MJTL: Chapter VI

93 4 5
                                    

"Kamusta ka? Kamusta na ang mommy mo? I hope ok na siya." pag-aalala ko habang kausap ko si Mico sa phone.

"Ok naman ako. Namimiss na kita. Isang linggo na kitang hindi nakakasama. Si mommy ganun padin ang lagay niya e. Wala pading progress." malungkot na sabi ni Mico.

May Stage IV Breast Cancer si Tita Yolly. Kumalat na ang cancer sa lungs niya. Ang sabi ni Mico malala daw ang lagay ng mommy niya dahilan para maging madalang na ang pagkikita naming dalawa.

Nalulungkot ako pero naiintindihan ko ang sitwasyon. Kung ako man din ang nasa katayuan niya hindi ko din maiiwan ang nanay ko sa ganoong kalagayan.

Alam ko kasing mahal na mahal ni Mico ang mommy niya. Hindi na ako magtataka na baka sa susunod na buwan e halos madalang na talaga kaming magkita. Kahit kasi pagbalik-baliktarin natin ang mundo, pamilya parin ang pinakaimportante sa lahat.

"O bakit naman ganyan ang itsura ng bestfriend ko?" tanong ni May.

"Namimiss ko lang si Mico." sabi ko.

"Kamusta na daw ang mommy niya?"

"Hindi daw bumubuti ang lagay e. Nagche'chemo na din si Tita. Nagsisimula na ding maglagas ang buhok niya. Nakadagdag pa daw yon sa iniisip ni Tita Yolly kaya nadadagdagan din ang stress niya."

"Ang hirap naman nun. Sana gumaling na mommy ni Mico. Ipagdasal na lang natin siya." sabi ni May.

Isang buwan. Dalawang buwan. Dalawang buwan na kaming hindi nagkikita ni Mico. Puro text at tawag na lang ang komunikasyon naming dalawa. Miss na miss ko na talaga siya.

"I love you. Miss na miss na kita." text ko kay Mico.

Maya-maya pa tumawag siya.

"Mic?."

"Mahal na mahal na mahal din kita. Miss na miss na miss na din kita. Palagi mong tatandaan yan ha. Hindi man tayo madalas na magkita, ikaw palagi ang nasa puso't isip ko Mahal ko." sabi ni Mico.

Lumuluha na naman ako. Malungkot ako dahil wala siya sa tabi ko. Wala siya para punasan ang mga luha ko. Miss ko na ang mga yakap niya sa akin na pumapawi ng lungkot na nadarama ko.

"Mahal na mahal kita." sabi ng isang lalaking biglang yumakap mula sa likod ko.

Nagulat ako. Gusto kong magtatatalon sa tuwa na parang bata. Kanina kausap ko lang siya over the phone, pero ngayon nasa likod ko na siya at yakap yakap niya pa ako.

Humarap ako para makita ko ang mukha niya. Miss na miss ko na ang itsura niya. Halatang namayat siya. Marahil dahil narin sa nangyayari sa pamilya niya ngayon.

Hindi na ako nakapagpigil pa. Ako na ang unang gumawa nang paraan para maabot ang mga labi niya. Hinalikan ko siya. Halik na para bang huling pagkakataon ko na para mahalikan siya. Tinagalan ko ito. Ninamnam ko ang bawat segundo. Miss na miss ko na ang mahal ko. At alam kong miss na miss niya din ako.

"Namayat ka." sabi ko sa kanya habang hinahaplos ko ang mukha niya.

"Hindi naman. Matagal mo lang akong hindi nakita. Miss mo lang ako." paglalambing niya.

"Hindi mo lang alam kung gaano kita namiss." sabi ko.

"Basta, mahal na mahal kita higit pa sa inaakala mo." sambit ni Mico.

Isang linggong kasama ko si Mico. Sinulit namin ang bawat araw na magkasama kami. Hindi na nga rin siya umuuwi sa bahay niya dito sa Manila para makasama lang ako.

Pero huling pagsasama na pala namin yon. Hindi ko na pala makikita ang mahal ko. Hindi ko na pala siya mahahalikan at mayayakap. At hindi ko nadin pala siya makakausap.

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon