mahal kita. Tatandaan mo yan. Hindi mo alam kung paano mo ako pinapaligaya araw-araw. Binigyan mo ng direksyon ang buhay ko. Salamat dahil pinagkatiwalaan mo ako na mahalin ka. Hinayaan mo akong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Hindi ako mangangako sayo pero sisiguraduhin kong mamahalin kita ng buong-buo. Hindi mo pagsisisihan na sinagot mo ako. Mahal kita." dagdag pa niya.

"Salamat din Mico. Hindi mo din alam kung anong impact mo sa buhay ko. Simula ng ipinakilala ka ni May sa akin, nagustuhan na kita. Ang bait mo kasi tsaka ang dali mong pakisamahan, tsaka atin atin lang to ah, ang gwapo mo kasi. Hahaha. Pero seryoso, akala ko isnabero ka at mayabang. Yan kasi ang itsura mo. Sabi ko nung una malabo ata na maging tayo kasi naman parang napakaperpekto mong tao. Lahat na na'sayo at malabong magkakagusto ang isang tulad mo sa tulad ko. Pero hindi ko inakala na magugustuhan mo din pala ako. Salamat dahil pinaramdam mo sa akin na sobrang mahal mo ako, na importante din pala ako sa mundong ito. Akala ko kasi si May lang ang magmamahal sa akin. Salamat Mico ah. At mahal na mahal na mahal na mahal din kita higit pa sa inaakala mo" sagot ko sa kanya na may kasamang pagtulo ng luha.

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon