Next day is my flight papuntang US, pupunta ako
sa tita ko sa Los Angeles at doon magtatrabaho.Gia and alora decide to have a farewell party for me, cause they gonna miss me daw.
Pumunta lang sila dito sa bahay. Hinde den pumasok si mommy sa office para maki farewell party saamin. Gusto ko sana pumunta kay daddy kaso masyiadong hassle kaya tinawagan ko nalang siya. Na-aalis na ako next day.
Sinabi niya lang saakin na magiingat ako sa states, kase wala na daw siya sa tabi ko at hinde na daw niya ako pwedeng mapuntahan pag ka kailangan ko ng kainuman, kase malayo na daw ako sakanya.
Naghahanda lang si mommy ng food para sa farewell party ko, andito kami sa kwarto ko tinutulungan nila ako mag-ayos ng gamit ko.
"Ma mimiss kita" malungkot na sabi ni gia."Ako den, biruin mo parang highschool ka lang kahapon, pero ngayon nurse ka na" nakangiting sabi ni alora.
Sobrang saya ko na andito sila gia at alora sa tabi ko lagi, noong nalaman nila na nurse na ako alam ko na kaagad na proud na proud sila saakin.
Noong nag-aayos ako ng damit my narinig na akong humihikbi na sa gilid ko, pagtingin ko umiiyak na si gia.
Nakakahawa yung iyak niya kaya umiyak den kami ni alora at niyakap ko sila. "Pwede niyo naman ako puntahan sa Los Angeles, madami naman kayong pera" pagbibiro ko sakanila para hinde masyiadong malungkot yung atmosphere.
Tinawag na kami ni mommy kaya bumaba na kaming tatlo, pagbaba ko nakita ko si eitan my dalang cake.
"Farewell cake" sabi niya at pinakita yung cake saakin. "Thank you" nakangiting sabi ko.
Kumain lang kami at umakyat na si mommy para iwan kami mag-kakaibigan. Andito paden kami sa lamesa umiinom naman kami ngayon.
"Kung sa Los Angeles ka magtatrabaho edi posible mong makita si raiden" tanong ni gia.
Nakita ko na siniko ni alora si gia. "Ewan" i just shrugged at them, kase di ko alam kung posible pa kami mag-kikita.
*****
Ang dami ng nainom ni alora at gia, pero kami ni eitan mabagal lang kase madami pa namang oras, hinde ko nga den alam kung bakit ako umiinom, eh bukas na yung flight ko.
Bagsak na sila alora at gia kaya tinulungan ako ni eitan na iakyat sila sa guest room namin. Noong nalagay nanamin yung dalawa sa kwarto tinawag ako ni eitan kaya sinundan ko siya sa labas.
"Gusto ko sana sabihin to sayo bago ka pumunta ng States" i just nod and listen to whatever he will say. "I actually like you", noong sinabi niya yun napatingin ako sakanya.
"I know I'm already late, noong mga panahon kase na umaamin ka saakin. Takot pa ako sa commitment noon" sabi niya na nakayuko ang ulo ayaw ako tignan.
"But i realize now na gusto ko na mag commit, but im already late"
"And im sorry to reject you twice"nakakahiya mang marinig sakanya yun pero wala tayong magagawa.
"Ano kaba!" Hampas ko sa balikat niya. "Wala na yun okay, past is past." Nakangiting sabi ko sakanya. "Pero salamat kase sinabi mo siya saakin."
"Actually pinag-iisipan ko pa nga, kaso i dont want to have any regrets in the future." sabi niya habang nakatingin saakin.
Pag-tapos namin mag-usap nag linis lang kami at umalis na siya. Noong umalis na siya pumunta na ako ng kwarto ko.
Pag-higa ko sa kwarto iwan ko kung bakit parang gusto ko umiyak, hinde dahil sa pag-alis ko ,kung hinde sa sakit na nararamdaman ngayon ng puso ko.
"Haytss brianna, alak pa" sabi ko sa sarili ko.

YOU ARE READING
PLAYFUL LOVE
RomanceA woman with a broken family, she always moves from school to school and now that she is in her 4th year, there she will study on her mom's side. Her mom decided that she will study in private but this girl is not used to private schools. Since high...