MJTL: Chapter XII

71 2 0
                                    

Inihatid na ako ni Nathan sa bahay. Nagpaalam na din siya at hindi na pumasok sa loob. Mabuti na lang dumating talaga si Nathan kagabi kasi kung hindi baka sa lansangan ako pulutin.

"Kamusta ka? Pinag-alala mo kami dito. Mabuti na lang tumawag si Nathan." sabi ni May.

"Ayos na ako. Kanina sobrang sakit ng ulo ko pero pinainom na ako ng gamot ni Nathan." sagot ko.

"Bakit kaba naglasing mag-isa ha?!"

"Ayaw kong makita niyo akong miserable dahil sa kanya. Alam kong sawang-sawa na kayo sa kakaiyak ko ng dahil kay Mico kaya uminom ako mag-isa."

Kinuwento ko kay May at Mike ang mga nangyari kagabi magmula sa simbahan kung saan nakita ko si Mico at Steph pati narin ang nangyari sa amin ni Nathan, kung paano niya ako inaalagaan sa mga oras na hindi ko alam ang gagawin ko sa sarili ko.

"Mabuti na lang talaga at dumating si Nathan." sabi ni Mike.

"Oo nga. Si Superman talaga siya." sagot ko.

"SUPERMAN??!!" sabay na tanong ng dalawa.

"Kailangan sabay talaga?! Superman. Si Superman siya kasi palagi siyang nandyan kapag kailangan ko siya kahit hindi ko inaasahan." paliwanag ko.

"Ah baka stalker." sabat ni May.

"Hahaha. Loko ka talaga Babe." sabi ni Mike sa asawa niya.

"Tingnan mo yang barkada mo Mike ah, baka umaaligid na yan sa bestfriend ko." sabi ni May.

"Hindi. Hindi naman. Magkaibigan lang kami. Tsaka May hindi pa ako ready. Alam mo kung gaano ko kamahal si Mico." sabi ko.

"Hay nako. Pwede bang alisin mo na si Mico sa vocabulary mo?!" sabi ni May.

"Palitan mo ng Nathan!" sagot ni Mike.

"Magkaibigan nga lang kami. Tsaka walang gusto sa akin yung tao. Huwag niyo ng bigyan ng issue yung pagiging mabait sa akin ni Nathan. Kayo talagang mag-asawa!" sabi ko.

"Hindi mo pa mapapansin yan sa ngayon. Pero baka hindi mo namamalayan nahuhulog kana pala sa kanya." sabi ni Mike.

"Malabo." sabi ko.

"Huwag kang magsalita na tapos bestfriend. Try mong buksan ang puso mo sa iba. Para makalimutan mo si Mico."

"Hindi ko alam kung paano ko siya makakalimutan."

"Kaya mo yan. Unti-unti lang." sabi ni May.

"Si Nathan." sabat ni Mike.

"Ano namang meron kay Nathan babe?!" tanong ni May.

"Si Nathan. Baka si Nathan na ang makatulong sayo para makalimutan mo si Mico. Hindi ba siya nanliligaw sayo? O baka isinasara mo ang mata mo dahil ayaw mo?" sabi ni Mike.

"Hindi, hindi nanliligaw si Nathan sa akin. Wala. Magkaibigan lang talaga kami." sagot ko.

"Babe! Paano makakalimutan ni Jen si Mico kung si Nathan ang ipinagduduldulan mo. Hello? Barkada kaya kayong tatlo? Anong akala mo sa bestfriend ko bola na pagpapasa-pasahan nilang dalawa?" sabi ni May.

"Babe, kahit na malapit kami sa isa't-isa, we are different people. Iba-iba kami ng ugali, pagkatao, kung paano kami pinalaki, kung paano kami magmahal ng babae. Hindi kami pare-parehas Babe." sabi ni Mike.

"Pwede ba wag na kayong magtalo dalawa!" sabi ko.

"Mike, hindi nanliligaw si Nathan sa akin. Mabait lang siya kasi naaawa siya sa akin. At May, huwag kang mag-alala hindi na ako papayag na masaktan pa." dagdag ko.

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon