10

27 3 6
                                    

#ROTLB10


It’s 11:30 in the evening, hinihintay nilang sumapit ang madaling araw para pumasyal sa lost island ng Eicasea, where those magical butterflies live. Si Empress Dainase ang mag to-tour sa kanila, kahit hindi naman ito kasama sa duty niya as an empress. She was very down to earth, which is very humble of her.

Lahat sila ay hindi maka-tulog, si Isonoe ay palipat-lipat ang puwesto sa kama at hindi mapakali. Reiva was sitting on the edge of her bed at nakatulala lang. Maige is already picking her clothes para mamaya, gusto niyang mag ka-roon ng magandang impression sa mga paru-paro. While the other two, Iucresia and Nabi, ay mag ka-tabing naka-higa sa sofa ng kuwarto nila at parehong nakikinig ng music. Nabi was lending her other piece to Iucresia. Naka-pikit sila parehas pero hindi tulog.

Maya-maya naman ay bumangon si Isonoe, “Anong oras na?”

Nag mulat si Iucresia at dinukot ang hourglass niya sa bulsa, “Matagal pa, matulog ka muna.” Anito saka binalik ang hourglass and started to play with Nabi’s hand.

“Tabi nga, nag seselos ako sa inyo. What about me? What about me and you together?” Isonoe acted as if she got hurt saka lumipat sa kama ni Reiva, “Nabalitaan ko, lagi ka raw tulala. Binibini ko.” Kanta niya rito dahil nakatulala pa rin si Reiva hanggang ngayon pero bumalik siya sa reyalidad nang kumanta si Isonoe sa tabi niya.

“Excited na ako!” Halata ang pag ka-excited sa tono nito.

“Matulog na kayo, wala kayong gana mamaya sa pag li-libot. Hala, sige.” Saad na naman ni Iucresia.

“Kaya mo lang ’yan sinasabi kasi may katabi kang matulog!” Isonoe made a face saka inirapan ’to, hinawakan ni Isonoe ang braso ni Reiva. “Tabi tayo, Rei.”

Saglit na hinanap ng paningin ni Reiva si Maige saka tinignan ’to, she saw how Maige raised her right eyebrow saka pinasadahan ng tingin ang kamay ni Isonoe na nasa braso ni Reiva, and then she rolled her eyes at Reiva.

Reiva gulped, “Ah eh..” Pasimpleng tinanggal ni Reiva ang hawak ni Isonoe sa braso niya, gulat naman si Isonoe sa ginawa nito at akala niya ay tinaggihan siya pero a-akbayan lang pala siya ni Reiva.

“Tumabi ka riyan, Isonoe. Puwesto ko ’yan.” Maya’t mayang lumapit si Maige sa kanilang harapan.

“Huh? Doon puwesto mo oh,” tinuro nito ang kama ni Maige. “Saka ang sarap unanan ng balikat ni Rei.” Pumikit pa ito habang naka-sandal sa balikat ni Reiva. Nang mag mulat ay matalim na naka-tingin sa kaniya si Maige.

She raised her hand and let out a a small chuckle, “Chill, sa ’yo na po, mahal naming Maige. Hindi ko naman aagawin si Reiva sa ’yo!”

“Anong a-agawin? Hindi naman siya sa akin, eh.”

“Sus, bakit kung maka-tingin ka sa akin kanina parang papatayin mo na ako? Hindi naman ako ang nag akbay, ah..”

“Imagination mo lang ’yon!”

“Yie, kilala ko na crush ni Maige!” Tuwang-tuwa si Isonoe habang paulit-ulit iyon sinasabi.

“Sino?” Reiva curiously asked Maige.

“W-wala akong crush! Nang a-asar lang siya.” Maige felt her cheeks heated up lalo na no’ng siya na ang inakbayan ni Reiva.

“Si Knight Hakazu ba?”

“Hindi.”

“Alam ko na! Si Knight Licht ’no?” Tumingin si Maige kay Reiva, halata rito ang mapang-asar na mukha.

She looked away, “Oo..”

“Pero ’di ba, babae siya?” Nag tatakang tanong ni Reiva.

“Oo and so what? May problema ba sa kasarian niya? Required ba na ang babae ay para lang sa lalaki?” Seryoso ang tanong ni Maige rito.

Rebirth Of The Lost ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon