MJTL: Chapter VIII

70 2 0
                                    

"Nakangiti ako di dahil masaya ako, ngumiti talaga ako para patunayan sayo na itutuloy ko ang buhay ko." - Random Quote.

"Goodmorning Jen!" bati sa akin ni May.

"Goodmorning May, nasaan si Jiro?" sabi ko.

"Kasama ng daddy niya, magbonding daw silang mag-ama sa park."

"Ganon?! E bakit hindi ka sumama? Para bonding kayong tatlo."

"Ayaw ni Mike, sila daw muna para masolo niya daw ang anak niya. Ako lang kasi ang mapapansin nung batang yon kapag sumama pa ako. Nga pala Jen, gusto mong sumama next week sa Palawan?"

"Bakit anong meron?"

"Magbabakasyon! Ano pa nga ba?"

"Wow ha. Pwede namang sa Laguna o sa Batangas lang ah, bakit ang layo naman ng naisip niyong pagbabakasyunan?"

"Hindi naman ako ang nag-isip niyan. Remember Paul? Siya nag'organized nun. Kaya sama kana!"

"Hindi naman kami close ni Paul no, tsaka nakilala ko lang naman si Paul dahil kay Mico. At isa pa anong namang gagawin ko dun? Magmumuka lang akong ewan dun."

"Sumama kana eto naman KJ o."

"Wag na dito na lang ako. Kung gusto mo iwan mo si Jiro ako ang mag-aalaga sa kanya para wala kayong istorbo ni Mike don!"

"Talaga Jen?!!" sabi ni May with matching ngiting hanggang tenga.

"Oo. Nahiya ka pang magsabi sa akin. Alam ko namang yan ang gusto mong sabihin. Diba tama ako?" sabi ko.

"Haha. Actually. Bestfriend talaga kita. I love you. Three days lang naman kami, mabilis lang." paglalambing niya.

"Baka pagbalik niyo may kapatid na si Jiro ah. Nako May!" sabi ko.

"Why not?! Made in Palawan naman. Hahaha." pabirong sabi ni May.

"Ay nako. Bahala ka na nga." sabi ko.

--

"Baby behave kay Tita Mommy ah, may pupuntahan lang si Mommy and Daddy, tapos babalik din kami. Ok ba yon? Be nice and don't give Tita Mommy headaches ok?" sabi ni May sa anak niya.

"Yes po Mommy. Byebye." sabi ni Jiro.

Nagpaiwan talaga ako dito sa bahay. Hindi ko din naman kasi type gumala tsaka isa pa wala din naman akong gagawin dun. Mas pinili ko pa dito sa bahay kasama si Jiro, tsaka balato ko na yun sa dalawa para naman maging masaya ang bakasyon nila don kasi wala silang iniintinding anak. Three days lang naman akong magiging proxy mommy. At isa pa hindi naman din mahirap alagaan itong si Jiro, mabait naman kasi tsaka malambing.

"Tita Mommy?" tanong ni Jiro.

"Yes baby?" sagot ko habang nagtutupi ng mga nilabhan.

"Can we go to mall?"

"Why?"

"Because i want to play there."

"Ok, but it's too early pa baby. Maybe later, you sleep muna then after that we'll go to the mall."

"Yes ok po. I will go to my room now and i will sleep na Tita Mommy. Then i wake up, then we'll go to the mall. Yehey!."

"Kaya you sleep na baby." sabi ko.

Habang mahimbing ang tulog ni Jiro, naglinis muna ako ng bahay namin. Medyo matagal ko na din kasing hindi nalilinisan to dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Habang naglilinis ako, may litratong nahulog sa ibabaw ng cabinet ko. Hulaan niyo kung sino?

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon