MJTL: Chapter IV

136 3 0
                                    

Anim na buwan na din ang relasyon namin. Anim na buwan na punong puno ng pagmamahalan para sa bawat isa. May mga malilit na hindi pagkakaunawaan pero naaayos naman namin agad.

Pauwi na sana ako galing sa opisina ng makita ko si Mico na nag'aabang sa labas para sunduin ako. Nauna na niya kasing sabihin na hindi niya ako masusundo kasi may bachelor's party daw silang pupuntahan nila Mike at ng barkada niya.

"Kala ko may pupuntahan kayo nila Mike?" tanong ko.

"Ihahatid na muna kita. Susunod na lang ako sa kanila. Hindi naman agad magsisimula ang mga iyon ng wala ako." sagot niya.

"Wow. Special." pagbibiro ko.

"Special talaga ako. Tingnan mo." sabay acting na parang special child.

"Tumigil ka nga dyan. Nakikita ka ni Manong Rey o. Mahiya ka naman. Hahahaha." malakas na tawa ko.

Si Manong Rey ang mabait naming guard sa opisina na lagi akong kinakamusta. Naalala niya daw kasi ang anak niya sa akin. Halos magka'edad daw kami ng anak niya na nasa probinsya ngayon.

"May talent ka pala sir sa pag acting ah." biro ni Manong Rey kay Mico.

"Haha. Magaling kasi yung nagtuturo sa akin Manong." sabay turo sa akin.

"Loko ka. Ako pa dinamay mo sa kalokohan mo."

"Hahahaha." sabay na tumawa si Manong Rey at Mico.

"Manong Rey, mauna na po kami sayo. Uwi na po kami ni Mico." sabi ko.

"Sige mam. Mag-ingat po kayo. Sir Mico, lagi niyong iingatan at mamahalin si mam Jen ah. Napakabait na bata niyan." pagmamalaki ni Manong Rey.

"Lagot ka kay Manong kapag pinaiyak mo ako." dugtong ko.

"Wag po kayong mag'alala Manong Rey. Mahal na mahal ko yan. Hindi po ako gagawa ng ikasasama ng loob at ikalulungkot niyan." sagot naman ni Mico.

Sa loob ng sasakyan, nabanggit ni Mico na ipapakilala na niya ako sa mga magulang niya. Pupunta kami ng province nila, kung kelan, hindi ko alam. As soon as possible daw kasi gusto daw akong makilala ng dad niya.

Hindi na natuloy ang pag-uusap namin tungkol sa pagpunta sa province. Nakadating kasi kami agad sa bahay. Sabi niya mag-uusap na lang daw kami ulit bukas tungkol doon.

Inihatid na ako ni Mico sa bahay. At umalis na din siya kasabay ni Mike papunta sa bachelor's party na dadaluhan nila. Naabutan niya kasi sa bahay kaya isinabay na din niya si Mike.

Sa Bachelor's Party.

Mico's POV

"Kamusta na kayo ni Jen, Mico?" tanong ni Mike sa akin.

"Hindi ko maipaliwanag pare. Ibang iba siya sa mga nakilala kong babae. Hindi ko na papakawalan si Jen. Swerte ako sa kanya." sagot ko.

"In love ka na talaga pare. Yan lang masasabi ko sayo. Tsaka tama ka. Rare nga yan si Jen. Parehas sila ni May, mahirap na humanap ng mga babaeng tulad nila. Kaya dapat good boy tayo. Pero balita ko magaganda mga chicks mamaya ah. Hahahaha." biro ni Mike.

"Hahaha. Talaga pare? Ayos din to si Paul e. Ikakasal na lang e gagawa pa ng kasalanan. Mandadamay pa. Pero isang gabi lang naman diba?. Hahahaha." patol ko sa biro ni Mike.

"Nandyan na mga gwapings!" bungad ni Paul nung dumating kami ni Mike.

"Pare nasan na mga chicks?" tanong ni Mike.

"Nandyan sa loob. Magaganda at sexy ang mga yon. Pero bawal kayong dalawa ah. Isusumbong ko kayo sa mga girlfriends niyo." pananakot ni Paul.

"Baka gusto mong isumbong kadin namin sa magiging misis mo. Hahahaha" sabay na sagot namin ni Mike.

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon