May sasabihin sana saakin si alora noong narinig niya yung sinabi ko, pero pinigilan lang siya ni gia na naka smirk na saakin ngayon.
Hinde ko na sila pinansin at noong maglalakad na sana ako bigla ko nabunggo yung lalaki na naka motor, ang pagkakarinig kung' sabi ni gia kanina is, rsiden. Raiden siguro ang pangalan neto.
Nag sorry lang kaagad ako at umalis na, walang pake kung may sasabihin ba siya o wala.
Lumapit sakain si gia. "Huy alam mo ba bri yung sumanggi sayo playboy." Hinahabol niya ako habang sinasabi niya yun.
Hinde na ako nagulat kase halata naman, nasa aura niya yun' kanina pa.
"Huy gia wag ka ng magkwento about doon sa lalaking yun mukha namang hinde interesado si brianna jaan." Sabi ni alora.
Nagkahiwalay nakami nila alora and gia dahil sa ibang direksyon si alora tapos si gia susunduin daw ng driver niya.
Habang nagiintay ako Ng masasakyan na jeep. Biglang umulan, kung sineswerte ka nga naman.
"Naks.... Nice timing, kung kailan wala pa akong payong ang galing." Inis na sabi ko.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko may convinient store sa kabilang kalsada kaya naghanap ako ng Pedestrian lane, noong makakita na ako tumawid ako ng bigla akong nakakita ng ilaw.
Napatakip ako sa mata ko at iniintay na masagasaan pero may narinig akong na,na semplang.
Pagtanggal ko ng kamay ko sa mata ko nakakita ako ng motor na nakahiga na sa gilid ng kalsada.
Hinahanap ko yung tao at nakita ko siya sa banda gilid na nakahiga. Nagpanic ako at biglang pumunta sa lalaki.
Noong una di ko pa mamukaan kung sino siya, pero noong iniharap ko na yung katawan niya saakin namukaan ko na siya kaagad.
Eto si raiden yung sinsabi ni gia na playboy, nilgay ko ang ulo niya sa hita ko at pilit na ginigising siya.
"Huy, ahmmm raiden?? Gising ka pa ba? Are u okay?" Kinakabahan na tanong ko sakanya.
Sunod sunod ang tanong ko sakanya habang tinatapik tapik yung balikat niya.
Bigla siyang nagising at binuksan yung mata niya, nagulat ako kase bigla niya akong niyakap.
Noong niyakap niya ako, nalaman ko na nakatulog siya ulit. Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan yung tita ko, yung kapatid ni mommy na doctor.
Nagpara lang ako ng taxi tapos inilagay siya sa loob. Hinde naman ganoon kalala ang sugat niya siguro nahimatay lang sa lakas ng impact niya sa kalsada.
Napansin ko na giniginaw siya kaya binigay ko sakanya yung jacket na nasa loob ng bag ko.
Nakauwi na kami sa bahay ko, doon ko pinapunta yung tita ko na doctor, buti at free siya kung hinde, hinde ko alam ang gagawin ko sa lalaki na nasa harapan ko ngayon.
Pinunta ko siya sa kwarto ko at inilapag sa kama ko. Hinde ako mapakali dahil nagaalala ako, hinde ko den alam kung bakit.
Chineck ng tita ko si raiden, at sabi naman ng tita ko na minor injury lang at ginamot niya lang ang mga sugat ni raiden.
Lumabas mo na ako, dahil hinubaran ni tita si raiden dahil may sugat siya sa bandang dibdib and balikat.
Lumabas na si tita sa kwarto ko at sinabing
tawagin nalang siya pag nagising na si raiden.Hinde na den siya nagtanong kung ano ang nangyari hinde naman kase nosy person yung tita ko na yun.
Pag-alis ni tita, pumasok na ako sa kwarto at nagulat dahil gising na si raiden, hinde ko na natawag si tita sa sobrang kaba.
"Nice room..." sabi niya habang iniikot ang mata niya sa kwarto ko.
Lumapit ako sakanya.
"Sorry kung na aksidente ka dahil saakin" paghihingi ko ng sorry sakanya.
"Buti alam mo" sarcastic na sabi niya.
Nagalit ako sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko.
"By the way asaan pala ang motor ko?" Tanong niya.
"Ahmmm....tumingin ako sa paligid na para bang may kasama pa ako para pagtanungan niya.
"Ahh.... Iniwan ko doon kung saan ka naaksidente." Nakayukong sabi ko sakanya.
Nagulat siya at aakmang tatayo na sana, pero pinigilan ko siya.
"Wag kang gagalaw madaming kang sugat sa katawan baka kung mapaano ka." Pag-aalala kung' sabi sakanya.
"Hey, i dont know you pero yung motor na yun mahalaga saakin yun."
Tatayo sana ulit siya pero napatigil sa sinabi ko.
"Fine!! Hahanapin ko okay just heal fast, sabi ko sakanya."
Ano bang meron sa motor na yun at bakit important sakanya yun, inis na sabi ko sa isip ko.
Mas inuna niya pa kamustahin yung motor niya kaysa sarili niya. Mahinang sabi ko.
"Ano, my sinasabi ka?" Pagtatanong niya saakin.
"Wala." Tinarayan ko siya noong sinabi ko yun sakanya.
.....
YOU ARE READING
PLAYFUL LOVE
RomanceA woman with a broken family, she always moves from school to school and now that she is in her 4th year, there she will study on her mom's side. Her mom decided that she will study in private but this girl is not used to private schools. Since high...