Pag-uwi ko sa bahay andoon na si mommy ang aga ata.
"Hi sweetie" sabi ni mommy, napansin niya yung dumi sa uniform ko kaya inexplain ko na pinagawa kami ng sayaw kaya nadumihan.
Umakyat na ako sa taas at naligo lang ako dahil amoy basura na ako, pagtapos ko maligo nag skincare lang ako at nag-review for tomorrow's quizzes sa iba't ibang subject.
Habang nag rereview ako, nagulat ako ng my tumawag sa cellphone ko number lang siya kaya sinagot ko kaagad.
"Hello?" May naririnig akong malakas na ingay sa kabilang linya ng cellphone.
"Yown!!" Sabi ng tao sa kabilang linya.
"Buti sinagot mo brianna, brianna wag mong ibababa, ako to si xylan" napakunot ako ng noo.
Si xylan bakit naman tumatawag to saakin? tanong ko sa sarili ko.
"Si raiden kase nilalasing yung sarili dito sa bar, eh ikaw pa yung laman ng bibig neto, ayaw niya mag-paawat kaya pwede bang pumunta ka muna dito?? Sesend ko nalang sayo yung address" at biglang niyang pinatay yung cellphone, wala na tuloy akong chance para sumagot.
Tinext niya na yung address at kinuha ko na yung hoodie ko at nagpunta na sa address na sinend ni xylan, pag punta ko sa bar sobrang daming tao nagulat ako kase pagpasok na pagpasok ko may nag mamake-out sa gilid.
Feel ko napaka judgemental na ng mukha ko ngayon, habang hinahanap ko sila may lumapit saakin na lalaki at hinawakan yung bewang ko kaya siniko ko siya sa bandang abdomen niya.
Nasaktan siya kaya nakaalis na ako sa hawak niya, noong nakita ko na si xylan pumunta na ako doon at nakita ko ang wasted na raiden, grabe.
"Marunong ka ba mag drive?" Tanong ni xylan. Tumango ako, buti nalang dala ko driver license ko. Pansamantalang driver license.
Binigay saakin ni xylan yung address niya at susi ng kotse niya, hinde ko alam marunong den pala mag drive ng kotse yung mukong na to, kala ko motor lang.
Binuhat ni xylan si raiden hanggang kotse niya, hinde ko na den alam kung bakit ako yung mag-hahatid dito sa mukong na to.
Pagpasok ko ng sasakyan nakita ko di pa naka suot yung seatbelt niya kaya sinuot ko muna sakanya yun, nagulat ako ng biglang siya magsalita.
"Wag! WAg mM0 aAk0ng haWakan bakA magalit si bRiAnna" ang cute niya pala pag lasing, pero hinde pwedeng marupok dito, di kami close duhhhh.
Nakakita ako ng convinient store kaya nag park muna ako sa gilid at bumili ng gamot para sa hangover niya.
Pagpasok ko sa kotse nakita ko na nilalamig siya, mahina naman yung aircon, kaya hinubad ko yung hoodie ko at pinasuot sakanya.
Takte ang laki ng tinitirahan niya na condo huh, pagkakita ko sa building.
Nagpark lang ako sa floor kung nasaan ang unit niya pagtapos noon ginising ko na siya, buti at nagising siya kaagad.
Noong bumangon siya, pinainom ko muna siya ng tubig para ma sober naman siya kahit papaano.
Noong ininom na niya yung tubig, lumabas na ako para alalayan siya sa kabilang pinto.
Nilagay ko yung braso niya sa balikat ko, at pumasok lang sa entrance at hinanap na yung unit niya.
"Room 208... room 209...... Room 210, yown nahanap den kita" sigaw ko.
Kinuha ko yung susi sa bulsa ko, hinahanap ko siya sa bulsa ko ng may naramdaman ako na mainit na liquid sa white t-shirts ko.
Tinignan ko. "Shettt nanuka pa nga" naiinis ako kase kung kailan papasok na kami tiyaka pa siya sumuka.
Noong nabuksan ko na yung pinto niya, nilapag ko siya sa couch niya at hinubad agad yung damit ko at pumunta ng cr, pagkakita ko sa sarili ko sa salamin nagulat ako kase naka sports bra nalang ako.
"Shet.....". Pumunta ako sa kwarto ni raiden at naghanap ng damit na babagay saakin buti nalang madami siyang damit dito na oversized.
Kumuha lang ako ng random shirt niya at sinuot ko na, baka mamaya makita pa ako ni raiden na naka sports bra lang.
Noong naka-pagpalit na ako, lumabas kaagad ako para tignan si raiden at nakita ko na my suka den ang damit niya kaya bumalik ako sa closet niya at naghanap ng damit.
Noong nakahanap na ako ng damit para sakanya, hinubadan ko siya pero di ako nakatingin, noong isusuot ko na yung damit sakanya nagulat ako ng hilahin niya ako at yakapin.
Para akong timang sa posisyon ko ngayon, para akong na stiff na ewan hinde ako makagalawa dahil sa posisyon namin ngayon.
Noong may pagkakataon na akong maka-alis, umalis na ako kaagad at doon ko na siya ulit binihisan.
"Inaantok na ako....." Sabi ko pag katapos ko humikab.
......
YOU ARE READING
PLAYFUL LOVE
RomanceA woman with a broken family, she always moves from school to school and now that she is in her 4th year, there she will study on her mom's side. Her mom decided that she will study in private but this girl is not used to private schools. Since high...