Nagising ako sa tama ng araw sa mata ko, pagkadilat ng mata ko ang unang una kung nakita si raiden na natutulog sa study table ko, hinde ba siya nangangawit doon, pwede naman siya sa guest room.
Dahan dahan akong bumangon sa kama ko at kinuha yung kumot ko at nilagay sa balikat niya.
Binuksan ko lang yung pinto ng dahan dahan, lumabas na ako at bumaba para magluto ng breakfast namin.
Nagluto lang ako ng egg and bacon with toasted bread, noong naluto ko na yun umakyat na ako para tawagin si raiden.
Pag-akyat ko mahimbing paden siyang natutulog, lumapit ako sakanya para gisingin siya pero..... Ang cute niya pala pag natutulog, lumapit ako sa mukha niya para titigan pa sana siya kaso nagulat ako ng biglang dumilat yung mata niya, lalayo na sana ako sakanya.
Kaso hinila niya ako at pinaupo sa isa sa mga hita niya, hinde ako makagalaw dahil sa posisyon namin ngayon. "Hinde ko alam na mahilig ka palang tumitig sa natutulog" mapang-asar na sabi ni raiden.
Hinde ko na siya pinansin at tumayo na ako, "kakain na " sabi ko. Tumayo lang siya at sumunod saakin sa pag-baba, napansin ko na ganoon paden pala ang damit niya.
Kumain lang kami at siya na ang naghuhas dahil ako daw ang nagluto, hinde ko na siya pinigilan
Habang naghuhugas siya doon, pumasok muna ako sa kwarto ni kuya para manghiram ng damit.Ng kumukuha ako ng damit, naalala ko yung hoodie ko na pinahiram ko sakanya. Noong nakakuha na ako ng damit para sakanya, bumababa na ako at binigay na sakanya yung damit ng kuya ko.
"Ohh!! Damit ng kuya ko yan kaya alagan mo kung di yari ako doon branded shirts pa nmn yan, alam ko anak ka ng may-ari kaya kaya mo bumili ng bago pag nasira kaya okay lang pag nasira basta ikaw bumili ng bago." Walang prenong sabi ko sakamya, feel ko naubusan ako ng hininga sa sinabi ko. "Btw my nakita ka bang hoodie sa cr or sa couch banda? Kulay grey?"
"Ahh,, pinalabhan ko kase my suka, eh yung damit ko na ginamit mo asaan na?" balik na tanong niya saakin. "Ahmmm, nasa kwarto bigay ko nalang sayo pag-alis mo." Tumango lang siya sa sinabi ko.
Ganto ba pag may nanliligaw sa'yo parang natural pa den?? Tanong ko sa sarili ko. Nagpalit lang siya ng damit at ako den kase my pupuntahan daw kaming dalawa, hinde naman niya sinabi kung saan.
Noong nakasakay na ako ng kotse niya, sabi niya matulog lang daw ako pag inaantok ako kaya ginawa ko, hinde ko na tinanong kung saan kami pupunta.
Ginising niya na ako dahil andito na kami, pag dilat ko ng mata ko hinde ko alam kung nasaan kami kaya sinabi niya.
"Ahh nasa tagaytay tayo" maikling sabi niya. "Huh tagaytay anong gagawin naten dito?" Pagtatanong ko "madami" sabi niya.
Bumaba na kami, at pagbaba na pagbaba ko palang ay humampas na kaagad saakin ang malamig na hangin. Nakatishirt lang kase ako hinde den naman niya sinabi na pupunta pala kami sa malamig na lugar.
Biglang may naglagay ng jacket sa braso ko. "Thank you.." nahihiyang sabi ko sakanya. Habang naglalakad kami my nakita kaming strawberry taho, kaya bumili ako ng dalawa.
Naglalakad lang kami habang kumakain ng taho.
Meron kaming nakita na picnic place kaya umupo kami doon."Raiden hanggang kailan mo kaya magintay for me?" Curios na tanong ko sakanya, ewan ko den kung bakit yun yung lumabas sa bibig ko.
"Hanggang kailan..... hanggang kailan ka ready marunong ako magintay brianna" tumango ako pero kinikilig talaga ako sa sinabi niya.
Nagkwkwentuhan lang kami doon hanggat inabot na kami ng 6pm kaya naisipan namin na mag-dinner, at umuwi na den kami.
Hinatid niya lang ako sa bahay, sinabi ko na dito ulit siya matulog kase feel ko sobrang pagod na to mag drive.
Noong nakapasok na kami, hinde ulit ako makatulog kaya tinanong ko sakanya kung pwede lang na uminom kami, pumayag naman siya.
Umiinom lang kami ng isang set ng can beer. "Wag kang uminom ng madami huh baka malasing ka ulit" pang-aasar ko sakanya.
"hinde ako mabilis malasing no, mataas tolerance ko sa alak at tiyaka beer lang to basic lang to no...." pagtatanggol niya sa sarili niya. "Ang yabang.." ako talaga yung mababa ang tolerance pero kaya ko naman yung beer.
"Kaya pala noong sinundo kita lasing na lasing ka" pang-aasar ko ulit sakanya, ang sarap niya asarin kase priceless yung mga reaction niya. " nagpakalasing ako para makalimutan ko yung sinabi ko sayo noong araw na yun no.." tumigil ako sa pag kakatawa noong sinabi niya yun.
After a long silence nagsalita siya "btw tomorrow hinde kita masasamahan kase my imemeet ako" pag-papaalam niya. "Bat ka nagpapaalam saakin jowa mo na ba ako? "
"Hinde pero papunta naden doon" nakangiting sabi niya, naubos nanamin yung isang set ng beer kaya natulog na kami.
Doon na natulog si raiden sa guest room, kase sabi ko makukuba siya niyan pag doon ulit siya natulog sa upuan ko.
****
Nagising ako ng madaling araw at bumaba lang ako para lutuan ng breakfast si bri, noong naluto ko na, nag-iwan lang ako ng note doon sa lamesa at umakyat sa kwarto niya.
Pagkita ko sakanya mahimbing pa ang tulog niya kaya nag-iwan den ako ng note sa gilid niya.
THE NOTE
SORRY if di tayo mag breabreakfast ng mag-kasama:( hinde na kita ginising kase mahimbing tulog mo :) , btw yung breakfast mo luto na kain ka kaagad huh byee
-your suitor:)
******
Nagising ako sa tama ng araw , noong pagkabangon ko umagaw pansin saakin yung sticky notes na nasa gilid ng lamesa ko kaya binasa ko siya. Noong nabasa ko na siya bumaba na kaagad ako para kumain ng luto niya.
******
Andito na ako sa school kase tapos na yung sembrake namin, pumasok na ako ng classroom at kinamusta lang nila gia at alora yung sembreak ko, sinabi ko lang kung ano na nangyari saamin ni raiden at pumasok na yung teacher namin.
*******
Same routine lang araw araw about school ganoon den si raiden , araw araw pa deng nanliligaw bale 1 month na siyang nanliligaw at willing to wait namn siya.
*******
7 MONTHS LATER
Andito ako ngayon nakaupo Kasama ang buong batch ng 4th year gagraduate na kami ng highschool hinde ko alam kung saan ako mag sesenior high, basta ngayong araw balak ko ng sagutin si raiden.
Tinawag na ako sa stage para kunin ang diploma ko, nadaanan ko ang upuan ni raiden noong bumababa na ako sa stage nagkatinginan kami ngumiti ako sakanya at ngumiti den siya pabalik saakin.
Natapos na ang ceremony and finally graduated na ako, na lungkot ako kase hinde man lang pumunta si daddy pero okay lang andito naman si mommy.
Lumabas ako para intayin si raiden, noong nakita ko na siya kumaway kaway ako para makita niya ako, lumapit siya saakin at hinila ko siya banda sa walang tao.
Noong andoon na kami sa bandang walang tao kiniss ko kaagad si raiden sa pisngi, nagulat siya at di makapagsalita sa ginawa ko.
"Raiden ano ngayon??" Tanong ko sakanya. "Ahmm .... March 29??" Patanong den niyang sinabi saakin. "Soooo...... Sa april 29 monthsary na naten" masayang sabi ko sakanya.
Nagulat si raiden sa sinabi ko mukhang nagets niya, "sinasagot mo na ako??" Tumango ako sakanya. "Yes!!!"Malakas na sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit, niyakap ko den siya pabalik.
"I love you." Sabi niya
"I love you." Sabi ko den sakanya
......
YOU ARE READING
PLAYFUL LOVE
RomanceA woman with a broken family, she always moves from school to school and now that she is in her 4th year, there she will study on her mom's side. Her mom decided that she will study in private but this girl is not used to private schools. Since high...