MJTL: Chapter XIX - Finale

109 5 0
                                    

"From this day forward, you shall not walk alone. My heart will be your shelter, and my arms will be your home."

"I prayed to God for someone who could understand my past and accept me as I am and God sent you. Jen dela Merced, thank you. Thank you for being the most unselfish person that i know. Lalo kitang minahal dahil nakita ko sayo kung paano mo mahalin ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, ang pamilya ko at ako.

Hindi alam ng lahat na hindi naging madali ang lovestory natin. Hindi tayo dumaan sa boy meets girl and girl meets boy and they live happily ever after bagkus boy meets girl but girl loves another boy. Mahal kita pero may mahal kang iba.

Nasaktan ako at nasaktan ka. Hindi naging madali ang pinagdaanan nating dalawa. Umalis ka para hanapin ang sarili mo, nawala ka at hindi nagpakita ng matagal, hinintay kita at ngayon nandito kana, isang napakagandang babae na nasa harapan ko ngayon at ng Diyos at pinili akong makasama.

Jen i promised to love you for the rest of our lives, tumanda man ako, pumuti man ang buhok ko at kapag maging mas pogi pa ako lalo. Pangako na ikaw lang ang mamahalin ko sa buong buhay ko. I love you Jen." vows ni Nathan para sa akin.

"I prayed and asked God, to give me the perfect one and I prayed for Superman but instead He gave me you. His own version of Superman.

Alam talaga ni God kung ano at sinong best for me. He may not given me what I thought was the perfect Superman according to me but He gave the perfect Superman for me.

Thank you for being there for me. Thank you for loving me unconditionally. Minahal mo ako kahit walang kasiguraduhan na mamahalin din kita pabalik. Minahal mo ako ng hindi ka naghihintay ng kapalit.

Salamat din dahil hindi ka sumuko at hindi mo ako iniwan. Palagi kang nandyan para sa akin bilang si Superman.

Mark Nathan Cruz, this time the whole world will know that you are mine. Mahal na mahal na mahal kita. I love you and i will love you for the rest of my life kahit iisa na lang ang kidney ko. " sabi ko naman sa kanya.


** The End.

Thank you sa mga sumubaybay sa story ko. Sana nagustuhan niyo ang short story na nagawa ko. Salamat salamat sa inyo. :)

Sa wakas nakatapos din ako ng isang story. Sana more stories pa ang magawa ko. Thank you sa inyong lahat.

Thank you Lord. :)

My Journey to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon