MJTL: Chapter X

54 2 0
                                    

"Anong nangyari sayo Nathan? Sino ang gumawa nito sayo anak?" tanong ni Nanay Emma. Si Nanay Emma ang kasambahay ko dito.

"Wala ho ito. Ayos lang ako." sabi ko.

"Halika dito at gagamutin ko ang sugat mo."

Pinalitan ko ang duguan kong damit at ginamot nadin ni Nanay Emma ang mga sugat ko sa mukha. Kanina hindi ko ramdam ang kirot at hapdi ng mga sugat ko pero ngayon sobrang sakit na nang nararamdaman ko. Inasahan ko ng aabot kami sa ganito. Kilala ko si Mico, alam kong hindi niya gusto ang suntukin ako pero hindi niya lang siguro napigilan ang sarili niya. Paraan niya yon para mailabas ang nararamdaman niya. Alam kong lilipas din ito at maiintindihan din niya ang mga sinabi ko sa kanya kanina.

--

Tanghali na ng magising ako. Nagtext si Jen at nagtatanong kung dun daw ba ako kakain. Oo nga pala, dapat pupunta nga pala ako ngayon sa kanila. Paano ko ipapaliwanag ang mga pasa sa mukha ko? Hindi na lang ako pupunta, pero gusto ko naman siyang makita. Bahala na, magpapalusot na lang ako sa kanya.

"Hi Jiro" sabi ko.

"Hi Tito Nathan! sabi ni Jiro.

"Hi Nath.. O my! anong nangyari sayo? Bakit puro pasa ang mukha mo?" tanong ni Jen sa akin.

"Wala to, meron lang nangyari kagabi."

"Sigurado ka bang ayos ka lang ha? San kaba kasi galing kagabi? Napaaway kaba?"

"May sumuntok kasi sa akin kagabi. Hindi na lang ako pumatol kasi baka lumala pa lalo ang sitwasyon."

"Hindi ka naman susuntukin non kung wala kang ginawa!" sabi ni Jen habang umalis papuntang kusina.

"Wala naman akong ginawa." sabi ko sa kanya.

"Mahal kasi kita kaya may mga pasa ako sa mukha." bulong ko.

"Anong sabi mo Nathan?!" tanong niya. Narinig niya din pala pati bulong ko.

"Wala, ang sabi ko sorry kasi late na ako." palusot ko.

"Hindi ka naman late e. Hindi padin nga ako tapos magluto." sabi ni Jen.

Tok Tok Tok.

Ako na ang nagbukas ng pinto dahil nasa kusina si Jen at nagluluto.

"O bakit nandito na kayo?" gulat na tanong ko kay Mike at May na umuwi na agad galing sa Palawan.

"Nagka emergency kasi kila Paul kaya ayon wala kaming nagawa kundi umuwi na din agad." malungkot na sabi ni May.

"Pero ok na. Kakatawag lang ni Paul. Nag'sorry pa nga e, babawi na lang daw sila ulit next time." sabi naman ni Mike.

"Nasan ang bestfriend ko at ang baby ko?" tanong ni May.

"Nandoon sa kusina, nagluluto si Jen at nandoon din si Jiro pinapanood siya." sabi ko.

Pumunta si May sa kusina para tingnan kung anong ginagawa nung dalawa, susunod na sana ako ng pigilan ako ni Mike.

"Nathan mag-usap nga tayo." sabi ni Mike.

"Bakit?" tanong ko.

"Alam mo bang nandito na si Mico?! Alam na ba ni Jen na nandito?" sabi ni Mike.

"Parang nakita nga namin siya ni Jen kahapon sa mall pero hindi naman kami sigurado kung siya nga iyon." pagsisinungaling ko, hindi ko na sinabi na nagkita kami kagabi.

"Bakit kaya hindi nagpasabi si Mico na nandito na pala siya? Ano isusurprise niya tayo? Tsaka paano kapag malaman ni Mico na sinabi mo na ang lahat kay Jen?" sabi ni Mike.

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon