MJTL: Chapter XVI

70 1 0
                                    

"Hindi ka ba nagbibiro kanina? Masarap naman yung niluto ko diba? " tanong ko kay Nathan habang naghuhugas ako ng pinagkainan.

"Oo. Ang sarap kaya, napadami nga kain ko e. Actually luto mo lang ang nagustuhan ko." sagot niya.

"Ganun ba? E bakit parang hindi niya naman nagustuhan?" tanong ko. Hindi na ako nagdalawang isip na magtanong kay Nathan.

"Sino? Si Mico?" sagot niya.

"Oo. Si Mico. Hindi niya nga tinikman ang luto ko. Napansin mo?" sabi ko kay Nathan.

"Tinitiis niya lang yon. Alam naman natin parehas na paborito niya yon lalo na ang luto mo." sagot ni Nathan.

"Sa tingin mo bakit niya ginagawa yon?" tanong ko.

"Nagseselos sa atin?" sabi ni Nathan.

"Bakit naman siya magseselos? Unang-una may asawa na siya at pangalawa hindi naman tayong dalawa." sagot ko.

"Oo nga pala, hindi naman tayong dalawa. Hindi naman tayong dalawa kaya wala siyang dapat ikaselos diba?" malungkot na sagot ni Nathan.

Nabigla ata ako sa nasabi ko. Mukhang nasaktan ko si Nathan.

"Nathan sorry sa nasabi ko." sabi ko.

"Huwag kang mag sorry, wala kang nasabing mali." sagot niya.

Hindi na siya nagsalita pagkatapos niyang sabihin yon. Lumabas na siya ng kusina at iniwan akong mag-isa.

Hinanap ko si Nathan sa loob ng bahay para kausapin pero hindi ko siya natagpuan. Siguro nagpapalipas din ng sama ng loob ng dahil sa nasabi ko kanina. Sinubukan kong hanapin sa may dalampasigan pero wala padin siya. Ang tanging naabutan ko doon ay si Mico na nakaupo mag-isa.

Pumasok sa isip ko kung lalapitan ko ba siya? O hindi na? Naguguluhan ako. Madami akong gustong itanong sa kanya. Madami akong gustong ipaliwanag sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako sa katotohanang baka tapos na ang lahat sa aming dalawa.

Nilapitan ko siya. Tumabi ako sa kinauupuan niya. Tiningnan niya ako pero hindi siya nagsalita.

"Mico, pwede ba tayong mag-usap?" sabi ko.

"Tungkol saan?" sabi niya.

"Tungkol sa'ting dalawa."

"Bakit Jen, meron pa ba? Diba wala na?" sabi niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat?" tanong ko.

"Para ano? Para maging masaya na kayo ni Nathan? Tsaka diba sinabi na niya sayo? Inunahan niya pa nga ako." sabi niya.

"Nagawa niya lang yon kasi pinilit ko siya Mico. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Kung paano kita makikita, kung paano kita kakamustahin, kung paano kita kakausapin, hindi ko na alam Mico. Nawala ka, hindi ka nagparamdam sa akin. Isang taon yon Mico, isang taon kong tiniis ang lahat para sayo, kasi alam kong babalikan mo ako. Hinintay kita oras-oras, araw-araw, naghintay ako Mico pero wala, kinalimutan mo ako. Hirap na hirap ako. Hindi ko alam kung paano ko makakayanan ang bawat oras na wala ka sa tabi ko. Ang sabi ko sa sarili ko magiging matatag ako para sa relasyon natin, para sa mga pangarap natin at nagawa ko yon. Yung mga sinasabi nila na kalimutan na kita, hindi ko yon pinansin, kasi iniisip ko na kahit wala ako sa tabi mo e ako parin ang laman ng puso mo. Nung nalaman ko na nagpakasal ka kay Steph, alam mo bang gumuho ang buhay ko? Nawala lahat ng pinangarap ko para sa atin Mico. Pero alam mo hanggang ngayon parang tangang umaasa parin ako na maibabalik ko ang lahat, na maibabalik ng pagmamahal ko sayo ang lahat ng meron tayo. Kahit na alam kong imposible ginagawa kong posible kasi hanggang ngayon mahal padin kita Mico. Nasasaktan ako sa tuwing binabalewala mo ako, sa tuwing pinagseselos mo ako pero tinitiis ko yon Mico, tinitiis ko ang lahat kasi hanggang ngayon mahal na mahal na mahal kita Mico." sabi ko sa kanya habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon