02

4 0 0
                                    

Pag akyat ko sa taas, inayos ko ulit ang mga gamit ko, at noong naayos ko na umiglip muna ako. Pero yung iglip ko umabot ng walong oras, pagtingin ko  10pm na.

Noong nalaman ko na ilang oras na pala akong tulog , pumunta ako ng study table ko para ayusin yung papers ko for enrollment tomorrow.

Since private yung Ivan Hill High alam ko na my Entrance Exam doon kaya naghanda naden ako mag-aral kahit kaunti lang.

Nakatulog ulit ako noong nag rereview ako. At nagising nalang ako dahil ginising ako ni mommy for my enrollment today.

Pumunta na kami sa  Ivan Hill, pagpasok ko ang laki niya, meron pang garden sa likod ng school.

Inenroll na ako ni mommy at nag-intay lang ako for my entrance exam, actually kinakabahan ako kase di ko alam kung mapapasa ko ba to o hinde.

Habang kinakabahan ako biglang may staff ng school na nagtawag saamin, hinde lang den ako ang nag enroll dito, madami kami kaya di ako kinakabahan.

Tinuro saamin ang direksyon at pinapasok kami sa isang classroom.

Sabi ng staff ay ihanda lang daw namin ang mga gamit na gagamitin lang namin sa exam at wala ng iba.

Inihanda na namin yun, at may biglang pumasok na mga teachers. Nagulat ako sa dami ng teachers na pumasok, lima sila.

Binigay na nila ang mga exam papers at binigyan kami ng tatlong oras para sagutan ang limang subjects na yun.

Few hours later....

Tapos na ako sa exam kaya tinaas ko na ang aking kamay, pumunta ang isa sa mga teacher saakin at kinuha na ang aking papers.

Teacher: Ms.Aquila done

Tumango lang ako at lumabas na sa classroom

Pumunta na ako kay mommy,  nakita ko siya na  nagiintay doon sa waiting area. Naaalala ko dati si daddy yung sumama saakin sa ganto ko noong 3rd year ko, ngayon si mommy na ulit.

"Mom anong next  na gagawin naten?" Tanong ko sakanya.

Mom: ahmm...bibili ng uniform mo? Patanong den niyang sabi saakin.

Bumili na kami ng uniform and books, and  other stuff na gagamitin ko for school.

Pagtapos noon umuwi na kami kaagad.

Pag uwi namin dumeritso agad ako sa kwarto ko.

Hinde na ako nagbalak kumain ng brunch dahil siguro pagod ako kaya nakatulog ako agad.

FEW WEEKS LATER....

Pag-gising ko nag email saakin yung school na nakasulat na i passed their entrance exam. Ang saya ni mommy noong sinabi ko yun sakanya.

**

Nagising ako dahil sa alarm ko

Pagtingin ko 6:30 am na kinabahan ako kahit 8:15 pa pasok ko ngayon sa Ivan Hill.

Bumangon na ako kaagad ,at pumasok na ako sa banyo ko at ginawa ang mga dapat kung gawin sa banyo pagtapos noon ay nag-suot na ako ng uniform na ang daming dama.

Biruin mo my necktie na nga meron pang uniform coat ang init init sa pinas Awit naman.

Kahit na nagmamadali ako, hinde ko syempre pwedeng makalimutan yung ID ko.

Noong natapos na ako, bumaba na ako at nakita ko si mommy na nag hahanda ng breakfast naming dalawa, pumapasok den kase si mommy.

I kissed her cheeks and eat my breakfast fastly.

Mom: huy ano ba brianna dahan dahan lang

"Mom baka malate kase ako sa school" pagdadahilan ko sakanya.

Pagtapos ko kumain nag toothbrush lang ako and naglagay ng perfume sa bandang likod ng tenga sa bandang batok and lastly sa chest.

Nagpaalam na ako kay mommy but she stops me.

Mom: Wait yung baon mo, oh eto 200

Tinanggap ko nalang at nagmamadaling umalis dahil magkokomyut pa ako.

Nakapasok naman akong ng school gate ng ligtas at di late.

Noong una nahihirapan pa ako hanapin yung classroom ko,  pero nahanap ko naman den.

Ang laki namn kase netong Ivan Hill parang university na, pero parang lang.

"Siguro ang yayaman nang mga nag-aaral dito?" Sabi ko sa sarili ko, ay private school nga pala.

Pagpasok ko sa room ko, nagulat ako kase ang tahimik ng mga estudyante. May mga sariling mundo yung mga estudyante dito.

Sa public kase pag pasok mo palang ng classroom kala mo may gera na kase ang daming maiingay.

Ang tahimik kase nila dito, yung iba nag-aaral yung iba naman naguusap pero yung usap na mahinahon at tahimik lang, gan'on.

Nakahanap na  ako ng upuan banda sa likod katabi ng bintana, dahil yun yung magandang pwesto na nakita ko.

Maya maya nag ring na yung bell. Pagtapos magring ng bell.

Biglang pumasok ang teacher namin, siguro advisory teacher namin? Di ko sure.

.....

PLAYFUL LOVEWhere stories live. Discover now