#ROTLB08
“I should be the one asking that, Miss.” The mysterious man replied.
“Ano’ng ginagawa mo rito sa labas ng ganitong oras?” Nabi curiously asked.
“Why do I have to answer you? Ikaw, anong ginagawa mo rito sa labas?” Pabalik nitong tanong.
“Looking for a friend, baka kung anong nangyari sa kaniya.”
Tumango-tango naman ito, she was about to ask him again nang marinig ang boses ni Isonoe. “Nabi? Anong ginagawa mo riyan?”
“Hinahanap ka, saan ka nag punta?”
“Ah, eh, nag pahangin lang. Sinong kausap mo?”
“Hindi ko kilala,” humarap si Nabi rito, “Ano’ng pangalan mo?–” She stilled when the mysterious man in a black fabric was gone. “Nasa’n na ’yon..”
Nag tatakang tumingin sa kaniya si Isonoe, “Hindi ako baliw, ah!”
“Chill babes, wala pa naman akong sinasabi. Pero I was about to say that though..” Isonoe let out an awkward smile, “Pero anyways, baka impostor ulit ’yon at balak kang targetin! Woah, buti na lang talaga nakita kita.”
“Kung hindi ka sana umalis ng kuwarto e, hindi ko makikita ’yon.”
“Kung hindi ka rin sana lumabas e, sana hindi mo rin makikita ’yon,” binangga ni Isonoe si Nabi ng pabiro. “Weh, concern ka ba sa akin? Awie, oh my gosh I felt so special. You make me feel special, ehe.” Umakto itong kinikilig.
“Ewan ko sa ’yo.”
Habang nag lalakad sila papunta pabalik sa kuwarto, si Nabi ay tahimik lang habang si Isonoe ay kinakanta ang kantang Feel Special. Kahit na hindi naman kailangan lagyan ng pa-kulot kulot ang kanta ay nilalagyan nito.
“You make~ me feeel~ special, yeaaaah~” Bumirit pa ito.
Tinakpan ni Nabi ang tenga, “Ano ba, Isonoe, sobrang sakit na ng tenga ko.”
Napa-hawak si Isonoe sa dibdib, “Grabe ka naman ’te, palagi mo na lang akong ginaganyan. Palagi mo na lang pinaparamdam sa akin na iba ako, na parang wala lang ako. Bakit? Bakit? Bakit hindi mo masagot? Alam mo, mahal kita e. Sobra kitang minahal kaya ito nandito ako, nag papaka-tanga sa ’yo!” Akala ni Nabi tapos na ’yon pero meron pa pala. “Porket isang ngiti, isang kanta, isang yakap, isang halik ayos na, syempre marupok ako pag dating sa ’yo e! Because I am not Celine, hindi na siya babalik Nabi! Pa’no naman ako? Pa’no naman kaming handang mag mahal sa ’yo!”
“Tapos ka na?” Halata ang pag ka-buryo ni Nabi sa tono.
“Luh, ang effort ko ro’n ah. Tawa ka naman please.”
Nabi let out a fake laugh, “Ha Ha Ha, ayos na?”
“Sungit mo naman! Parehas kayo nila Knight Hakazu, pero bet ko naman masusungit kaya I can handle you.” Ngising aso nito.
“Ingu-ngudngud ko ’yang nguso mo, Isonoe. Sinasabi ko sa ’yo.”
“Puwedeng kiss na lang? Cheret!”
Na-una nang mag lakad si Nabi at na unang pumasok sa kuwarto at itinuloy ang tulog. Nang naka-higa na siya, narinig niya naman ang pag bukas ng pinto at nahagip ng mata niya na humiga na si Isonoe.
“Good night, babes Nabi ko.” Anito.
“Patulugin mo naman ako, Iso.”
Later on, Nabi heard Isonoe snore, “Tsh. Good night, Iso.”
BINABASA MO ANG
Rebirth Of The Lost Butterfly
Fantasy[ DISTRICT SERIES #1 ] ON-HOLD As its wings flutter from the ground and swirls in the highest of skies, the empire's magic remains strong and alive, blessing every races that resides. But as fantasy collides with reality, are you enlightened enough...