13

1 0 0
                                    

Bumangon na ako, walang akong gana pumasok ngayon pero pumasok paden ako.

Pagpasok ko palang sa gate nakita ko na, nakaabang si raiden. Pero dirediretso lang ako naglakad kunware di ko siya nakikita.

Pero nakita niya ako, kaya kinuha niya yung palapusuhan ko. "Bri kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya.

Sinusubukan kung umalis sa hawak niya pero may bigla siya sinabi na kinadurog ng puso ko.

"Sige di nalng kita liligawan, di nalang kita mamahalin!"

I scoffed, "so... nagsabi ka den ng totoo" sarkastikong sabi ko. Naguluhan siya sa sinabi ko.

"Paanong totoo bri, naguguluhan ako"

"Porket sinabi ko lang na hinde ako handa, hinde mo na itutuloy??" Galit na tanong ko sakanya. My luha na tumulo sa mata ko, ayaw kung umiyak kaso, binigo ako ng mga mata ko.

"Tangina ang gulo mo naman brianna!" Galit na sabi niya. "Nagpaalam ako sayo na ligawan ka, umayaw ka, tapos ngayon gusto mo ituloy ko??"

"Eh ayaw mo nga tiba??!"Malakas na sabi niya, na nakakuha ng atensyon ng ibang estudyante. "Hinde ko sinabing ayaw ko! Ang sabi ko hinde pa ako handa!"

"Hinde ba't parehas lang yun?"

"Mukhang nag-aaway yung magjowang fake" tumatawang sabi ni ammy, isa sa mga minions ni lissy.

"Alam mo kung wala kang sasabihin maganda mula sa basura mong bunganga, pwede ba umalis kana." Naiinis na sabi ko kay ammy.

Biglang lumapit saakin si lissy at sinampal ako, na ikinagulat ng maraming estudyante.

"Wala kang karapatan para pag-sabihan ng ganyan ang mga tao ko, coming from youu! Isa ka den namang basura na napulot lang ni raiden sa gilid gilid."

"Ewan ko ba kung bakit pumatol si raiden sa isang basura ehhhh.... isa siyang anak ng mayaman tapos yung jowa niya basurahan lang." tumatawang sabi ni lissy.

Aalis na sana ako ng bigla akong tinapunan ng basura ni lissy. "Dapat lang sayo yang basura" at nagbuhos pa sakin ng tubig yung isa sa mga kasamahan niya.

Tumingin ako ng masama kay raiden, dahil wala lang siya ginawa, tinignan niya lang akong apihin ng ex niyang halimaw.

Aalis na sana ako, pero biglang hinawakan ni raiden yung kamay ko.

"Wag mong hawakan yung isang basura na katulad ko!!" Sigaw ko sakanya at tumakbo.

Pumunta ako ng intramuros na ganto yung itsura. Habang naglalakad ako pinag-titigin ako ng mga tao, nagtataka kung bakit ang dumi ko at basa ako.

Umupo ako sa isa sa mga bench at doon umiyak ng malakas.

Nagulat ako ng may-umupo sa gilid ko, pagtingin ko nagulat ako kase andito sa tabi ko si eitan ngayon.

"Umiyak ka lang isipin mo wala ako" mahinahong sabi niya.

"Bakit ka an-andito?" sabi ko habang umiiyak.

"Tinawagan ako ni gia, sabi niya nabully ka daw sa labas ng school niyo, sundan daw kita."

"At tiyaka pag may nangyayaring ganto sayo, dito ka lagi pumupunta...." dagdag ni eitan na para bang kilalang kilala niya na ako, I mean hinde ko siya magiging bestfriend for no reason.

"Ano nangyari??" Pagtatanong niya.

"Mahabang kwento" maikling reply ko sa tanong niya.

"Kung about to sa nanliligaw sayo, bakit di mo i try." Nagulat ako sa sinabi niya, I mean paano niya nalaman pero, mamaya-maya na feel ko, na sinabi ni gia.

"Ayaw ko na," maikling sabi ko sakanya.

"bakit naman?"

"Para kaseng ang dali sabihin sa tao na pwede manligaw, pero madali deng bawiin..."

"Binawi niya?" Pagtataka niya sa sinabi ko. "Oo, sabi niya hinde nalang daw niya ako liligawan kase ayaw ko, o tiba ang gandang ng rason."

"Eh bakit nga ba ayaw mo magpaligaw, dahil ba saakin?"

"Tsk !! Asa ka, dati pa ako naka move on sayo no..." Paninigurado ko sakanya.

***

Ouch

***

"Eh bat ayaw mo magpaligaw?"

"Hinde ko den alam parang ang gulo pa, kase sabi ko sakanya kailangan ko munang mahalin yung sarili ko bago ako mag-mahal ulit, parang ang hirap kase i-sink in sayo ng confession na yun" nakangiting sabi ko sakanya.

Yung ngiti na pinilit mo lang.

"Alam mo bri wag kang ngingiti kung hinde ka namn talaga masaya, mas masasaktan ka lang alam mo ba yun?"

"Bigyan mo ng chance yung tao, malay mo seryoso tlaga" pag-pipilit ni eitan.

"Ewan ko" napahawak ako sa buhok ko sa sobrang gulo. Yun nalang ang nasabi ko sakanya, noong 1pm na, kumain lang kami ng street foods at umuwi na ako sa bahay.

.....

PLAYFUL LOVEWhere stories live. Discover now