MJTL: Chapter VII

97 2 0
                                    

"The best way not to get your heart broken is to pretend you don't have one." - Charlie Sheen.

Isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho. Overtime ako palagi tapos yung tipong uuwi ako ng bahay na pagod na pagod para matutulog na lang ako. Ginagawa ko yon para hindi ko na maisip si Mico, kapag nakahiga na kasi ako at hindi pa makatulog e naiisip ko lang siya. Naiisip ko lang ang lahat na nangyari sa aming dalawa.

Nung una, galit ang naramdaman ko sa nagawa niya. Nagalit ako sa kanya dahil sinaktan niya ako at iniwan akong mag-isa. Ang tanging gusto ko lang noon, e ang iparamdam din sa kanya ang lahat ng hirap at sakit ng isang iniwanan.

Pero unti-unti ko ding naintindihan ang lahat. Alam kong minahal talaga ako ni Mico at naging importante ako sa kanya, pero kapag pamilya na kasi ang pag-uusapan syempre yun ang dapat inuuna. Alam kong kahit kailan hindi ako mananalo sa mommy niya. At alam ko ding pamilya niya ang higit na importante sa kanya.

Unti-unti ko naring natatanggap na kasal na siya, kasal na siya kay Steph. Ang nag-iisang perpektong babae para sa kanyang ina. Ang babaeng perpekto rin sa paningin ng iba. Maski kasi ako humanga sa kanya. Isa kasi siyang babaeng mabait, matalino, successful at maganda.

Sinasabi ko na lang sa sarili ko na 'Tama na, magpahinga kana. Balang araw may dadating na kapalit. Balang araw makakahanap din ako ng taong magmamahal sa akin ulit.'

Pero hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa. Sa totoo lang hindi ko alam kung kailan ako magiging handa. Hindi ko pa kayang buksan ang puso ko sa iba. Masyado akong nasaktan at ayaw ko nang maulit pa. Takot na akong magmahal, kasi ngayon alam ko kung paano masaktan. Hindi madali ang aking pinagdaanan. Hindi madali ang naging una kong karanasan pagdating sa salitang pagmamahal.

"Jen, anong oras ka uuwi mamaya? Pwede bang huwag ka naman magpagabi masyado?" sabi ni May.

"Madami kasing trabaho May e, pero sige uuwi ako ng maaga bakit ano bang meron mamaya? Manlilibre kaba?" sabi ko.

"Yan tayo e. Iniwan ka lang nakalimutan mo na lahat pati birthday ng bestfriend mo. Bakit ganyan ka Jen? Wag ganyan, nakakasakit ka ah." sabi ni May.

Naku, oo nga pala. Nalimutan kong birthday niya pala today. Sa lahat kasi ng nangyari sa akin this past few months e parang gusto kong irestart ang buhay ko sa simula.

"Joke lang! Eto naman. Hindi ko nakalimutan. Ikaw pa makakalimutan ko? No way. Kaya nga maaga ako uuwi mamaya kasi birthday mo!." pagsisinungaling ko.

"Ok. Akala ko kasi nakalimutan mo e. Ano bang gusto mong ihanda ko? Dadating kasi mga barkada ni Mike e. Alam mo na sila Nathan. Ano kayang magandang pampulutan?" tanong ni May.

"Kahit ano. Talo talo na yan. Tsaka kahit ano namang iluto mo e tiyak na magugustuhan naming lahat. Sarap mo kaya magluto." pagpuri ko.

"Mas masarap ka saken magluto e. Bakit hindi mo kaya ako lutuan ng kare-kare? The best yon!" pang-aasar ni May.

"Matagal na akong hindi nagluluto non. At hindi ko alam kung masarap pa akong magluto ng kare-kare. Kaya please lang wag mo nang banggitin yang ulam na yan kung gusto mo akong umuwi na maaga ok?!" sabi ko kay May.

"Hahahaha. Bitter ka talaga kahit kelan."

"Ikaw ba naman ang iwanan, hindi kaba magiging bitter? Hahaha." sabi ko kay May.

"O basta mamaya, umuwi ka ng maaga ah." sabi ni May.

"Oo uuwi ako kasi lalaklakin ko lahat ng alak dito. Hahahaha." biro ko.

"At kelan kapa natutong umiinom? Baka isang bote pa nga lang tulog kana e."

"Mamaya, makakadalawang bote ako."

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon