MJTL: Chapter XIII

82 2 0
                                    

Jen's POV

"Napapansin mo bang parang iba sayo si Nathan?" tanong ni May.

"Anong iba?" sabi ko.

"I mean, iba ang treat niya sayo. Hindi ba siya nanliligaw?" tanong niya.

"Nanliligaw? Hindi. Walang panliligaw na nagaganap. Close lang kami pero wala talaga."

"Hindi mo ba nararamdaman sa mga kilos niya? Sa mga ginagawa niya para sayo?"

"Minsan." tipid na sagot ko.

"Anong minsan? Napakatipid mo namang sumagot."

"Sweet siya sa akin, pero parang natural lang naman yon sa kanya. Tinatawagan niya ako, tinetext, kinakamusta palagi."

"At wala kang nararamdaman sa mga ginagawa niya?" tanong niya.

"Wala."

"Wala kang nararamdaman o pinipilit mong walang maramdaman? Kasi magkaiba yon." sabi ni May.

"May! Alam mo namang.."

"Ano si Mico na naman. Pwede ba, kailan mo ba siya makakalimutan? Hindi na siya babalik Jen. Gumising ka na. Buksan mo ang puso mo sa iba." sabi ni May.

"Ginagawa ko naman. Kinakalimutan ko na si Mico." sabi ko.

"Sana nga Jen, ginagawa mo ang sinasabi mo."

"Pinipilit ko May."

"Si Nathan ano ba siya sayo?"

"Sobrang malapit na kaibigan." sagot ko.

"Special?!" pang-uusisa ni May.

"Siguro." sabi ko.

"Gusto kitang maging maligaya Jen. Masarap magmahal diba? Huwag mong ipagkait sa sarili mo ang lumigaya. Huwag mong isipin na pag nagmahal ka ulit e iiwanan ka. Buksan mo ang mata mo, ang utak mo, ang puso mo para sa iba." sabi ni May.

Tama siya. Nakasara nga ang puso ko. Hanggang ngayon kasi takot padin ako. Takot ako sa mga maaaring mangyari ulit kapag nagmahal ako.

Pero pinipilit ko naman e. Pinipilit kong maging masaya. Pinipilit kong kalimutan si Mico. Hindi ko na nga sila pinapansin kapag nakikita ko silang dalawa na magkasama. Nakikipaghalubilo na din ako sa iba. Lumalabas na din ako ngayon at hindi na ako puro bahay at trabaho.

Si Nathan? Napapansin ko din naman lahat ng ginagawa ni Nathan para akin e lalo na yung pagiging Superman niya. Importante na nga siya sa buhay ko e. Kung tama ang iniisip nila May na may gusto sa akin si Nathan, siguro titiyakin ko muna. Baka kasi likas lang talaga yun sa tulad niya. Pero kung totoo, bakit hindi siya magsabi sa akin? Bakit hindi niya masabi sa akin?

Nathan's POV

Minsan iniisip ko nang sumuko. Kasi kahit anong gawin ko pakiramdam ko hindi naman nakikita ni Jen. Hanggang ngayon kasi si Mico padin. Hindi ko alam ang gagawin ko para mahigitan ko ang pagmamahal ni Mico sa kanya. Ang tanong kasi tatanggapin niya ba ako? At handa na ba siya?

Pero hindi niya pa naman alam ang totoo e. Oo pinaparamdam ko pero nararamdaman niya ba? Bakit ba kasi hindi ko masabi sa kanya? E ano kung ireject niya ako? Dapat handa ako. Dapat tanggapin ko kung anong gusto niya. Dapat handa ako sa anumang desisyon niya. Baka kasi naghihintay din siya. Baka kasi hinihintay niya din na magsabi ako sa kanya.

Pinuntahan ko si May at Mike para humingi ng payo. Tinanong ko sila kung panahon na ba para sabihin ko ang totoo sa kanya.

"Dapat noon pa! Dapat dati pa." sabay na sagot ni May at Mike.

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon