MJTL: Chapter XI

65 2 0
                                    

Hindi muna ako umuwi ng bahay. Ayaw kong makita na naman nila akong umiiyak. Ayaw kong pakita sa kanila na hanggang ngayon hindi padin ako ok.

Alam kong masasaktan ako kapag nagkita kami pero hindi ko naisip na ganito pala talaga kasakit. Nakita niya ako e pero hindi niya man lang ako pinansin bagkus e nagawa niya pa yon sa akin. Siguro hindi na niya kailangang ipaliwanag pa sa akin ang lahat. Wala na talaga ako para sa kanya.

Dahil sa kagustuhan kong makalimot sa nararamdaman ko ngayon, pumunta ako sa isang bar para mag-inom. Kahit hindi ako marunong uminom lulunurin ko ang sarili ko sa alak. Iinumin ko ang lahat ng alak dito hanggang sa maging manhid na ang buong katawan ko.

"Walang kasama yan e. Sobrang lasing na yan. Huwag niyo ng bigyan ng alak yan. Baka hindi na makauwi yan." sabi ng manager ng bar.

Naririnig ko ang lahat ng sinasabi nila kahit lasing na ako pero umiikot na ang paningin ko at hindi ko na maitayo ang dalawang paa ko.

"Bigyan niyo pa ako please. Hindi pa nawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko dito, dito sa puso ko." sabi ko habang tinatapik ko ang dibdib ko. Umiiyak na naman ako.

"Brokenhearted pala ito." sabi ng isang waiter.

"Ma'am pasensya na pero baka hindi na kayo makauwi niyan kung bibigyan ko pa kayo. Wala ho kayong kasamang iba, delikado para sa iyo ang mag-isa." sabi ng manager nila.

"Babayaran ko kayo kahit magkano, bigyan niyo pa ako please. Parang awa niyo na." sabi ko. Hindi ko padin mapigil ang pagtulo ng mga luha ko.

"Jen! Anong ginagawa mo sa sarili mo?!" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Kahit hilong-hilo na ako nakilala ko padin ang boses niya.

"Superman! Nandito kana naman." sabi ko.

"Halika kana dito. Uuwi na tayo." sabi ni Nathan.

"Ayaw ko pang umuwi. Hindi ako uuwi Nathan." sabi ko.

Nathan's POV

"Ang lakas ng loob mong uminom, hindi ka naman umiinom ah at mag-isa kapa? Ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha!" sabi ko kay Jen.

"Nathan ang sakit sakit e. Sobrang sakit." sagot niya.

Sigurado akong may nangyari dito. Hindi naman yan iinom at mag-isa pa kung walang naging problema.

"Ano bang nangyari? Sabihin mo sa akin." sabi ko sa kanya habang inaakay ko siya palabas ng bar.

"Si Mico. Bumalik na si Mico." sabi ni Jen.

Mabuti na lang at napadaan ako dito. Para kasing hinihila ako ng mga paa ko papunta dito e kasi naman pala nandito ang babaeng mahal ko na halos lunurin ang sarili niya sa alak dahil sa lalakeng mahal na mahal niya.

Palabas na kami ng biglang sumuka si Jen. Hinawakan ko ang buhok niya at pinasuka siya. Hindi na muna ako nagtanong at nag-usisa sa mga nangyari ang mahalaga sa ngayon e nandito na siya sa tabi ko.

"Ok kana ba? Ano pang masakit sayo?" tanong ko sa kanya.

"Ok na ako salamat." sagot niya.

"Sumakay kana at ihahatid na kita sa bahay niyo." sabi ko.

"Please wag. Iwanan mo na lang ako dito." sabi niya.

"Hindi kita pwedeng iwanan dito Jen." sabi ko.

Hindi ko pwedeng iwanan ang mahal ko sa ganitong sitwasyon.

Isinakay ko na siya sa sasakyan. Mga ilang minuto lang e nakatulog na siya. Kawawa naman. Umiyak na naman. Kahit gusto kong yakapin siya pero hindi ko magawa. Gusto kong icomfort siya pero hindi ko magawa. Gusto kong sabihin sa kanyang mahal ko siya pero hindi ko magawa. Wala akong magawa. Wala akong kwenta.

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon