MJTL: Chapter IX

73 2 1
                                    

Nathan's POV

"Si Mico. Para kasing nakita ko si Mico". sabi ni Jen.

Bigla kong naapakan ang preno ng sasakyan dahilan para kami'y biglang napahinto. Nagulat kasi ako sa sinabi niya. Hindi nga siya nagkamali sa nakita niya. Si Mico nga iyon at dumating na pala siya.

"Pero for sure, hindi naman yon si Mico e. Kasi wala naman siya dito diba? Tsaka wala na yon balak bumalik dito. At isa pa e ano naman kung bumalik siya. Kasal na siya." malungkot na sabi ni Jen.

"Namalikmata ka lang kakaisip mo sa kanya, kaya lahat ng nakikita mo e kamukha niya." sabi ko.

"Hindi naman. As much as possible hindi ko na nga siya iniisip e. Kasi alam kong may iba na siya". sabi niya.

"Tapos ikaw nagmumukmok ka pa?!" sabi ko sa kanya.

Nginitian niya lang ako. Tingnan mo itong babaeng ito. Hindi ko alam kung paanong untog ng ulo ang gagawin ko dito e.

"Nathan, thank you sa pagsama ah. Siguradong mahihirapan ako nito pag-uwi kung nagkataon. Ang bigat pa naman nitong batang to." sabi ni Jen habang kalong at mahimbing na natutulog si Jiro.

"Tapos ayaw mo pa ako pagdalahin ng kotse kanina. Bakit ka ba kasi nahihiya sa aken?!" tanong ko.

"Hindi naman sa nahihiya ako pero alam mo yun, nakilala ko lang naman kayo dahil kay Mico. Naging kaibigan ko kayo dahil kay Mico, kaya ngayong wala na kami e parang nahihiya na akong sumama sa inyo." paliwanag niya.

Ayan na naman siya, walang ibang alam banggitin kundi ang pangalan ni Mico. Kailangan ko pa bang isulat sa noo ko ang salitang MAY IBA NA SI MICO para matauhan to.

"Ano ka ba?! Hindi ka na iba sa amin no. Hindi ka na iba sa akin. Tsaka wag mong isipin na porke't wala na kayo ni Mico e hindi na tayo maaaring maging magkaibigan." sabi ko.

"Thank you Nathan ah." matipid na sabi niya.

"Wala yon. Ikaw pa." sabi ko na lang sa kanya.

--

Papalapit na kami ng papalapit sa bahay niya. Parang gusto kong lumiko ulit para mailayo siya. Gusto ko pa kasi siyang makasama. Ewan ko ba pero ang lakas din ng tama ko sa babaeng to.

Ako nga pala si Mark Nathan Cruz. Nathan na lang ang ginamit kong nickname kasi masyado nang common ang Mark. Matagal ko ng barkada sila Mike at Mico. Highschool pa lang magkakasama na kami kasi naman magkakaibigan din ang pamilya namin. Pare'parehas din kaming pogi pero mas pogi talaga si Mico sa aming lahat. Lamang lang siguro ng mga dalawang paligo.

Matangkad din ako, 6" flat. May kawatan naman pero hindi masyadong pang model. Masasabi kong may itsura din ako kasi kahit papaano e hindi ninyo natatanong habulin ata ako. Habulin ng babae pero madalas beki.

Pero seryoso ako kung magmahal. Pag mahal ko mahal ko talaga. Sa totoo nga lang ako pa ang iniiwan ng mga past girlfriends ko. Oo, tama ang nabasa niyo. Ako ang iniiwan at hindi ako ang nang-iiwan. Kaya alam ko din ang pakiramdam ni Jen. Alam ko ang pakiramdam ng iniwanan. Masakit at nakakaiyak na para bang kinusot mo ang mga kamay mo sa mata mo pagkatapos mong magbalat at maghiwa ng sibuyas.

Medyo may pagkakaiba nga lang kami, kasi siya iniwan ng taong mahal niya nang hindi nagpaalam, pero ako harap harapan kong nakikita na may kasama na silang iba, yun pala wala na kami at sila na. Saklap diba?

Kaya din siguro dumating din sa point na pinaglalaruan ko na ang mga damdamin ng babae. Yung tipong dahil gwapo naman ako e paglalaruan ko lang sila. Para kasing dahil sa mga past relationships ko na iniwan ako e gusto kong makaganti at mang-iwan din. Alam kong mali pero nasaktan kasi ako. Kumbaga ito lang ang naging way ko para maibsan ang sakit na naramdaman ko.

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon