27

2 0 0
                                    

Noong nagamot ko na yung mga sugat niya aalis na sana ako kaso bigla niya akong pinigilan "pwedeng dito ka matulog sa tabi ko?" Tumango nalang ako.

Nagising ako sa tama ng araw sa mata ko, pagtingin ko sa katabi ko tulog paden siya, tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.

Humigpit ang hawak niya sa tiyan ko pero noong nakatulog ulit siya pilit kong tinatanggal ang kamay niya saakin, baka kailangan na ako ospital. Sabi ko sa isip ko

Naghanap ako ng papel sa table niya at nagsulat na aalis muna ako, pagtapos ko isulat yun hinalikan ko yung noo niya, gumalaw siya ng onti pero nakatulog ulit.

Lumabas na ako ng pinto niya, paglabas ko  andoon si xylan. "Bat ka nagmamadali??" Pagtatanong niya. "Baka mamaya dumating na yung mama ni raiden ayaw ko na makita niya ako" tumawa lang si xylan sa sinabi ko. Anong nakakatawa, sabi ko sa isipan ko.

"Bahay to ni raiden, hinde to bahay ng magulang niya, malayo pa ang bahay ng mga magulang niya dito, kaya pwede ka pang magtagal" pag-aasar ni xylan.

"Aalis paden ako, baka kailangan na ako sa ospital" sabi ko. "doc ayusin mo muna yung damit mo baliktad oh" pagtuturo niya sa damit ko "shocks....."bulong ko napasapo ako sa noo ko, shet nakakahiya.

"Sabi ko tignan at gamutin lang si raiden, hinde ko sinabing gumawa ng bata" binulong niya yung huli niyang sinabi.

Umalis nalang ako dahil nakakahiya, pumunta muna ako sa bahay para magpalit ng damit. Pagpunta ko doon sinabi saakin na discharge na daw si Mr.Ivan. tumango nalang ako.

Habang andoon ako sa opisina ko kinakabahan ako, kase paano kung my mabuong bata sa ginawa namin ni raiden kagabi.

Habang andoon ako sa opisina ko my biglang pumasok na nurse " doc someone is looking for you" i just nod and tumayo na ako sa upuan ko.

Paglabas ko ng pinto nakita ko si raiden. "Ano ginagawa mo dito?" Sabi ko sakanya. "Binibisita yung misis ko?" Pagtatanong niya saakin.

"Bakit ka umalis ng kwarto ko na balikatad yung damit mo huh" bulong niya saakin, sinabi siguro ni xylan sakanya. "Shh... Tumahimik ka baka may makarinig" pananaray ko sakanya.

"Doctora nasa US tayo, kailan pa nakaintindi ng tagalog ang mga amerikano" sabi niya. Oo nga naman, sabi ko sa isip ko.

"So doc kailan mo ako sasagutin?" Pag-aasar niya habang naglilibot sa opisina ko. "Ahhhh kala ko kahapon nasagot na kita, my nangyari pa naman saatin" pag-aasar ko den sakanya.

"Seryoso?!" Sigaw ni raiden.

Tumango ako at pinatahimik siya dahil ang lakas ng boses niya "kailangan ko palang saktan sarili ko bago ka bumalik saakin eh" noong sinabi niya yun tumingin ako ng masam sakanya.

"Ay joke lang doc, eto naman di mabiro, i love you" nag finger heart siya saakin.

*****

Hinde kami masyiadong nakakapag date ni raiden dahil madami akong ginagawa dito sa ospital pero ayus lang sakanya, dahil naiintindihan niya den naman ang trabaho ko.

Hinde ko alam kung ano na nangyari between sakanya at sa mommy niya hinde den naman siya nagkwkwento.

Ayaw niya na siguro pag-usapan yung mommy niya. Magaling na yung father niya kaya na inherit niya na yung Ivan Hill High sa pilipinas.

******

"Kinakabahan ako babe" sabi ko sakanya dahil pupunta na kami sa bahay nila dito sa US, uuwi na kase yung parents ni raiden next week, kaya sabi ni raiden papakilala na daw niya ako sa parents niya ng maayos.

Andito na kami ngayon sa tapat ng bahay nila hinawakan ng mahigpit ni raiden yung kamay ko, napansin niya siguro na kinakabahan ako.

"Wag kang ma stress makakasama yan sa baby naten sige ka" pananakot niya saakin na kala mo doctor.

Yes im pregnant, I'm actually 1 month pregnant so....

Pumasok na kami sa bahay nila mas malaki pa eto kaysa sa bahay ni raiden.

Pagpasok namin sa bahay nila andoon si tita at tito, nag kiss lang si raiden sa parents niya at ako den.

"Hello po tita nice meeting you po ulit" sabi ko na may kaba kase baka mamaya ayaw niya paden saakin, pero nagulat ako ng yakapin niya ako nang mahigpit.

"Thank you hija, for staying for my son" sinabi niya yun habang nakayakap paden saakin.

"Mom wag mo nmn sakalin si brianna" natuwa si tita at tito kay raiden kase sobrang caring niya saakin, saamin ng anak niya.

"Nakita ko yung mga foods na nirequest ko, grabe busog na busog neto si baby kase lahat ng gusto niya andito" sabi ko kay raiden, sobrang saya ko kase her mom accepted me already.

.......

PLAYFUL LOVEWhere stories live. Discover now